Kaya magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo at huwag kang maging gaya ng kasamahan ng isda noong nanawagan siya samantalang siya ay nahahapis.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa anumang inihatol ng Panginoon mo na pagpapain sa kanila sa pamamagitan ng pag-aantabay. Huwag kang maging tulad ng kasamahan ng isda na si Jonas - sumakanya ang pangangalaga - sa pagkasuya niya sa mga kababayan niya, noong nanawagan siya samantalang siya ay namimighati sa kadiliman ng dagat at kadiliman ng tiyan ng isda.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم