ترجمة سورة الحجرات

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الحجرات باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

O mga sumampalataya, huwag kayong manguna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya at mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam.
O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ng Propeta at huwag kayong tahasang tumawag sa kanya sa pagsasabi gaya ng tahasang pagtawag ng ilan sa inyo sa iba pa dahil mawawalang-kabuluhan ang mga gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam.
Tunay na ang mga nagbababa ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga nasubok ni Allāh ang mga puso nila para sa pangingilag sa pagkakasala. Ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan.
Tunay na ang mga tumatawag sa iyo mula sa likuran ng mga silid, ang higit na marami sa kanila ay hindi nakauunawa.
At kung sakaling sila ay nagtiis hanggang sa lumabas ka sa kanila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
O mga sumampalataya, kung nagdala sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo dala ng kamangmangan, at kayo dahil sa nagawa ninyo ay maging mga nagsisisi.
At alamin ninyo na nasa inyo ang Sugo ni Allāh. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa usapin ay talaga sanang nahirapan kayo. Subalit si Allāh ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaakit nito sa mga puso ninyo, at nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at kasuwailan. Ang mga iyon ay ang mga nagagabayan.
[Ito ay] isang kabutihang-loob mula kay Allāh at isang biyaya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
At kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay pagkasunduin ninyo ang dalawa; ngunit kung lumapastangan ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumapastangan hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito ay pagkasunduin ninyo ang dalawa ayon sa katarungan, at magpakamakatarungan kayo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.
Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang, kaya pagkakasunduin ninyo ang mga kapatid ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan.
O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ibang mga lalaki; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]. Huwag [manuya] ang ilang babae sa ibang mga babae; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti pa sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong mamula sa mga kapwa ninyo at huwag kayong magtawagan ng mga taguring masama. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
O mga sumampalataya, umiwas kayo sa maraming pagpapalagay; tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan. Huwag kayong maniktik. Huwag manlibak ang ilan sa inyo ang iba pa. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Masusuklam kayo rito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.
O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag sa inyo sa pagkakasala. Tunay na si Allāh ay Maalam, Nakababatid.
Nagsabi ang mga Arabeng disyerto: "Sumampalataya kami." Sabihin mo: "Hindi kayo sumampalataya, bagkus sabihin ninyo: 'Nagpasakop kami.’ Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo. Kung tatalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi Siya babawas sa inyo mula sa mga gawa ninyo ng anuman. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, pagkatapos ay hindi nag-alinlangan, at nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga tapat.
Sabihin mo: "Nagtuturo ba kayo kay Allāh ng relihiyon ninyo samantalang si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam."
Nanunumbat sila sa iyo na nagpasakop sila. Sabihin mo: "Huwag kayong manumbat ng pagpapasakop ninyo, bagkus si Allāh ay nagmamagandang-loob sa inyo na pumatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya kung kayo ay naging mga tapat.
Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa Lingid sa mga langit at lupa. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa ninyo.
Icon