ﰒ
ترجمة معاني سورة القارعة
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﭴ
ﰀ
Ang oras na kakalampag sa mga puso ng mga tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot nito.
ﭶﭷ
ﰁ
Ano ang oras na ito na kakalampag sa mga puso ng tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot nito?
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang oras na ito na kakalampag sa mga puso ng mga tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot nito? Tunay na ito ay ang Araw ng Pagbangon.
Sa Araw na kakalampag ito sa mga puso ng mga tao, sila ay magiging para bang mga gamugamong kumakalat na naglilipana dito at doon,
at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang hinimaymay sa kagaanan ng pag-usad ng mga ito at paggalaw ng mga ito.
Kaya tungkol naman sa sinumang tumimbang ang mga gawa niyang maayos higit sa mga gawa niyang masagwa,
siya ay nasa isang pamumuhay na kinalulugdan, na makakamit ito sa Paraiso.
Kaya tungkol naman sa sinumang tumimbang ang mga gawa niyang masagwa higit sa mga gawa niyang maayos,
ﮘﮙ
ﰈ
ang tirahan niya at pagtitigilan niya sa Araw ng Pagbangon ay Impiyerno.
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano iyon?
ﮠﮡ
ﰊ
Iyon ay isang Apoy na matindi ang init.