ﯹ
ترجمة معاني سورة الإنسان
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج)
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
May dumating ba sa tao na isang yugto mula sa panahon na hindi siya naging isang bagay na nababanggit?
Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo upang sumubok Kami sa kanya; at gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita.
Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas bilang tagapasalamat o bilang mapagkaila sa utang na loob.
Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng mga tanikala, mga kulyar, at isang liyab.
Tunay na ang mga nagpapakabuti ay iinom mula sa kopa na ang halo nito ay Kāfūr,
na isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, na magpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak.
Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.
Nagpapakain sila, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.
[Sinasabi nila sa mga sarili]: "Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikasisiya ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.
Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid."
Kaya mangangalaga sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak.
At gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at sutla.
Mga nakasandal doon sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng [init ng] araw ni pagkalamig-lamig.
At nakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, pinadali ang mga pinipitas dito sa isang pagpapadali.
At magpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal,
mga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila sa mga ito sa isang pagsukat.
Paiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya
[mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl.
May lilibot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga mutyang isinabog.
At kapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki.
May nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla. Hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming naipandadalisay.
[Sasabihin]: "Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala."
Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo ng Qur’ān sa [unti-unting] pagbababa.
Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o palatangging sumampalataya.
At bumanggit ka sa pangalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon.
At sa bahagi ng gabi ay magpatirapa ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya sa gabi nang matagal.
Tunay na ang mga ito ay umiibig sa Panandaliang-buhay at nag-iiwan sa likuran nila ng isang araw na mabigat.
Kami ay lumikha sa kanila at nagpapatatag sa pagkalalang sa kanila. Kapag niloob Namin ay magpapalit Kami ng mga tulad nila sa isang pagpapalit.
Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.
At hindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya sa awa niya samantalang sa mga tagalabag sa katarungan ay naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.