Nagsabi ito: "Nakita Mo naman ba itong pinarangalan Mo higit sa akin? Talagang kung aantalain Mo ako hanggang sa Araw ng Pagbangon ay talagang mananaig nga ako sa mga supling niya maliban sa kakaunti."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi si Satanas sa Panginoon niya: "Nakita Mo naman ba itong nilikhang pinarangalan Mo higit sa akin dahil sa pag-utos Mo sa akin ng pagpapatirapa sa kanya? Talagang kung pananatilihin Mo akong buhay hanggang sa wakas ng buhay sa Mundo ay talagang manghahalina ako sa mga anak niya at talagang magpapalisya ako sa kanila palayo sa landasin Mong tuwid maliban sa kakaunti kabilang sa pinangalagaan Mo sa kanila, ang mga lingkod mong mga nagpapakawagas."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم