Salin ng Sura Ang mga Ipinadala sa الفلبينية mula sa الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الناشر
مركز تفسير للدراسات القرآنية
Verse 1
ﮑﮒ
ﮓ
Sumumpa si Allāh sa mga hanging nagsusunuran tulad ng buhok ng kabayo.
Verse 2
ﮔﮕ
ﮖ
At sumumpa Siya sa mga hanging matindi ang ihip.
Verse 3
ﮗﮘ
ﮙ
Sumumpa Siya sa mga hanging nagkakalat ng ulan.
Verse 4
ﮚﮛ
ﮜ
Sumumpa Siya sa mga anghel na nagbababa ng nagbubukod sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan.
Verse 5
ﮝﮞ
ﮟ
Sumumpa Siya sa mga anghel na nagbababa ng kasi.
Verse 6
ﮠﮡﮢ
ﮣ
Nagbababa [ang mga anghel] ng kasi bilang pagbibigay-dahilan mula kay Allāh tungo sa mga tao at bilang pagbibigay-babala para sa mga tao laban sa pagdurusang dulot ni Allāh.
Verse 7
ﮤﮥﮦ
ﮧ
Tunay na ang ipinangangako sa inyo na pagbubuhay, pagtutuos, at pagganti ay talagang magaganap nang walang pasubali.
Verse 8
ﮨﮩﮪ
ﮫ
Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi ang liwanag ng mga ito at naalis ang tanglaw ng mga ito,
Verse 9
ﮬﮭﮮ
ﮯ
kapag ang langit ay nabitak upang magbabaan ang mga anghel mula roon,
Verse 10
ﮰﮱﯓ
ﯔ
kapag ang mga bundok ay nabunot sa kinalalagyan ng mga ito at dinurug-durog hanggang sa maging alikabok,
Verse 11
ﯕﯖﯗ
ﯘ
at kapag ang mga sugo ay tinipon para sa isang oras na tinakdaan,
Verse 12
ﯙﯚﯛ
ﯜ
para sa araw na dakila inantala sila para sa pagsaksi sa mga kalipunan nila?
Verse 13
ﯝﯞ
ﯟ
Para sa Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga lingkod para luminaw ang nagtotoo sa nagbulaan at ang maligaya sa malumbay.
Verse 14
ﯠﯡﯢﯣﯤ
ﯥ
At ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Araw ng Pagpapasya?
Verse 15
ﯦﯧﯨ
ﯩ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling na nagpapasinungaling sa dinala ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh!
Verse 16
ﯪﯫﯬ
ﯭ
Hindi ba Kami nagpasawi sa mga kalipunang nauna noong tumangging sumampalataya ang mga ito kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo ng mga ito?
Verse 17
ﯮﯯﯰ
ﯱ
Pagkatapos ay nagpasunod Kami sa kanila ng mga tagapasinungaling kabilang sa mga nahuli para magpasawi Kami sa mga ito kung paanong nagpasawi Kami sa kanila.
Verse 18
ﯲﯳﯴ
ﯵ
Tulad ng pagpapasawi sa mga kalipunang iyon, magpapasawi Kami sa mga salarin na mga tagapasinungaling sa dinala ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.
Verse 19
ﯶﯷﯸ
ﯹ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling sa banta ni Allāh ng parusa para sa mga salarin!
Verse 20
ﭑﭒﭓﭔﭕ
ﭖ
Hindi ba Kami lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa likidong kadusta-dusta na kakaunti - ang patak -
Verse 21
ﭗﭘﭙﭚ
ﭛ
at naglagay Kami ng likidong hamak na iyon sa isang lugar na pinangangalagaan, ang sinapupunan ng babae,
Verse 22
ﭜﭝﭞ
ﭟ
hanggang sa yugtong nalalaman, ang yugto ng pagbubuntis?
Verse 23
ﭠﭡﭢ
ﭣ
Kaya nagtakda Kami ng katangian ng ipanganganak, kahalagahan nito, kulay nito, at iba pa roon; at kay inam Kami, ang Tagatakda para roon sa kabuuan niyon!
Verse 24
ﭤﭥﭦ
ﭧ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling sa kakayahan ni Allāh!
Verse 25
ﭨﭩﭪﭫ
ﭬ
Hindi ba Kami gumawa sa lupa na kumakalap sa mga tao sa kalahatan?
Verse 26
ﭭﭮ
ﭯ
Kumakalap ito sa mga buhay nila sa pamamagitan ng pagtahan dito at paglinang nito at sa mga patay nila sa pamamagitan ng paglilibing dito.
Verse 27
Naglagay Kami rito ng mga bundok na matatatag na pumipigil dito sa pagkaalog, na matataas; at nagpainom Kami sa inyo, O mga tao, ng tubig tabang. Kaya ang lumikha niyon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagbuhay sa inyo.
Verse 28
ﭸﭹﭺ
ﭻ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling sa mga biyaya ni Allāh sa kanila!
Verse 29
ﭼﭽﭾﭿﮀﮁ
ﮂ
Sasabihin sa mga tagapasinungaling sa dinala ng mga sugo nila: "Maglakbay kayo, O mga tagapasinungaling, tungo sa dati ninyong pinasisinungalingan na pagdurusa.
Verse 30
ﮃﮄﮅﮆﮇﮈ
ﮉ
Maglakbay kayo tungo sa aninong mula sa usok ng Impiyerno na nagkabaha-bahagi sa tatlong bahagi.
Verse 31
ﮊﮋﮌﮍﮎﮏ
ﮐ
Wala roong lamig ng mga lilim at hindi makapipigil sa liyab ng Apoy at init niyon na umubos sa inyo."
Verse 32
ﮑﮒﮓﮔ
ﮕ
Tunay na ang Apoy ay bumabato ng mga alipato na ang bawat alipato ay tulad ng palasyo sa laki nito.
Verse 33
ﮖﮗﮘ
ﮙ
Para bang ang mga alipatong ibinabato sa kaitiman ng mga ito at laki ng mga ito ay mga kamelyong itim.
Verse 34
ﮚﮛﮜ
ﮝ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling sa pagdurusang dulot ni Allāh!
Verse 35
ﮞﮟﮠﮡ
ﮢ
Ito ay Araw na hindi sila magsasalita roon ng anuman.
Verse 36
ﮣﮤﮥﮦ
ﮧ
Hindi magpapahintulot sa kanila na magdahi-dahilan sila sa Panginoon nila sa kawalang-pananampalataya nila at mga masagwang gawa nila para makapagdahi-dahilan sila sa Kanya.
Verse 37
ﮨﮩﮪ
ﮫ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling sa mga ulat ng Araw na ito!
Verse 38
ﮬﮭﮮﮯﮰﮱ
ﯓ
Ito ay Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga nilikha; kakalap Kami sa inyo at sa mga kalipunang nauna sa nag-iisang larangan.
Verse 39
ﯔﯕﯖﯗﯘ
ﯙ
Kaya kung mayroon kayong isang panlalansi na ipanlalansi ninyo para makaligtas sa pagdurusang dulot ni Allāh ay manlansi kayo laban sa Akin.
Verse 40
ﯚﯛﯜ
ﯝ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling sa Araw ng Pagpapasya!
Verse 41
ﯞﯟﯠﯡﯢ
ﯣ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga lilim ng mga punong-kahoy ng Paraisong malago at mga bukal ng tubig tabang na dumadaloy,
Verse 42
ﯤﯥﯦ
ﯧ
at mga prutas mula sa anumang ninanasa nilang kainin.
Verse 43
ﯨﯩﯪﯫﯬﯭ
ﯮ
Sasabihin sa kanila: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-aya at uminom kayo ng inumang kaiga-igayang walang panligalig dahil sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos."
Verse 44
ﯯﯰﯱﯲ
ﯳ
Tulad ng ganting ito na iginanti Namin sa inyo gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda sa mga gawain nila.
Verse 45
ﯴﯵﯶ
ﯷ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling sa inihanda ni Allāh para sa mga tagapangilag sa pagkakasala!
Verse 46
ﯸﯹﯺﯻﯼ
ﯽ
Sasabihin sa mga tagapasinungaling: "Kumain kayo at magtamasa kayo ng mga minamasarap ng buhay sa kaunting panahon sa Mundo; tunay na kayo, dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh at pagpapasinungaling ninyo sa mga sugo Niya, ay mga salarin."
Verse 47
ﯾﯿﰀ
ﰁ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling sa pagganti sa kanila sa Araw ng Paggantimpala!
Verse 48
ﰂﰃﰄﰅﰆﰇ
ﰈ
Kapag sinabi sa mga tagapasinungaling na ito: "Magdasal kayo kay Allāh," hindi sila nagdarasal sa Kanya.
Verse 49
ﰉﰊﰋ
ﰌ
Kasawian, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling na nagpapasinungaling sa dinala ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh!
Verse 50
ﰍﰎﰏﰐ
ﰑ
Kaya kapag hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ibinabang ito mula sa Panginoon nila, sa aling pag-uusap na iba pa rito sasampalataya sila?
تقدم القراءة