Samakatuwid [kung nangyari], talaga sanang nagpalasap Kami sa iyo ng ibayong [pagdurusa] sa buhay at ibayong [pagdurusa] sa pagkamatay. Pagkatapos ay hindi ka makatatagpo para sa iyo laban sa Amin ng isang mapag-adya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung sakaling kumiling ka sa kanila sa iminumungkahi nila sa iyo, talaga sanang nagpadapo Kami sa iyo ng pagdurusang pinag-ibayo sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Pagkatapos ay hindi ka makatatagpo ng isang mapag-adyang mag-aadya sa iyo laban sa Amin at magtutulak palayo sa iyo ng pagdurusa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم