Ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Hindi Kami magpaparusa hanggang sa magpadala Kami ng isang sugo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang sinumang napatnubayan tungo sa pananampalataya, ang gantimpala ng kapatnubayan niya ay para sa sarili niya; at ang sinumang naligaw, ang parusa sa pagkaligaw niya ay laban sa kanya. Hindi dadalhin ng isang kaluluwa ang pagkakasala ng ibang kaluluwa. Hindi Kami magpaparusa sa mga tao hanggang sa maglahad Kami laban sa kanila ng katwiran sa pamamagitan ng pagsusugo ng mga sugo sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم