Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda, at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya, at Siya ay higit na nakaaalam sa mga napatnubayan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Mag-anyaya ka, O Sugo, tungo sa relihiyong Islām, ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo na mga mananampalataya ayon sa hinihiling ng kalagayan ng inaanyayahan, pagkaintindi nito, at pagpapaakay nito at sa pamamagitan ng payong sumasaklaw sa pagpapaibig at pagpapangilabot. Makipagtalo ka sa kanila ayon sa paraang siyang pinakamaganda sa salita, sa isip, at sa paghuhubog sapagkat hindi kailangan sa iyo ang kapatnubayan ng mga tao. Tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot sa kanila. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa sinumang naligaw palayo sa relihiyon ng Islām. Siya ay higit na nakaaalam sa mga napatnubayan, kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa panghihinayang.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم