[Banggitin] ang araw na bubuhay Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi. Pagkatapos ay hindi magpapahintulot para sa mga tumangging sumampalataya at hindi sila hihilinging magpalubag-loob [sa Amin].
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay si Allāh mula sa bawat kalipunan ng sugo nitong isinugo rito na sasaksi sa pananampalataya ng mananampalataya kabilang sa kanila at sa kawalang-pananampalataya ng tagatangging sumampalataya. Pagkatapos niyon ay hindi papayagan para sa mga tagatangging sumampalataya ang paumanhin sa dating taglay nilang kawalang-pananampalataya at hindi sila manunumbalik sa Mundo upang gumawa ng ikinalulugod ng Panginoon nila sapagkat ang Kabilang-buhay ay tahanan ng pagtutuos hindi tahanan ng paggawa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم