ترجمة معاني سورة الليل
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Sumumpa si Allāh sa gabi kapag nagtatakip ito ng anumang nasa pagitan ng langit at lupa ng kadiliman nito,
sumumpa Siya sa maghapon kapag nagpakalantad ito at lumitaw ito,
sumumpa Siya sa pagkalikha Niya sa dalawang uri: ang lalaki at ang babae;
tunay na ang gawain ninyo, o mga tao, ay talagang nagkakaiba-iba sapagkat kabilang dito ang mga magandang gawa, na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso, at kabilang dito ang mga masagwang gawa na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno.
Kaya tungkol naman sa sinumang nagbigay ng inoobliga sa kanya na ipagkaloob niya na zakāh, panggugol, at panakip-sala, at nangilag sa sinaway ni Allāh sa kanya,
ﯘﯙ
ﰅ
at naniwala sa ipinangako sa kanya ni Allāh na kapalit;
ﯛﯜ
ﰆ
magpapagaan Kami sa kanya sa gawang maayos at paggugol sa landas ni Allāh.
Tungkol naman sa sinumang nagmaramot ng yaman niya kaya hindi nagkaloob nito sa anumang kinakailangan sa kanya na magkaloob nito, at nag-akalang makapagsasarili sa pamamagitan ng yaman palayo kay Allāh kaya hindi humihingi kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya ng anuman,
ﯣﯤ
ﰈ
at nagpasinungaling sa ipinangako sa kanya ni Allāh na kapalit at gantimpala sa paggugol niya ng yaman niya sa landas ni Allāh;
ﭑﭒ
ﰉ
magpapagaan Kami sa kanya sa paggawa ng kasamaan at magpapahirap Kami sa kanya sa paggawa ng kabutihan.
At ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya na nagmaramot siya nito ng anuman kapag nasawi siya at pumasok sa Impiyerno?
Tunay na nasa Amin na maglinaw sa daan ng katotohanan mula sa kabulaanan.
Tunay na sa Amin ay talagang ang buhay na pangkabilang-buhay at ang buhay na pangmundo: gumagawa Kami sa dalawang ito ng niloloob Namin, at hindi iyon ukol sa isang iba pa sa Amin.
Kaya nagbigay-babala Ako sa inyo, o mga tao, laban sa Apoy na nagniningas kung kayo ay sumuway sa Akin.
Walang magdurusa sa init ng Apoy na ito kundi ang pinakamalumbay, ang tagatangging sumampalataya,
na nagpasinungaling sa dinala ng Sugo - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - at umayaw sa pagsunod sa utos ni Allāh.
ﭱﭲ
ﰐ
Palalayuin doon ang pinakatagapangilag magkasala sa mga tao, si Abū Bakr - malugod si Allāh sa kanya,
na gumugugol ng yaman niya sa mga uri ng pagpapakabuti upang magpakadalisay mula sa mga pagkakasala,
hindi siya nagkakaloob ng ipinagkakaloob niya na yaman upang tumumbas sa isang biyayang ibiniyaya ng isa sa kanya
hindi siya nagnanais sa ipinagkakaloob niya mula sa yaman niya maliban sa [ikalulugod] ng Mukha ng Panginoon niya, ang Nakatataas sa nilikha.
ﮆﮇ
ﰔ
Talagang malulugod siya sa ibibigay sa kanya ni Allāh na masaganang ganti.