Ang anumang nasa ganang inyo ay nauubos samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh ay mananatili. Talagang gaganti nga Kami sa mga nagtiis ng pabuya sa kanila katumbas sa pinakamaganda sa anumang dati nilang ginagawa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang anumang nasa ganang inyo, O mga tao, gaya ng yaman, mga sarap, at ginhawa ay nagwawakas kahit pa man ito ay marami, samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh na ganti ay mananatili kaya papaano kayong nagtatangi sa maglalaho higit sa mananatili? Ang mga nagtiis sa mga tipan sa kanila at hindi kumalas sa mga ito ay talagang gagantihan nga ni Allāh ng gantimpala nila katumbas sa pinakamaganda sa anumang dati nilang ginagawa na mga pagtalima. Kaya naman gagantihan Niya sila sa magandang gawa ng gantimpala sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم