Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagsugo Kami sa mga kalipunang nauna sa iyo, ngunit ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila kaya siya ay tagatangkilik nila sa araw na ito at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagpadala Kami ng mga sugo sa mga kalipunang nauna sa iyo, O Sugo, ngunit pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawa nilang pangit gaya ng shirk, kawalang-pananampalataya, at mga pagsuway sapagkat siya ay ang tagapag-adya nilang inaakala sa Araw ng Pagbangon kaya magpaadya sila sa kanya. Ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang nakasasakit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم