ﮣ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya,
na sila sa pagdarasal nila ay mga taimtim.
na sila sa kabalbalan ay mga tagaayaw,
na sila sa zakāh ay mga tagapagsagawa,
na sila sa mga kaselanan nila ay mga tagapangalaga,
maliban sa mga asawa nila o inari ng mga kanang kamay nila sapagkat tunay na sila ay hindi mga masisisi,
ngunit ang sinumang naghangad ng lampas roon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag,
na sila sa mga ipinagkatiwala sa kanila at tipan nila ay mga tagapag-ingat,
na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga.
Ang mga iyon ang mga tagapagmana,
na mga magmamana sa Firdaws. Sila roon ay mga mananatili.
Talaga ngang lumikha Kami sa tao mula sa isang hinango mula sa isang putik.
Pagkatapos ay gumawa Kami sa kanya na isang patak sa pinamamalagiang matatag.
Pagkatapos ay lumikha Kami sa patak bilang isang malalinta, saka lumikha Kami sa dugong malalinta bilang isang nginuyang malalaman, saka lumikha Kami sa nginuyang malalaman bilang mga buto, saka binalot Namin ang mga buto ng laman. Pagkatapos ay bumuo Kami rito bilang iba pang nilikha. Kaya mapagpala si Allāh, ang pinakamahusay sa mga tagalikha.
Pagkatapos tunay na kayo, matapos niyon, ay talagang mga mamamatay.
Pagkatapos tunay na kayo, sa Araw ng Pagbangon, ay bubuhayin.
Talaga ngang lumikha Kami sa ibabaw ninyo ng pitong magkakapatong na langit. Hindi Kami, sa paglikha, naging nalilingat.
Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ayon sa sukat at nagpatahan Kami nito sa lupa. Tunay na Kami, sa pag-aalis nito, ay talagang nakakakaya.
Kaya nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga hardin ng mga datiles at mga ubas - ukol sa inyo sa mga ito ay maraming prutas at mula sa mga ito ay kumakain kayo -
at ng isang punong-kahoy na lumalabas mula sa bundok ng Sinai na nagpapatubo ng langis at isang sawsawan para sa mga kumakain.
Tunay na talagang may aral ukol sa inyo sa mga hayupan. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ito. Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami, at mula sa mga ito ay kumakain kayo.
Sa ibabaw ng mga ito at sa ibabaw ng mga daong dinadala kayo.
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kalipi niya kaya nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala."
Kaya nagsabi ang konseho na tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: "Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais magpakalamang sa inyo. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagbaba Siya ng mga anghel. Hindi Kami nakarinig nito sa mga ninuno naming sinauna.
Walang iba siya kundi isang lalaking sa kanya ay may kabaliwan, kaya mag-abang kayo sa kanya hanggang sa isang panahon."
Nagsabi siya: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil nagpasinungaling sila sa akin."
Kaya nagkasi Kami sa kanya: "Yumari ka ng daong sa pamamagitan ng mga mata Namin at pagkasi Namin. Kaya kapag dumating ang utos Namin at sumambulat ang pugon ay magpasok ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares, ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang hatol kabilang sa kanila – at huwag kang kumausap sa Akin kaugnay sa mga lumabag sa katarungan; tunay na sila ay mga malulunod.
Kapag lumulan ka at ang sinumang kasama sa iyo sa arko ay sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagligtas sa amin mula sa mga taong tagalabag ng katarungan."
Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatuloy Ka sa akin sa isang pinatutuluyang pinagpala; at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy."
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda, at tunay na laging Kami ay talagang sumusubok.
Pagkatapos ay nagpaluwal Kami noong matapos nila ng salinlahing mga iba pa.
Nagsugo Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, [na nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"
Kaya nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya na tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa pakikipagtagpo sa Kabilang-buhay samantalang nagpariwasa Kami sa kanila sa Buhay sa Mundo: "Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo.
Talagang kung tumalima kayo sa isang taong tulad ninyo, tunay na kayo, samakatuwid, ay talagang mga lugi.
Nangangako ba siya sa inyo na kayo, kapag namatay kayo at naging alabok at buto kayo, ay mga ilalabas?
Pagkalayu-layo ito, pagkalayu-layo ito para sa ipinangangako sa inyo.
Walang iba ito kundi buhay nating makamundo; namamatay tayo at nabubuhay tayo at tayo ay hindi mga bubuhayin.
Walang iba siya kundi isang lalaking gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan. Tayo ay sa kanya ay hindi mga naniniwala.
Nagsabi ito: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil sa nagpasinungaling sila sa akin."
Nagsabi Siya: "Sa kaunting [panahon], talagang sila nga ay magiging mga nagsisisi."
Kaya dinaklot sila ng sigaw ayon sa katotohanan kaya gumawa Kami sa kanila bilang yagit. Kasawian kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Pagkatapos ay nagpaluwal Kami noong matapos nila ng mga salinlahing iba pa.
Hindi nauunahan ng anumang kalipunan ang taning nito at hindi sila nakapagpapahuli.
Pagkatapos ay nagsugo Kami ng mga sugo Namin nang sunud-sunod. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan ang sugo nito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa at gumawa Kami sa kanila na mga kwento. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya.
Pagkatapos ay nagsugo Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
kay Paraon at sa konseho niya ngunit nagmalaki sila at sila noon ay mga taong nagpapakataas.
Nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa dalawang taong tulad namin samantalang ang mga kalipi nilang dalawa sa amin ay mga naglilingkod?"
Kaya nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya sila ay naging kabilang sa mga ipinahahamak.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
Gumawa Kami sa anak ni Maria at ina niya bilang tanda at ikinanlong Namin silang dalawa sa isang burol na may kapatagan at tubigan.
O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.
Tunay na ito ay kalipunan ninyo – kalipunang nag-iisa, at Ako ay Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala sa Akin.
Ngunit nagkaputul-putol sila sa lagay nila sa pagitan nila bilang mga pangkatin. Bawat lapian sa taglay nila ay mga natutuwa.
Kaya hayaan mo sila sa kalituhan nila hanggang sa isang panahon.
Nag-aakala ba sila na ang inaayuda Namin sa kanila na yaman at mga anak
ay [dahil] nagdadali-dali Kami para sa kanila sa mga mabuting bagay? Bagkus hindi sila nakararamdam.
Tunay na silang dahil sa takot sa Kanya ay mga nababagabag,
na silang sa mga tanda ng Panginoon nila ay sumasampalataya,
na silang sa Panginoon nila ay hindi nagtatambal
na nagbibigay ng ibinigay nila habang ang mga puso nila ay nasisindak na sila sa Panginoon nila ay mga babalik,
ang mga iyon ay nagdadali-dali sa mga mabuting bagay, at sila sa mga ito ay nauuna [sa iba].
Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Mayroon Kaming isang talaang bumibigkas ng katotohanan at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.
Bagkus ang mga puso nila ay nasa kalituhan mula rito, at mayroon silang mga gawang [masama] bukod pa roon na sila ay gumagawa ng mga ito.
Hanggang sa nang nagpataw Kami sa mga pinariwasa sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay umuungol.
Huwag kayong umungol ngayong araw; tunay na kayo mula sa Amin ay hindi maiaadya.
Ang mga talata Ko nga noon ay binibigkas sa inyo ngunit kayo noon sa mga sakong ninyo ay umuurong
habang mga nagmamalaki samantalang nagpupuyat, namimintas sila rito.
Kaya hindi ba sila nagbubulaybulay sa sabi [ni Allāh], o dumating sa kanila ang hindi dumating sa mga magulang nilang sinauna?
O hindi sila nakakilala sa Sugo nila kaya sila sa kanya ay mga tagapagkaila?
O nagsasabi sila na sa kanya ay may isang kabaliwan? Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanan, ngunit ang higit na marami sa kanila sa katotohanan ay mga nasusuklam.
Kung sakaling sumunod ang katotohanan sa mga pithaya nila ay talaga sanang nagulo ang mga langit at ang lupa at ang sinumang nasa mga ito. Bagkus nagdala Kami sa kanila ng paalaala sa kanila, ngunit sila sa paalaala sa kanila ay mga tagaayaw.
O humihingi ka ba sa kanila ng kabayaran sapagkat ang pabuya ng Panginoon mo ay higit na mabuti at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagapagtustos.
Tunay na ikaw ay talagang nag-aanyaya sa kanila tungo sa isang landasing tuwid.
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay palayo sa landas ay talagang mga pumapaling.
Kahit pa man naawa Kami sa kanila at nag-alis Kami ng taglay nilang kapinsalaan ay talagang magpupumilit sila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap.
Talaga ngang nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa ngunit hindi sila nangayupapa sa Panginoon nila at hindi sila nagsusumamo.
Hanggang sa nang nagbukas Kami sa kanila ng isang pintuang may isang pagdurusang matindi, biglang sila roon ay mga nalulumbay.
Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kakaunti ang pagpapasalamat [na inyong isinusukli]!
Siya ay ang lumalang sa inyo sa lupa at tungo sa Kanya titipunin kayo.
Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Sa Kanya ang pagsasalitan ng gabi at maghapon. Kaya hindi ba kayo umuunawa?
Bagkus nagsabi sila ng tulad sa sinabi ng mga sinauna.
Nagsabi sila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin?"
Talaga ngang pinangakuan Kami mismo at ang mga magulang namin nito bago pa man. Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.
Sabihin mo: "Kanino ang lupa at ang sinumang narito kung nangyaring kayo ay nakaaalam."
Magsasabi sila: "Sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mag-aalaala?"
Sabihin mo: "Sino ang Panginoon ng pitong langit at ang Panginoon ng tronong dakila?"
Magsasabi sila: "[Ang mga ito ay] sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"
Sabihin mo: "Sino ang nasa kamay niya ang paghahari sa bawat bagay at siya ay kumakalinga ngunit walang kumakalinga sa Kanya kung nangyaring kayo ay nakaaalam?"
Magsasabi sila: "[Ang mga ito ay] sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya paanong napaglalalangan kayo?"
Bagkus nagdala Kami sa kanila ng katotohanan, at tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak. Hindi nangyaring may kasama Siya na anumang diyos. Kung nagkagayon ay talaga sanang kinuha ng bawat diyos ang anumang nilikha nito at talaga sanang nangibabaw ang ilan sa kanila higit sa iba. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila.
Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan kaya pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila.
Sabihin mo: "Panginoon ko, kung ipakikita Mo nga sa akin ang ipinangangako sa kanila,
Panginoon ko, huwag Kang maglagay sa akin sa mga taong tagalabag sa katarungan."
Tunay na Kami sa pagpapakita Namin sa iyo ng ipinangangako Namin sa kanila ay talagang nakakakaya.
Itaboy mo sa pamamagitan nitong higit na maganda ang masagwa. Kami ay higit na nakaaalam sa anumang inilalarawan nila.
Sabihin mo: "Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa mga pambubuyo ng mga demonyo;
at nagpapakupkop ako sa Iyo o Panginoon Ko na dumalo sila sa akin
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: "Panginoon ko, pabalikin Ninyo ako,
nang sa gayon ako ay gagawa ng maayos sa naiwan ko!" Aba'y hindi! Tunay na ito ay isang salitang siya ay tagapagsabi nito. Mula sa likuran nila ay may isang harang hanggang sa araw na bubuhayin sila.
Kaya kapag umihip sa tambuli, wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila sa Araw na iyon at hindi sila magtatanungan.
Kaya ang sinumang bumigat ang mga timbangan niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
Ang sinumang gumaan ang mga timbangan niya, ang mga iyon ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa impiyerno bilang mga mananatili.
Papaso sa mga mukha nila ang Apoy habang sila roon ay mga umaangil.
Hindi ba ang mga talata Ko dati ay binibigkas sa inyo ngunit kayo dati sa mga ito ay nagpapasinungaling?
Nagsabi sila: "Panginoon namin, nanaig sa amin ang kalumbayan namin, at kami dati ay mga taong naliligaw.
Panginoon namin, palabasin Mo kami mula rito; at kung bumalik kami, tunay na kami ay mga lumalabag sa katarungan.
Nagsabi Siya: "Magpakahamak kayo riyan at huwag kayong magsalita sa Akin."
Tunay na may isang pangkat noon kabilang sa mga lingkod Ko na nagsasabi: "Panginoon namin, sumampalataya kami kaya magpatawad Ka sa amin at maawa Ka sa amin, at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa."
Ngunit gumawa kayo sa kanila ng panunuya hanggang sa nagpalimot sila sa inyo sa pag-alaala sa Akin habang kayo noon sa kanila ay tumatawa.
Tunay na Ako ay gaganti sa kanila ngayong Araw dahil nagtiis sila: sila ay ang mga magtatagumpay.
Sabihin mo: "Gaano katagal namalagi kayo sa lupa sa bilang ng mga taon?"
Magsasabi sila: "Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw; magtanong Ka sa mga tagabilang."
Sabihin mo: "Hindi kayo namalagi malibang sa kaunting [sandali], kung sakaling kayo ay nakaaalam noon."
Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha lamang Kami sa inyo nang walang-kabuluhan at na kayo sa Amin ay hindi ibabalik?
Kaya pagkataas-taas si Allāh, ang Haring Totoo, na walang Diyos kundi Siya, ang Panginoon ng tronong mahal.
Ang sinumang mananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, nang walang patunay sa kanya rito, ang pagtutuos sa kanya ay nasa ganang Panginoon niya lamang. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya.
Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at maawa Ka sa akin, at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa."