Kaya kapag dumating ang pangako ng una sa dalawa ay magpapadala Kami sa inyo ng mga lingkod para sa Amin na mga may lakas na matindi at maghalughog sila sa kaloob-looban ng mga tahanan. Ito ay isang pangakong gagawin.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya kapag naganap mula sa kanila ang unang panggugulo ay magpapangibabaw Kami sa kanila ng mga lingkod para sa Amin na mga nagtataglay ng lakas at dahas na sukdulan, na papatay sa kanila at magpapalayas sa kanila at gagalugad sa gitna ng mga tahanan nila habang nanggugulo sa anumang madaanan ng mga ito. Ang pangako ni Allāh roon ay magaganap nang walang pasubali.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم