Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Lulubusin lamang kayo sa mga pabuya sa inyo sa Araw ng Pagbangon. Kaya ang sinumang hinango palayo sa Apoy at pinapasok sa Paraiso ay nagtamo nga siya. Walang iba ang buhay pangmundo kundi pagtatamasa ng kahibangan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Bawat kaluluwa, maging anuman ito, ay hindi maiiwasan na lumasap ng kamatayan kaya huwag palilinlang ang isang nilikha sa Mundong ito. Sa Araw ng Pagbangon ay bibigyan kayo ng mga pabuya ng mga gawa ninyo nang buo na hindi nabawasan. Kaya ang sinumang inilayo ni Allāh buhat sa Apoy at pinapasok Niya sa Paraiso ay nagtamo nga ng hinahangad niya na kabutihan at naligtas sa pinangangambahan niya na kasamaan. Walang iba ang buhay pangmundo kundi isang pagtatamasang naglalaho at walang nahuhumaling dito kundi ang nadaya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم