[Banggitin mo] ang araw na tatawag Kami sa bawat [pangkat ng] mga tao sa pamamagitan ng pinuno nila. Kaya ang mga bibigyan ng talaan nila sa kanang kamay nila, ang mga iyon ay magbabasa ng talaan nila at hindi sila lalabagin sa katarungan ni katiting man.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na mananawagan Kami sa bawat pangkat sa pamamagitan ng pinuno nito, na tinutularan nito noon sa Mundo. Kaya ang mga bibigyan ng talaan nila sa kanang kamay nila, ang mga iyon ay magbabasa ng mga talaan nila habang mga pinagagalak at hindi sila kukulangan ng anuman mula sa mga pabuya sa kanila, kahit pa man umabot ito sa kaliitan nito sa sukat ng hiblang nasa bitak ng buto ng datiles.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم