Talaga ngang nakaaalam Kami na sila ay nagsasabi: "Tinuturuan lamang siya ng isang tao." Ang dila ng ipinasasaring nila ay banyaga samantalang ito ay isang dilang Arabeng malinaw."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kami ay nakaaalam na ang mga tagapagtambal ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad ay tinuturuan lamang ng Qur'ān ng isang tao." Sila ay mga sinungaling sa pahayag nila sapagkat ang wika ng inaakala nilang iyon ay nagtuturo sa kanya ay banyaga samantalang ang Qur'ān na ito ay ibinaba sa isang dilang Arabeng maliwanag na may retorikang mataas kaya papaanong nag-aakala silang siya ay nakatanggap nito mula sa isang banyaga?"
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم