Salin ng Sura Ang Apoy / Ang Hibla sa الفلبينية mula sa الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الناشر
مركز تفسير للدراسات القرآنية
Verse 1
ﮈﮉﮊﮋﮌ
ﮍ
Nalugi ang dalawang kamay ng tiyuhin ng Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - na si Abū Lahab bin `Abdulmuṭṭalib dahil sa pagkalugi ng gawain niya yayamang siya noon ay nananakit sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - at nabigo ang pagpupunyagi niya.
Verse 2
ﮎﮏﮐﮑﮒﮓ
ﮔ
Aling bagay ipinakinabang para sa kanya ng yaman niya at anak niya? Hindi magtutulak ang mga ito palayo sa kanya ng pagdurusa at hindi magdudulot sa kanya ng awa.
Verse 3
ﮕﮖﮗﮘ
ﮙ
Papasok siya sa Araw ng Pagbangon sa isang Apoy na may lagablab, na magdurusa siya sa init niyon,
Verse 4
ﮚﮛﮜ
ﮝ
at papasok doon ang maybahay niyang si Umm Jamīl na dating nananakit sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga tinik sa daan niya.
Verse 5
ﮞﮟﮠﮡﮢ
ﮣ
Sa leeg nito ay may tali na mahigpit ang pagkalubid, na ipang-aakay rito tungo sa Apoy.
تقدم القراءة