Nagsabi si Allāh: "Huwag kayong gumawa ng dalawang diyos. Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, kaya sa Akin kayo mangilabot."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi si Allāh - napakamaluwalhati Niya - sa lahat ng mga lingkod Niya: "Huwag kayong gumawa ng dalawang sinasamba. Siya ay sinasambang ayon sa karapatan na nag-iisa lamang, walang ikalawa sa Kanya at walang katambal sa Kanya, kaya sa Akin kayo mangamba at huwag kayong mangamba sa iba sa Akin."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم