Kami ay higit na nakaaalam sa pinakikinggan nila noong nakikinig sila sa iyo at noong sila ay natatapatan noong nagsasabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Wala kayong sinusunod maliban sa isang lalaking nagaway."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kami ay higit na nakaaalam sa paraan ng pakikinig ng mga pangulo nila sa Qur'ān. Sila ay hindi nagnanais ng pagkapatnubay dahil dito, bagkus nagnanais sila ng pagmamaliit at pagtuturing ng kawalang katuturan sa sandali ng pagbigkas mo. Kami ay higit na nakaaalam sa pinag-uusapan nila nang palihim gaya ng pagpapasinungaling at pagbalakid, nang nagsasabi itong mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila ng kawalang-pananampalataya: "Wala kayong sinusunod, O mga tao, maliban sa isang lalaking nagaway na natuliro ang isip niya."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم