Ang anumang nasa inyo na biyaya ay mula kay Allāh. Pagkatapos ay kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan ay sa Kanya kayo lumuluhog.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang anumang nasa inyo, O mga tao, na biyayang panrelihiyon o pangmundo ay mula kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - hindi mula sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos ay kapag may dumapo sa inyo na pagsubok o karamdaman o karalitaan ay sa Kanya - tanging sa Kanya - kayo nagsusumamo sa panalangin upang pawiin sa inyo ang dumapo sa inyo. Kaya ang sinumang nagkakaloob ng mga biyaya at pumapawi sa mga kamalasan ay ang kinakailangang sambahin - tanging Siya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم