Kung nagsisigasig ka sa pagpatnubay sa kanila, tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa nililigaw Niya at walang ukol sa kanilang mga tagapag-adya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung nagsisikap ka, O Sugo, ayon sa nakakaya mong pag-anyaya mo sa mga ito, nagsisigagig ka sa kapatnubayan nila, at gumagawa ka ng mga kaparaanan niyon, tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan sa sinumang ipinaliligaw Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa kay Allāh na isa mang mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagtutulak ng pagdurusa palayo sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم