Sabihin mo: "Kung sakaling kayo ay nagmamay-ari ng mga imbakan ng awa ng Panginoon ko, kung gayon talaga sanang nagkait kayo dala ng takot sa paggugol." Laging ang tao ay gahaman.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kung sakaling nangyaring kayo ay nagmamay-ari ng mga imbakan ng awa ng Panginoon ko na hindi nauubos ni nagwawakas, samakatuwid talaga sanang nagpigil kayo sa paggugol nito dala ng pangamba sa pagkaubos nito upang hindi kayo maging mga maralita." Bahagi ng kalikasan ng tao ay na siya ay maramot maliban kung nangyaring siya ay isang mananampalataya sapagkat siya ay gumugugol dala ng pag-asa sa gantimpala ni Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم