Sabihin mo: "Dumating ang katotohanan at naparam ang kabulaanan. Tunay na ang kabulaanan ay laging napaparam."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumating ang Islām at nagkatotoo ang pangako ni Allāh dito na pag-aadya rito, at umalis ang Shirk at ang Kawalang-pananampalataya. Tunay na ang kabulaanan ay umaalis, napapawi, hindi tumatatag sa harapan ng katotohanan."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم