Sabihin mo: "Nakasapat si Allāh bilang saksi sa pagitan ko at ninyo. Tunay na Siya, laging sa mga lingkod Niya, ay Mapagbatid, Nakakikita."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, O Sugo: "Nakasapat si Allāh bilang tagasaksi sa pagitan ko at ninyo na ako ay Sugo sa inyo at na ako ay nagpaabot sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Tunay na Siya, laging sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, ay Tagasaklaw: walang naikukubli sa kanya sa mga iyon na anuman, Nakakikita sa lahat ng mga ikinukubli ng mga kaluluwa."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم