ترجمة سورة الليل

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الليل باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito,
sumpa man sa maghapon kapag nalantad ito,
sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae;
tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari.
Kaya tungkol naman sa sinumang nagbigay at nangilag magkasala,
at nagpatotoo sa pinakamaganda;
magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali.
At tungkol naman sa sinumang nagmaramot at nag-akalang makapagsasarili,
at nagpasinungaling sa pinakamaganda;
magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap.
At ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]?
Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay.
At tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay.
Kaya nagbabala Ako sa inyo ng Apoy na naglalagablab.
Walang papasok doon kundi ang pinakamalumbay,
na nagpasinungaling at tumalikod.
Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala,
na nagbibigay ng yaman niya habang nagpapakalinis [sa kasalanan],
hindi dahil sa isa na sa ganang kanya ay may isang biyayang gagantihan
kundi sa paghahangad [ng ikalulugod] ng Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas.
At talagang malulugod siya.
Icon