ﮚ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Alif. Lām. Rā'. Nauna ang pagtalakay sa mga katapat ng mga ito sa simula ng Kabanatang Baqarah. Ang Qur'ān na ito ay aklat na ibinaba Namin sa iyo, O Sugo, upang ilabas mo ang mga tao mula sa kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at kaligawan tungo sa pananampalataya, kaalaman, at kapatnubayan tungo sa Relihiyon ng Islām na siyang daan ni Allāh, ang Makapangyarihang hindi nadadaig ng isa man, ang pinupuri sa bawat bagay.
Si Allāh, na sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari sa anumang nasa mga langit, at sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari sa anumang nasa lupa sapagkat Siya ay ang karapat-dapat na sambahin - tanging Siya - at hindi tambalan ng anuman kabilang sa nilikha Niya. Magtatamo ang mga tumangging sumampalataya ng isang pagdurusang malakas.
Ang mga tumangging sumampalataya ay nagtatangi sa buhay sa Mundo at anumang narito na ginhawang maglalaho higit sa Kabilang-buhay at anumang naroon na ginhawang mamamalagi, naglilihis sa mga tao palayo sa daan ni Allāh, at naghahanap para sa daan Niya ng pagpapapangit, paglisya sa katotohanan, at pagkiling palayo sa pagpapakatatag upang hindi tumahak dito ang isa man. Ang mga nailarawang iyon sa pamamagitan ng mga katangiang iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo sa katotohanan at tama.
Hindi Kami nagpadala ng isang sugo malibang ipinadala siya bilang isang tagapagsalita ayon sa wika ng mga tao niya upang padaliin sa kanila ang pag-unawa sa inihatid niya mula sa ganang kay Allāh. Hindi Kami nagpadala sa kanya upang pilitin sila sa pananampalataya kay Allāh sapagkat si Allāh ay nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagtutuon Siya sa sinumang niloloob Niya sa pagkapatnubay ayon sa kabutihang-loob Niya. Siya ay ang Makapangyarihang hindi nadadaig ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises at nag-alalay Kami sa kanya ng mga tandang nagpapatunay sa katapatan niya at na siya ay isinugo mula sa Panginoon niya. Nag-utos Kami sa kanya na magpalabas siya sa mga tao niya mula sa kawalang-pananampalataya at kamangmangan tungo sa pananampalataya at kaalaman. Nag-utos Kami sa kanya na magpaalaala siya sa kanila hinggil sa mga araw ni Allāh na nagbiyaya Siya sa kanila sa mga iyon. Tunay na sa mga araw na iyon ay talagang may mga katunayang hayag kaugnay sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, kadakilaan ng kakayahan Niya, at pagbibiyaya Niya sa mga mananampalataya. Ito ay ang napakikinabangan ng mga tagapagtiis sa pagtalima kay Allāh, na mga namamalagi sa pagpapasalamat sa mga biyaya Niya at mga pagpapala Niya.
Banggitin mo, O Sugo, nang sumunod si Moises sa utos ng Panginoon niya at nagsabi siya sa mga tao niya kabilang sa mga anak ni Israel habang nagpapaalaala sa kanila ng mga biyaya ni Allāh sa kanila: "O mga tao ko, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang sinagip Niya kayo mula sa angkan ni Paraon at pinaligtas Niya kayo mula sa lupit nila; pinagdaranas nila kayo ng napakasamang pagdurusa yayamang sila ay kumakatay sa mga anak ninyong lalaki upang walang ipanganak sa inyo na aagaw sa paghahari ni Paraon at nagpapanatili sa mga kababaihan ninyo sa bingit ng buhay para abahin sila at hamakin sila. Sa mga gawain nilang ito ay may isang pagsusulit para sa inyo, na sukdulan sa pagtitiis, kaya tinumbasan kayo ni Allāh dahil sa pagtitiis ninyo sa pagsubok na ito sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo sa lupit ng angkan ni Paraon.
Nagsabi sa kanila si Moises: "Alalahanin ninyo nang ipinaalam sa inyo ng Panginoon ninyo ayon sa pagpapaalam na mariin: "Talagang kung nagpasalamat kayo kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa mga nabanggit na biyayang ito ay talagang magdaragdag nga Siya sa inyo sa mga ito mula sa pagpapala Niya at kagandahang-loob Niya; at talagang kung nagkakaila kayo sa mga biyaya Niya sa inyo at hindi nagpasalamat sa mga ito, tunay na ang parusa Niya ay talagang matindi para sa sinumang nagkakaila sa mga biyaya Niya at hindi nagpapasalamat sa mga ito."
Nagsabi si Moises sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung tatanggi kayong sumampalataya at tatanggi kasama ninyo ang lahat ng nasa lupa, ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya ninyo ay babalik sa inyo sapagkat tunay na si Allāh sa sarili Niya ay Walang-pangangailangan, nag-oobliga ng papuri sa sarili Niya. Hindi nakapagpapakinabang sa Kanya ang pananampalataya ng mga mananampalataya at hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ng mga tagatangging sumampalataya."
Hindi ba dumating sa inyo, O mga tagatangging sumampalataya, ang ulat ng pagpahamak sa mga kalipunang nagpasinungaling mula sa nauna sa inyo, na mga tao ni Noe at ng `Ād , mga tao ni Hūd, ng Thamūd na mga tao ni Ṣāliḥ, at mga kalipunang dumating pagkatapos nila. Sila ay marami; walang nakabibilang sa bilang nila kundi si Allāh. Pumunta sa kanila ang mga sugo nila dala ang mga patunay na maliwanag, ngunit inilagay nila ang mga kamay nila sa mga bibig nila habang mga kumakagat sa mga daliri nila dahil sa ngitngit sa mga sugo at nagsabi sila sa mga sugo nila: "Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang nag-uudyok sa pag-aalinlangan sa inaanyaya ninyo sa amin."
Nagsabi ang mga sugo nila bilang pagtugon sa kanila: "Sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba ay may pagdududa ba gayong Siya ay Tagapaglikha sa mga langit at lupa at Tagapagpairal sa mga ito nang walang naunang katulad? Nag-aanyaya Siya sa inyo sa pananampalataya sa Kanya upang pumawi sa inyo ng mga pagkakasala ninyong nauna at mag-antala sa inyo hanggang sa sandali ng pagkalubos ninyo sa mga taning ninyong tinakdaan sa buhay ninyo sa Mundo." Nagsabi sa kanila ang mga tao nila: "Kayo ay hindi iba kundi mga taong tulad namin. Walang natatangi sa inyo higit sa amin. Nagnanais kayo na lumihis kami sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ninyo sa inaanyaya ninyo na tunay na kayo ay mga sugo mula kay Allāh sa amin."
Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila bilang pagtugon sa kanila: "Kami ay hindi iba kundi mga taong tulad ninyo sapagkat kami ay hindi nagkakaila sa pagkakatulad sa inyo roon. Hindi nag-oobliga ang pagkakatulad na iyon sa pagkakatulad sa bawat bagay. Si Allāh ay nagmamagandang-loob sa pamamagitan ng pagbibiyayang natatangi sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya kaya hinihirang Niya sila bilang mga sugo sa mga tao. Hindi natutumpak sa amin na magdala kami sa inyo ng hiniling ninyong isang katwiran malibang ayon sa kalooban ni Allāh sapagkat ang pagdadala niyon ay hindi nasa kakayahan namin, bagkus si Allāh - tanging Siya - ay ang nakakakaya niyon. Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ay manalig ang mga mananampalataya sa Kanya sa mga nauukol sa kanila sa kalahatan ng mga ito."
Aling tagahadlang at aling dahi-dahilan ang humaharang sa pagitan natin at ng pananalig sa Kanya? Gumabay nga Siya sa amin sa pinakatuwid sa mga daan at pinakamaliwanag sa mga ito. Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin sa pamamagitan ng pagpapasinungaling at panunuya. Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ay manalig ang mga nananalig sa lahat ng mga kapakanan nila."
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga tao ng mga sugo noong nawalang-kakayahan sila sa pakikipagkatwiran sa mga sugo nila: "Talagang palalayasin nga namin kayo mula sa pamayanan namin, o talagang babalik nga kayo sa relihiyon namin." Kaya nagsiwalat si Allāh sa mga sugo bilang pagpapatatag sa kanila: "Talagang magpapahamak nga sa mga tagalabag sa katarungan na tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya.
Talagang magpapatahan nga Kami sa inyo, O mga sugo at sa sinumang sumunod sa inyo, sa lupain matapos ng pagpahamak sa kanila. Ang nabanggit na iyon na pagpahamak sa mga tagatangging sumampalataya na mga nagpapasinungaling, at pagpapatahan sa mga sugo nila at mga mananampalataya sa lupain matapos ng pagpahamak sa kanila [na tumatangging sumampalataya] ay ukol sa sa sinumang nagsagunita sa kadakilaan Ko at pagmamasid Ko sa kanya, at nangamba sa babala Ko sa kanya ng pagdurusa."
Humiling ang mga sugo mula sa Panginoon nila ng pag-aadya laban sa mga kaaway nila. Nalugi naman ang bawat mapagmalaking nagmamatigas sa katotohanan, na hindi sumusunod dito sa kabila ng paglitaw nito sa kanya.
Mula sa harapan ng mapagmalaking ito sa Araw ng Pagbangon ay Impiyerno, at ito sa kanya ay nakatambang. Paiinumin siya roon mula sa nana ng mga maninirahan sa Apoy, na dadaloy mula sa kanila, kaya hindi mapapawi ang uhaw niya at hindi titigil na pagdurusahin siya sa pamamagitan ng uhaw at iba pa rito na mga uri ng pagdurusa.
Nagpapakahirap siya sa pag-inom niya nang paulit-ulit dahil sa tindi ng pait nito at init nito at hindi niya nakakakaya ang paglunod nito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat dako dahil sa tindi ng ipinaghihirap niya dahil sa pagdurusa ngunit siya ay hindi patay para makapagpahinga na, bagkus mananatili siyang buhay na nasasaktan sa pagdurusa. Mula sa harap niya ay may iba pang pagdurusang matindi na naghihintay sa Kanya.
Ang idinudulot ng mga tagatangging sumampalataya na mga gawain ng pagpapakabuti gaya ng kawanggawa, pagmamagandang-loob, at awa sa mahina ay tulad ng mga abo na humihip sa mga ito ang mga hangin sa isang araw na matindi ang ihip ng mga hangin kaya nadala ang mga ito nang malakas at naikalat ang mga ito sa bawat lugar hanggang sa walang natirang bakas sa mga ito. Gayon din ang mga gawain ng mga tagatangging sumampalataya, tinangay ang mga ito ng kawalang-pananampalataya kaya hindi nagpakinabang ang mga ito sa mga tagagawa ng mga ito sa Araw ng Pagbangon. Ang gawang iyon na hindi itinatag sa pananampalataya ay ang pagkaligaw na malayo sa daan ng katotohanan.
Hindi mo ba nalaman, O tao, na si Allāh ay lumikha sa mga langit at lumikha sa lupa ayon sa katotohanan sapagkat hindi Siya lumikha sa mga ito nang walang-kabuluhan? Kung loloobin Niya ang pag-aalis sa inyo, O mga tao, at ang paggawa ng iba pang nilikhang sasamba sa Kanya at tatalima sa kanya sa halip ninyo ay talagang maaalis Niya kayo at maghahatid Siya ng iba pang nilikhang sasamba sa Kanya at tatalima sa Kanya sapagkat ito ay isang bagay na madali sa Kanya.
Ang pagpapahamak sa inyo at ang paggawa ng nilikhang iba pa sa inyo ay hindi nakapagpapahina sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - sapagkat Siya sa bawat bagay ay may-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman.
Lalabas ang mga nilikha mula sa mga libingan nila patungo kay Allāh sa Araw ng Tipanan at magsasabi ang mga tagasunod na mahina sa mga pinunong pangulo: "Tunay na kami noon sa inyo, O mga pinuno, ay mga tagasunod: nagpapautos kami sa utos ninyo at nagpapasaway kami sa saway ninyo, kaya kayo ba ay magsasanggalang sa amin ng anuman laban sa pagdurusa mula kay Allāh?" Magsasabi ang mga pinunong pangulo: "Kung sakaling nagtuon sa amin si Allāh sa kapatnubayan ay talaga sanang gumabay kami sa inyo roon at naligtas tayo nang sama-sama mula sa pagdurusa mula sa Kanya, subalit naligaw kami kaya nagpaligaw kami sa inyo. Magkakapantay sa amin at sa inyo na manghina tayo na maka-alpas sa pagdurusa o magtiis tayo: walang ukol sa ating matatakbuhan mula sa pagdurusa."
Magsasabi si Satanas kapag pumasok na ang mga maninirahan sa Paraiso sa Paraiso at ang mga maninirahan sa Apoy sa Apoy: "Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangakong totoo at ginampanan naman Niya sa inyo ang ipinangako Niya sa inyo. Nangako ako sa inyo ng pangako ng kabulaanan at hindi ako tumupad sa ipinangako ko sa inyo. Hindi ako nagkaroon ng lakas na ipampipilit ko sa inyo sa Mundo sa kawalang-pananampalataya at kaligawan subalit nag-aanyaya ako sa inyo sa kawalang-pananampalataya. Nagpaakit ako sa inyo sa mga pagsuway at nagdali-dali naman kayo sa pagsunod sa akin. Kaya huwag ninyo akong sisihin sa nangyari sa inyong pagkaligaw. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo sapagkat ang mga ito ay higit na nararapat sa paninisi. Hindi ako makasasaklolo sa inyo sa pamamagitan ng pagtulak sa pagdurusa palayo sa inyo at hindi kayo makasasaklolo sa akin sa pamamagitan ng pagtulak nito palayo sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa paggawa ninyo sa akin bilang katambal kay Allāh sa pagsamba." Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagtambal kay Allāh sa Mundo at kawalang-pananampalataya sa Kanya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
Salungat sa kahahantungan ng mga tagalabag sa katarungan, papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga gawang mabuti sa mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga puno ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nila at kapangyarihan Niya. Babati ang isa't isa sa kanila. Babati sa kanila ang mga anghel. Babati sa kanila roon ang Panginoon nila - napakamaluwalhati Niya - ng kapayapaan.
Hindi mo ba nalaman, O Sugo, kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad para sa pangungusap ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh: Walang Diyos na karapat-dapat sambahin kundi si Allāh, nang naghalintulad Siya nito sa isang punong-kahoy na kaaya-aya, ang Paraiso, na ang puno nito ay nakabaon sa ilalim ng lupa habang umiinom ng tubig sa pamamagitan ng mga ugat nitong kaaya-aya at ang mga sanga nito ay nakaangat sa langit habang umiinom mula sa hamog at nagbubuga ng hanging kaaya-aya?
Nagbibigay ang punong-kahoy na kaaya-ayang ito ng bunga nitong kaaya-aya sa bawat oras ayon sa utos ng Panginoon nito. Naglalahad si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ng mga paghahalintulad sa mga tao sa pag-asang magsaalaala sila.
Ang paghahalintulad sa karima-rimarim na pangungusap ng pagtatambal kay Allāh ay tulad ng isang punong-kahoy na karima-rimarin, ang halamang ḥanđal (ligaw na pakwan), na nabunot mula sa ugat nito, na walang katatagan sa lupa at walang pagkaangat sa langit kaya namamatay ito at tinatangay ito ng mga hangin sapagkat ang adhikain ng kawalang-pananampalataya, ang kauuwian nito ay ang paglaho. Walang aakyat na gawang kaaya-aya kay Allāh para sa tagapagtaguyod nito.
Nagpapatatag si Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng matatag na adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh ayon sa pananampalatayang lubos sa buhay sa Mundo hanggang sa mamatay sila habang sila ay nasa pananampalataya at sa Barzakh [pagkabuhay sa libingan] sa mga libingan nila sa sandali ng pagtatanong [ng anghel]. Magpapatatag Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Nagpapaligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagtatambal sa Kanya at kawalang-pananampalataya sa Kanya palayo sa tama at katinuan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya na pagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya ang kaligawan niyon ayon sa katarungan Niya at [ng anumang niloloob Niya na] pagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya ang pagpapatnubay doon ayon sa kabutihang-loob Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya - napakamaluwalhati Niya.
Talaga ngang nakita mo ang kalagayan ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa liping Quraysh nang nagpalit sila sa pagbibiyaya ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng katiwasayan sa Makkah at pagpapadala kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa kanila. Pinalitan nila iyon ng kawalang-pasasalamat sa mga biyaya Niya nang nagpasinungaling sila sa inihatid niya mula sa Panginoon niya. Ibinaba nila ang sinumang sumunod sa kanila sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga kalipi nila sa tahanan ng kapahamakan.
Ang tahanan ng kapahamakan ay Impiyerno na papasukin nila, na magdurusa sila sa init nito. Kay saklap ang pamamalagian na pamamalagian nila!
Gumawa ang mga tagapagtambal para kay Allāh ng mga katulad at mga katapat upang magpaligaw sila sa sinumang sumunod sa kanila palayo sa landas ni Allāh matapos na naligaw sila mismo palayo roon. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Magtamasa kayo sa taglay ninyong mga pagnanasa at pagpapalaganap ng mga maling akala sa buhay na ito sa Mundo sapagkat tunay na ang uwian ninyo sa Araw ng Pagbangon ay tungo sa Apoy; walang ukol sa inyo na uwiang iba pa roon."
Sabihin mo, O Sugo, sa mga mananampalataya: "O mga mananampalataya, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan. Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh ng mga guguling isinasatungkulin at itinuturing na kaibig-ibig, nang pakubli dahil sa pangamba laban sa pagpapakitang-tao at nang hayagan upang tumulad sa inyo ang iba pa sa inyo bago ang pagdating ng isang araw na walang bilihan doon ni pantubos na ipantutubos mula sa pagdurusa mula kay Allāh ni pagkakaibigan upang mamagitan ang kaibigan sa kaibigan niya."
Si Allāh ay ang nagpasimula sa mga langit, nagpasimula sa lupa nang walang naunang pagkakatulad, at nagbaba mula sa langit ng tubig ng ulan kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan ng pinababang tubig na iyon ng mga uri ng mga bunga bilang panustos para sa inyo, O mga tao. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga daong habang naglalayag sa tubig alinsunod sa pagtatakda Niya. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga ilog upang uminom kayo mula sa mga ito at magpatubig kayo sa mga hayupan ninyo at mga pananim ninyo.
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang umiinog nang tuluy-tuloy. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon habang nagsusunuran. Ang gabi ay para sa pagtulog ninyo at pamamahinga ninyo at ang maghapon ay para sa aktibidad ninyo at pagpapagal ninyo.
Nagbigay Siya sa inyo ng lahat ng hiniling ninyo at ng hindi ninyo hiniling. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makakakaya sa paglilimita sa mga ito dahil sa dami ng mga ito at pagkasari-sari ng mga ito at hindi Siya bumanggit sa inyo ng mga halimbawa kabilang sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan sa sarili niya, madalas ang pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya.
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Abraham matapos na pinatahan niya ang anak niyang si Ismael at ang ina nitong si Hagar sa mga lambak ng Makkah: "O Panginoon ko, gawin Mo ang bayang ito na pinatahan ko rito ang mag-anak ko na isang bayang may katiwasayan - ang Makkah - na hindi nagpapadanak dito ng dugo ni lumalabag dito sa katarungan ng isa man. At ilayo Mo sa akin at sa mga anak ko ang pagsamba sa mga rebulto.
O Panginoon ko, tunay na ang mga rebulto ay nagpaligaw sa marami sa mga tao yayamang inakala nila na ang mga ito ay namamagitan para sa kanila kaya natukso sila sa mga ito at sumamba sila sa mga ito sa halip na sa Iyo. Kaya ang sinumang sumunod sa akin kabilang sa mga tao sa paniniwala sa kaisahan Mo at pagtalima sa Iyo, tunay na siya ay kabilang sa kakampi ko at mga tagasunod ko. Ang sinumang sumuway sa akin kaya naman hindi siya sumunod sa akin sa paniniwala sa kaisahan Mo at pagtalima sa Iyo, tunay na Ikaw, O Panginoon ko, ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang niloob Mo na patawarin, Maawain sa kanila.
Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko - ang anak kong si Ismael at ang mga anak niya - sa isang lambak (ang Makkah) na walang pananim doon ni tubig, sa karatig ng Bahay Mong Binanal. Panginoon namin, nagpatahan ako sa kanila sa karatig niyon upang magpanatili sila ng dasal doon. Kaya gawin mo, O Panginoon ko, ang mga puso ng mga tao na nananabik sa kanila at sa bayang ito. Magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga sa pag-asang sila ay magpasalamat sa Iyo sa pagbibiyaya Mo sa kanila.
Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa bawat inililihim namin at bawat inilalantad namin. Walang naikukubli kay Allāh na anuman sa lupa ni sa langit, bagkus nalalaman Niya ito kaya hindi naikukubli sa Kanya ang pangangailangan natin sa Kanya at ang karalitaan natin.
Ang pasasalamat at ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - na sumagot sa panalangin ko na magkaloob sa akin ng kabilang sa mga mabuti na tao kaya naman nagbigay Siya sa akin sa katandaan ng edad ko kay Ismael mula kay Hagar at kay Isaac mula kay Sarah. Tunay na ang Panginoon ko - napakamaluwalhati Niya - ay talagang Madinigin sa panalangin ng sinumang dumalangin sa Kanya.
O Panginoon ko, gawin Mo ako na isang tagapagsagawa ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na paraan, gawin Mo ang mga supling ko kabilang sa nagsasagawa nito nang gayon din, O Panginoon Namin, sagutin Mo ang panalangin ko, at gawin Mo itong tanggap sa ganang Iyo.
Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko. Magpatawad Ka sa mga pagkakasala ng mga magulang ko. (Nagsabi siya nito bago niya nalamang ang ama niya ay isang kaaway ni Allāh; ngunit noong luminaw sa kanya na ito ay isang kaaway ni Allāh, nagpawalang-kaugnayan siya rito.) Magpatawad ka sa mga mananampalataya sa mga pagkakasala nila sa araw na babangon ang mga tao para sa pagtutuos sa kanila sa harapan ng Panginoon nila.
Huwag ka ngang magpalagay, O Sugo, na si Allāh, yayamang nagpapaliban sa pagdurusa ng mga tagalabag sa katarungan, ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan gaya ng pagpapasinungaling, pagbalakid sa landas ni Allāh, at iba pa roon. Bagkus Siya ay nakaaalam niyon: walang naikukubli sa Kanya mula roon na anuman. Nagpapaliban lamang Siya ng pagdurusa nila sa Araw ng Pagbangon, yaong araw na aangat ang mga paningin dala ng pangamba dahil sa hilakbot sa masasaksihan ng mga ito.
Kapag bumangon ang mga tao mula sa mga libingan nila habang mga nagmamadali patungo sa tagapanawagan habang mga nag-aangat ng mga ulo nila habang nakatingin dala ng pagkabalisa sa langit, ay hindi bumabalik sa kanila ang mga paningin nila, bagkus nanatiling nakadilat dala ng hilakbot sa nasasaksihan nila habang ang mga puso nila ay walang-laman, walang pagkatalos ni pagkaunawa dahil sa pagkasindak sa sinasaksihan.
Magpangamba ka, O Sugo, sa kalipunan mo sa pagdurusa mula kay Allāh sa Araw ng Pagbangon kaya magsasabi sa sandaling iyon ang mga lumabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya: "O Panginoon namin, palugitan Mo kami, ipagpaliban Mo sa amin ang pagdurusa, at pabalikin Mo kami sa Mundo sa loob ng madaling yugto; sasampalataya kami sa Iyo at susunod kami sa mga sugong ipinadala Mo sa amin." Kaya sasagutin sila bilang pagtuligsa sa kanila: "Hindi ba sumumpa kayo noon sa buhay sa Mundo na kayo ay hindi lilipat mula sa buhay sa Mundo patungo sa Kabilang-buhay habang mga nagkakaila sa pagbubuhay matapos ng kamatayan?"
Nanuluyan kayo sa mga tahanan ng mga naunang kalipunang tagalabag sa katarungan, bago ninyo, sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh, tulad ng mga kalipi ni Hūd at mga kalipi ni Ṣāliḥ. Lumiwanag sa inyo ang pinangyari Namin sa kanila na pagkapahamak. Naglahad para sa inyo ng mga paghahalintulad sa Aklat ni Allāh upang mapangaralan kayo ngunit hindi kayo naparangalan sa pamamagitan ng mga iyon."
Nagpanukala nga ang mga nanunuluyang ito sa mga tahanan ng mga kalipunang tagalabag sa katarungan ng mga pagpapakana para sa pagpatay kay Propeta Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at pagpapawakas sa paanyaya niya samantalang si Allāh ay nakaaalam sa panukala nila: walang naikukubli sa Kanya mula rito na anuman. Ang panukala ng mga ito ay mahina sapagkat ito ay hindi nakaaalis ng mga bundok ni ng iba pa sa mga ito dahil sa kahinaan niyon, na salungat naman sa pakana ni Allāh sa kanila.
Kaya huwag ka ngang magpalagay na si Allāh na nangako sa mga sugo Niya ng pag-aadya at pagpapangibabaw ng relihiyon ay sisira sa ipinangako Niya sa mga sugo Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: hindi Siya nadadaig ng anuman at Siya ay magpaparangal sa mga tinatangkilik Niya, May paghihiganting matindi sa mga kaaway Niya at mga kaaway ng mga sugo Niya.
Ang paghihiganting ito sa mga tagatangging sumampalataya ay mangyayari sa Araw ng Pagbangon, sa araw na papalitan ang lupang ito ng isang ibang lupang puting dalisay, papalitan ang mga langit ng mga langit na iba sa mga ito, at lilitaw ang mga tao mula sa mga libingan nila kasama ng mga katawan nila at mga gawa nila para tumindig sa harap ni Allāh, ang namumukod-tangi sa paghahari Niya at kadakilaan Niya, ang Palagaping nakagagapi at hindi nagagapi, at nakadadaig at hindi nadadaig.
49-50. Sa araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at papalitan ang mga langit, matitingnan mo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagtambal na nakagapos sa isa't isa sa pamamagitan ng mga sagka. Iginapos ang mga kamay nila at ang mga paa nila sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tanikala. Ang mga damit nilang isinusuot nila ay yari sa alkitran (isang materyal na matinding magningas). Pumapaibabaw sa mga mapanglaw na mukha nila ang apoy.
49-50. Sa araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at papalitan ang mga langit, matitingnan mo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagtambal na nakagapos sa isa't isa sa pamamagitan mga sagka. Iginapos ang mga kamay nila at ang mga paa nila sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tanikala. Ang mga damit nilang isinusuot nila ay yari sa alkitran (isang materyal na matinding magningas). Pumapaibabaw sa mga mapanglaw na mukha nila ang apoy.
[Ito ay] upang maggantimpala si Allāh sa bawat kaluluwa sa nagawa nitong kabutihan o kasamaan. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawa.
Itong Qur'ān na ibinaba kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay isang pagbibigay-alam mula kay Allāh patungo sa mga tao. [Ito ay] upang mangamba sila sa taglay nitong pagpapangilabot at matinding banta, upang malaman nila na ang sinasamba ayon sa karapatan ay si Allāh para sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng isa man, at upang mapangaralan sila nito at magsaalang-alang ang mga nagtataglay ng mga malusog na pag-iisip dahil sila ay ang nakikinabang sa mga pangaral at mga isinasaalang-alang.