ﰡ
Ang pagbababa ng Qur'ān ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihang hindi nagagapi ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya. Hindi ito ibinaba mula sa iba pa sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya.
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān na naglalaman ng katotohanan sapagkat ang mga ulat nito sa kabuuan ng mga ito ay tapat at ang mga patakaran nito sa kalahatan ng mga ito ay makatarungan. Kaya sumamba ka kay Allāh bilang isang naniniwala sa kaisahan para sa Kanya, bilang isang nagpapakawagas sa Kanya sa paniniwala sa Kanya palayo sa pagtatambal.
Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga tagapagtangkilik kabilang sa mga anito at mga nagdidiyus-diyusan na sinasamba nila bukod pa kay Allāh habang mga nagdadahi-dahilan ng pagsamba nila sa mga ito sa pamamagitan ng sabi nila: "Hindi kami sumasamba sa mga ito kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa antas, mag-angat sila sa Kanya ng mga pangangailangan namin, at mamagitan sila para sa amin sa harap Niya." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa Araw ng Pagbangon sa pagitan ng mga mananampalatayang naniniwala sa kaisahan Niya at sa pagitan ng mga tagatangging sumampalataya na tagatambal sa Araw ng pagbangon,hinggil sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba kaugnay sa paniniwala sa kaisahan Niya. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan tungo sa katotohanan sa sinumang sinungaling kay Allāh, na nag-uugnay sa Kanya ng katambal, na mapagtangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanya.
Kung nagnais si Allāh ng paggawa ng isang anak ay talaga sanang pumili Siya mula sa anumang nilikha Niya ng niloloob Niya at gumawa Siya rito sa antas ng anak. Nagpakasakdal Siya at nagpakabanal Siya laban sa sinasabi ng mga tagatambal na ito. Siya ay ang Nag-iisa sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya: walang katambal para sa Kanya sa mga ito, ang Palalupig sa lahat ng nilikha Niya.
Lumikha Siya ng mga langit at lupa dahil sa isang kasanhiang malalim, hindi sa paglalaru-laro gaya ng sinasabi ng mga tagalabag sa katarungan. Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon at nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi sapagkat kapag dumating ang isa sa dalawa ay naglalaho ang iba. Nagpaamo Siya sa araw at nagpaamo Siya sa buwan. Bawat isa sa dalawa ay tumatakbo para sa isang taning na itinakda, ang pagwawakas ng buhay na ito. Pansinin, Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang Makapangyarihang maghihiganti sa mga kaaway Niya: walang gumagapi sa Kanya na isa man, ang Palapatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.
Lumikha sa inyo ang Panginoon ninyo, O mga tao, mula sa nag-iisang kaluluwa, si Adan. Pagkatapos ay lumikha Siya mula kay Adan ng kabiyak nitong si Eva. Lumikha Siya para sa inyo mula sa mga kamelyo, mga baka, mga tupa, at mga kambing ng walong uri, na mula sa bawat kaurian ay lumikha Siya ng isang lalaki at isang babae. Nagpaluwal Siya sa inyo - kaluwalhatian sa Kanya - sa mga tiyan ng mga ina ninyo sa isang yugto matapos ng isang yugto sa mga kadiliman ng tiyan, sinapupunan, at inunan (placenta). Yaong lumikha niyon sa kabuuan nito ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; sa Kanya - tanging sa Kanya - ang Paghahari. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya paano kayong napalilihis palayo sa pagsamba sa Kanya tungo sa pagsamba sa mga hindi lumilikha ng anuman gayong sila ay nililikha?"
Kung tatanggi kayong sumampalataya, O mga tao, sa Panginoon ninyo, tunay na Siya ay Walang-pangangailangan sa pananampalataya ninyo. Hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ninyo. Ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya ninyo ay babalik sa inyo lamang. Hindi Siya nalulugod para sa mga lingkod Niya na tumanggi silang sumampalataya sa Kanya at hindi Siya nag-uutos sa kanila ng kawalang-pananampalataya dahil Siya ay hindi nag-uutos ng kahalayan at nakasasama. Kung magpapasalamat kayo kay Allāh sa mga biyaya Niya at sasampalataya kayo sa Kanya ay malulugod Siya sa pasasalamat ninyo at maggagantimpala Siya sa inyo dahil dito. Hindi papasanin ng isang kaluluwa ang pagkakasala ng ibang kaluluwa. Bagkus bawat kaluluwa sa nakamit niya ay nakasangla. Pagkatapos ay sa Panginoon ninyo ang panunumbalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon. Magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa mga gawa ninyo. Tunay na Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang nasa mga ito.
Kapag may tumama sa tagatangging sumampalataya na isang kapinsalaan mula sa karamdaman, isang pagkawala ng yaman, at isang pangamba sa pagkalunod ay nananalangin ito sa Panginoon nito - kaluwalhatian sa Kanya - na pawiin dito ang anumang taglay nitong kapinsalaan habang nanunumbalik sa Kanya - tanging sa Kanya. Pagkatapos kapag nagbigay Siya rito ng isang biyaya sa pamamagitan ng pagpawi rito ng pinsalang tumama rito ay nag-iiwan ito sa dati nitong pinagsusumamuhan noong una, na si Allāh. Gumagawa ito para kay Allāh ng mga katambal na sinasamba nito bukod pa sa Kanya upang magpalihis ng iba pa palayo sa daan ni Allāh na nagpaparating sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang ito ang kalagayan niya: "Magtamasa ka sa kawalang-pananampalataya mo sa natitira sa buhay mo, na kakaunting panahon, sapagkat tunay na ikaw ay kabilang sa mga kasamahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon sa Araw ng Pagbangon gaya ng pamamalagi ng kasamahan sa kasamahan niya."
Ang sinuman bang siya ay tumatalima kay Allāh, na gumugugol ng mga oras ng gabi habang nagpapatirapa sa Panginoon niya at tumatayo sa harap Niya, na nangangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay at umaasa sa awa ng Panginoon Niya ay higit na mabuti, o ang tagatangging sumampalataya na sumasamba kay Allāh sa kagipitan at tumatangging sumampalataya sa Kanya sa kaginhawahan at gumagawa kay Allāh ng mga katambal? Sabihin mo, O Sugo: "Nagkakapantay ba ang mga nakaaalam sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila dahilan sa pagkakilala nila kay Allāh at ang mga hindi nakaaalam ng anuman dito? Tanging ang nakakikilala sa pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pangkat na ito ay ang mga may isipang matino."
Sabihin mo, O Sugo, sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya sa Akin at sa mga sugo Ko: "Mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ukol sa mga nagpaganda, kabilang sa inyo, ng gawain sa Mundo ay [ganting] maganda sa Mundo sa pamamagitan ng pag-aadya, kalusugan, at yaman, at sa Kabilang-buhay naman sa pamamagitan ng paraiso. Ang lupa ni Allāh ay malawak kaya lumikas kayo rito upang makatagpo kayo ng isang pook na sasambahin ninyo si Allāh doon, na walang maghahadlang sa inyo na isang tagahadlang. Tunay na ang mga nagtitiis lamang ang bibigyan ng gantimpala nila sa Araw ng Pagbangon nang walang pagbibilang at walang sukat sa dami niyon at pagkakauri-uri niyon."
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay inutusan ni Allāh na sumamba sa Kanya - tanging sa Kanya - bilang isang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba,
at inutusan Niya upang ako ay maging una sa nagpasakop sa Kanya at nagpaakay sa Kanya mula sa Kalipunang ito."
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako kay Allāh at hindi tumalima sa Kanya, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan."
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sumasamba kay Allāh - tanging sa Kanya - bilang isang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba: hindi ako sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya.
Kaya sumamba kayo mismo, O mga tagatambal, sa anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya kabilang sa mga anito." (Ang pag-uutos ay para sa pagbabanta)." Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga lugi nang totohanan ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nagpalugi sa mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon sapagkat hindi sila makikipagkita sa mga ito dahil sa pagkakahiwalay nila sa mga ito dahil sa pamumukod-tangi nila sa pagpasok sa Hardin o sa pagpasok nila kasama sa mga ito sa Apoy, kaya naman hindi sila magkikita magpakailanman. Pansinin, iyon sa totoo ay ang pagkaluging maliwanag na walang pagkalito hinggil doon.
Magkakaroon sila mula sa ibabaw nila ng usok, liyab, at init, at mula sa ilalim nila ng usok, liyab, at init. Ang nabanggit na iyon na pagdurusa ay ipinangangamba ni Allāh sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi]: "O mga lingkod Ko, kaya naman mangilag kayong magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko."
Ang mga umiwas sa pagsamba sa mga anito at lahat ng sinasamba bukod pa kay Allāh, at nanumbalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak hinggil sa paraiso sa sandali ng kamatayan, sa libingan, at sa Araw ng Pagbangon. Kaya magbalita ka, O Sugo, ng nakagagalak sa mga lingkod Ko,
na mga nakikinig sa sinabi at nagpapahiwalay sa pagitan ng maganda mula rito at pangit, at sumusunod sila sa pinakamaganda sa sinabi dahil sa taglay nitong kapakinabangan. Ang mga nailarawang iyon sa pamamagitan ng mga katangiang iyon ay ang mga itinuon ni Allāh sa kapatnubayan. Ang mga iyon ay ang mga may isip na matino.
Ang sinumang kinailangan sa kanya ang hatol ng pagdurusa dahil sa pagpapatuloy niya sa kawalang-pananampalataya niya at pagkaligaw niya, walang kapangyarihan para sa iyo, O Sugo, sa kapatnubayan niya at pagtutuon sa kanya. Kaya ba ikaw, O Sugo, ay makakakaya sa pagsasagip mula sa Apoy ng sinumang ito ay katangian niya?
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ukol sa kanila ay mga tahanang mataas, na ang iba sa mga ito ay nasa ibabaw ng mga iba pa. Dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Nangako sa kanila si Allāh niyon ng isang pangako. Si Allāh ay hindi sumisira sa naipangako.
Tunay na kayo ay nakaaalam sa pamamagitan ng pagsaksi na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan, at nagpapasok nito sa mga bukal at mga daluyan; pagkatapos ay nagpapalabas Siya sa pamamagitan ng tubig na ito ng pananim na nagkakaiba-iba ang mga kulay; pagkatapos ay natutuyo ang pananim, at nakikita mo ito, o nakasasaksi, na naninilaw ang kulay matapos na ito dati ay luntian; pagkatapos ay gumagawa Siya rito, matapos ng pagkatuyo, na nagkapira-piraso na nagkadurug-durog. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may pagpapaalaala para sa mga may pusong buhay.
Kaya ba ang sinumang nagpaluwag si Allāh sa dibdib niya para sa Islām at napatnubayan tungo rito kaya siya ay nasa isang katalusan mula sa Panginoon niya ay tulad ng sinumang tumigas ang puso niya palayo sa pag-alaala kay Allāh? Hindi silang dalawa nagkakapantay magpakailanman! Ang kaligtasan ay ukol sa mga napapatnubayan at ang kalugihan ay ukol sa mga tumigas ang mga puso nila palayo sa pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa katotohanan.
Si Allāh ay nagbaba sa Sugo Niyang si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ng Qur'ān na pinakamagaling na pag-uusap. Nagpababa Siya nito bilang nagkakawangisan: nagkakawangis ang ibang bahagi nito sa iba pang bahagi sa katapatan, kagandahan, pagkakatugmaan, at kawalan ng salungatan. Marami rito ang mga kasaysayan, ang mga patakaran, ang pangako, ang banta, ang mga katangian ng mga alagad ng katotohanan, ang mga katangian ng mga alagad ng kabulaanan, at ang iba pa roon. Nangingilabot mula rito ang mga balat ng mga natatakot sa Panginoon nila kapag nakaririnig sila ng nasaad dito na banta at babala. Pagkatapos ay lumalambot ang mga balat nila at ang mga puso nila sa pagkaalaala kay Allāh kapag nakaririnig sila ng nasaad dito ng pag-asa at mga balitang nakagagalak. Ang nabanggit na iyon mula sa Qur'ān at epekto niyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang itinatwa ni Allāh at hindi Niya itinuon sa kapatnubayan ay walang ukol dito na anumang tagapatnubay na papatnubay rito.
Nagkakapantay ba itong pinatnubayan ni Allāh, itinuon Niya habang nasa Mundo, at pinapasok Niya sa Hardin sa Kabilang-buhay, at ang sinumang tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya nito kaya pinapasok Niya ito sa Apoy na nakagapos ang mga kamay at ang mga paa, na hindi nakakakayang umilag sa apoy malibang sa pamamagitan ng mukha nitong nakasubsob ito roon? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway bilang panunumbat: "Lumasap kayo ng dati ninyong kinakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sapagkat ito ay ang ganti sa inyo."
Nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna sa mga tagatambal na ito kaya dumating sa kanila ang pagdurusa nang biglaan mula sa kung saan hindi sila nakadarama nito para makapaghahanda para rito ng pagbabalik-loob.
Kaya nagpalasap sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagdurusang iyon ng kahihiyan, kadustaan, at kasiraang-puri sa buhay pangmundo. Tunay na ang pagdurusa sa Kabilang-buhay na naghihintay sa kanila ay higit na mabigat at higit na matindi, kung sakaling sila dati ay nakaaalam.
Talaga ngang gumawa Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito na ibinaba kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ng mga uri ng mga paghahalintulad sa kabutihan at kasamaan, katotohanan at kabulaanan, pananampalataya at kawalang-pananampalataya, at iba pa, sa pag-asang magsaalang-alang sila sa ginawa Namin na mga paghahalimbawang ito para makaaalam sila sa katotohanan at mag-iwan sa kabulaanan.
Gumawa Kami nito bilang isang Qur’ān sa wikang Arabe na walang kabaluktutan dito ni paglihis ni pagkalito, sa pag-asang mangingilag silang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Gumawa si Allāh ng isang paghahalintulad para sa Mushrik (tagapagtambal kay Allāh) at Muwaḥḥid (naniniwala sa kaisahan ni Allāh): isang lalaking minamay-ari ng mga magkatambal na naghihidwaan, na kung nagpalugod ito sa iba sa kanila ay nagpagalit naman ito sa iba pa kaya ito ay nasa isang kagitlahanan at pagkalito; at isang lalaking natatangi para sa isang lalaki na tanging iyon ang nagmamay-ari rito at nalalaman nito ang ninanais niyon kaya ito ay nasa kapanatagan at katahimikan ng isip. Hindi nagkakapantay ang dalawang lalaking ito. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam kaya dahil doon ay nagtatambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya.
Tunay na ikaw, O Sugo, ay mamamatay at tunay na sila ay mga mamamatay nang walang pasubali.
Pagkatapos tunay na kayo, O mga tao, sa Araw ng Pagbangon sa harap ng Panginoon ninyo ay mag-aalitan hinggil sa pinaghihidwaan ninyo kaya lilinaw ang nagtototoo sa nagpapabula.
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa kanya na nag-ugnay kay Allāh ng hindi nababagay sa Kanya gaya ng katambal, asawa, at anak; at walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa kanya na nagpasinungaling sa kasi na dinala ng Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan. Hindi ba sa Apoy ay may kanlungan at tirahan para sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa dinala ng Sugo Niya? Oo; tunay na ukol sa kanila ay kanlungan at tirahan doon.
Ang mga nagdala ng katapatan sa mga sabi nila at mga gawa nila kabilang sa mga propeta at mga iba pa sa kanila, at nagpatotoo rito bilang mananampalataya at gumawa sa hinihiling nito, ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala, nang totohanan, na mga sumusunod sa ipinag-uutos ng Panginoon nila at umiiwas sa sinasaway Niya.
Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila na mga minamasarap na mamamalagi. Iyon ay ang ganti sa mga tagapaganda ng mga gawa nila sa Tagalikha nila at sa mga lingkod Niya,
upang bumura si Allāh para sa kanila sa pinakamasagwa sa dati nilang ginagawa na mga pagsuway sa Mundo dahil sa pagbabalik-loob nila mula sa mga ito at pagbabalik nila sa Panginoon nila, at upang gumanti Siya sa kanila ng gantimpala nila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawang mga gawang maayos.
Hindi ba si Allāh ay nakasasapat sa lingkod Niya na si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa nauukol sa relihiyon nito at Mundo nito, at tagatulak sa kaaway nito palayo rito? Tunay na Siya ay talagang nakasasapat dito. Nagpapangamba sila sa iyo, O Sugo, dala ng kamangmangan nila at kahunghangan nila dahil sa mga anito na sinasamba nila bukod pa kay Allāh na dapuan ka ng isang masama. Ang sinumang itinatwa ni Allāh at hindi itinuon sa kapatnubayan ay walang ukol dito na anumang tagapatnubay na papatnubay rito at magtutuon dito.
Ang sinumang itinutuon ni Allāh sa kapatnubayan ay walang tagapagligaw na nakakakaya sa pagpapaligaw rito. Hindi ba si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakagagapi sa Kanya na isa man, May paghihiganti sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Kanya at sumusuway sa Kanya? Oo; tunay na Siya ay talagang Makapangyarihan, May paghihiganti.
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagatambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang lumikha sa mga ito si Allāh. Sabihin mo bilang paglalantad sa kawalang-kakayahan ng mga diyos nila: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga anitong ito na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais si Allāh na magpatama sa akin ng isang pinsala, makapagsasagawa ba sila ng pag-aalis ng pinsala Niya sa akin? O kung nagnais sa akin ang Panginoon ko ng awa mula sa Kanya, sila ba ay makakakaya sa pagkakait ng awa Niya sa akin?" Sabihin mo sa kanila: "Sapat sa akin si Allāh - tanging Siya. Sa Kanya ako umaasa sa mga kapakanan ko sa kabuuan ng mga ito at sa Kanya - tanging sa Kanya - umaasa ang mga nananalig."
Sabihin mo, O Sugo: "O mga kababayan ko, gumawa kayo ayon sa lagay ninyo na kinalugdan ninyo gaya ng pagtatambal kay Allāh. Tunay na ako ay gumagawa ng ipinag-utos sa akin ng Panginoon ko gaya ng pag-aanyaya sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagpapakawagas ng pagsamba sa Kanya; at makaaalam kayo sa kahihinatnan ng bawat tinatahak.
Makaaalam kayo sa kung kanino pumupunta ang isang pagdurusa sa Mundo na mang-aaba at manghahamak, at bababa sa Araw ng Pagbangon ang isang pagdurusang mananatiling hindi napuputol at hindi naaalis."
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān para sa mga tao taglay ang katotohanan upang magbabala ka sa kanila. Kaya ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang sa kapakinabangan ng kapatnubayan niya para sa sarili nito sapagkat si Allāh ay hindi pinakikinabang ng kapatnubayan nito dahil Siya ay Walang-pakinabang doon; at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang sa kapinsalaan ng pagkaligaw nito para sa sarili nito dahil si Allāh ay hindi napipinsala ng pagkaligaw nito. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinagkatiwalaan para mamilit ka sa kanila sa kapatnubayan sapagkat walang tungkulin sa iyo kundi ang pagpapaabot sa kanila ng ipinag-utos sa iyo na ipaabot.
Si Allāh ay humahawak sa mga kaluluwa sa sandali ng pagwakas ng mga taning ng mga ito at humahawak sa mga kaluluwang hindi pa nagwakas ang mga taning ng mga ito. Pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] hinatulan Niya ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga hindi pa Niya hinatulan [ng kamatayan] hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya - kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na sa gayong paghawak at pagpapawala, at pagbibigay-kamatayan at pagbibigay-buhay ay talagang may mga katunayan para sa mga taong nag-iisip-isip na ang gumagawa niyon ay nakakakaya sa pagbuhay na muli sa mga tao matapos ng kamatayan nila para sa pagtutuos at pagganti.
Talaga ngang gumawa ang mga tagatambal ng mga diyus-diyusan nila bilang mga tagapamagitan, na umaasa sila sa ganang mga ito ng pakinabang bukod pa kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Gumagawa ba kayo sa kanila bilang mga tagapamagitan kahit pa man nangyaring sila ay hindi nakapangyayari sa inyo ni sa mga sarili ninyo sa anuman at hindi nakapag-uunawa sapagkat sila ay mga bagay na walang-buhay, na mga piping hindi nagsasalita, hindi nakaririnig, hindi nakakikita, hindi nakapagpapakinabang, at hindi nakapipinsala?"
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na ito: "Kay Allāh mag-isa ang [pagpapahintulot sa] pamamagitan sa kabuuan nito, kaya walang mamamagitan sa ganang Kanya na isa man malibang may pahintulot Niya at hindi ito mamamagitan maliban sa sinumang kinalugdan Niya. Sa Kanya mag-isa ang paghahari sa mga langit at lupa. Pagkatapos ay sa Kanya mag-isa kayo panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti sapagkat gaganti Siya sa kanila sa mga gawa nila."
Kapag binanggit si Allāh nang mag-isa, tumututol ang mga puso ng mga tagatambal na hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na pagbubuhay na muli, pagtutuos, at pagganti. Kapag binanggit ang mga diyus-diyusang sinasamba nila bukod pa kay Allāh, biglang sila ay mga napasasaya, mga natutuwa.
Sabihin mo, O Sugo: "O Allāh, Tagalalang ng mga langit at lupa nang walang pagkakatulad na nauna, Nakaaalam sa anumang nalingid at anumang nakadalo, walang naikukubli sa Iyo na anuman mula roon. Ikaw mag-isa ay nagpapasya sa pagitan ng mga lingkod Mo sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba sa Mundo para liwanagin Mo ang nagtototoo at ang nagbubulaan, at ang maligaya at ang malumbay."
Kung sakaling taglay ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway ang anumang nasa lupa na mga mamahaling bagay at mga yaman, talaga sanang tumubos sila [sa mga sarili] sa pamamagitan nito mula sa pagdurusang matindi na masasaksihan nila matapos ng pagbubuhay na muli sa kanila. Subalit hindi nila taglay iyon; at kahit ipagpalagay pa na iyon ay taglay nila, hindi tatanggapin iyon mula sa kanila. May lilitaw sa kanila mula kay Allāh na mga uri ng pagdurusa na hindi nila dati inaasahan.
Lilitaw sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila na shirk at mga pagsuway, at papaligid sa kanila ang pagdurusang sila noon, kapag pinangamba rito sa Mundo, ay kumukutya rito.
Kapag may tumama sa taong tagatangging sumampalataya na isang karamdaman o isang karukhaan at gaya nito ay dumadalangin siya sa Amin para pumawi Kami sa kanya ng tumama sa kanya kabilang doon. Pagkatapos kapag nagbigay Kami sa kanya ng isang biyaya gaya ng kalusugan o yaman ay nagsasabi siya: "Nagbigay lamang sa akin si Allāh niyon dahil sa kaalaman Niya na ako ay nagiging karapat-dapat doon." Ang tumpak ay na iyon ay isang pagsusulit at pagpapain, subalit ang karamihan sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakaaalam niyon kaya nalilinlang sila dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila.
Nagsabi nga ng sabing ito ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa nauna sa kanila, ngunit walang naidulot sa kanila na anuman ang dati nilang nakakamit na mga yaman at mga katayuan.
Kaya tumama sa kanila ang ganti sa mga masagwa sa nakamit nila gaya ng shirk at mga pagsuway. Ang mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway kabilang sa mga nakasaksing ito ay tatama sa kanila ang ganti sa mga masagwa sa nakamit nila gaya ng sa mga nagdaan. Hindi sila makalulusot kay Allāh at hindi sila makadadaig sa Kanya.
Nagsabi ba ang mga tagatambal na ito ng sinabi nila at hindi sila nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwang sa panustos sa kaninumang niloloob Niya bilang isang pagsubok dito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nagpapasikip nito sa kaninumang niloloob Niya bilang isang pagsusulit dito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh? Tunay na sa nabanggit na iyon na pagpapaluwang sa panustos at pagpapasikip dito ay talagang may mga katunayan sa pangangasiwa ni Allāh para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga katunayan. Tungkol naman sa mga tagatangging sumampalataya, sila ay dumaraan sa mga ito samantalang sila sa mga ito ay mga umaayaw.
Sabihin mo, O Sugo, [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na lumampas sa hangganan laban sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway, huwag kayong mawalan ng pag-asa sa awa ni Allāh at sa kapatawaran Niya sa mga pagkakasala ninyo; tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala sa kabuuan ng mga ito sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga nagbabalik-loob, ang Maawain sa kanila."
At manumbalik kayo sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at mga gawaing maayos at magpaakay kayo sa Kanya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos ay hindi kayo makatatagpo mula sa mga diyus-diyusan ninyo o mga mag-anak ninyo ng mag-aadya sa inyo sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo mula sa pagdurusa.
At sumunod kayo sa Qur'ān na pinakamaganda sa ibinaba ng Panginoon ninyo sa sugo Niya at gumawa kayo ayon sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas kayo sa mga sinasaway Niya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa nang biglaan habang kayo ay hindi nakadarama nito para maghanda kayo para rito sa pamamagitan ng pagbabalik-loob.
Gawin ninyo iyon sa pangingilag na magsabi ang isang kaluluwa dahil sa tindi ng pagsisisi sa Araw ng Pagbangon: "O pagsisisi nito dahil sa pagpapabaya nito sa nauukol kay Allāh dahil sa dating taglay nito na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at dahil sa ito noon ay nangungutya sa mga may pananampalataya at pagtalima,"
o upang mangatwiran ito ng pagtatakda para magsabi ito: "Kung sakaling si Allāh ay nagtuon sa akin, talaga sanang ako ay naging kabilang sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya: sumusunod ako sa mga ipinag-uutos Niya at umiiwas ako sa mga sinasaway Niya;"
o upang magsabi ito kapag nasasaksihan nito ang pagdurusa habang nagmimithi: "Kung sana mayroon akong isang panunumbalik sa Mundo para magbalik-loob ako kay Allāh at maging kabilang sa mga tagapagpaganda ng mga gawain nila."
Ang usapin ay hindi gaya ng hinaka-haka mo na pagmimithi ng kapatnubayan sapagkat dumating nga sa iyo ang mga tanda Ko ngunit nagpasinungaling ka sa mga ito, nagpakamalaki ka, at ikaw ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga tanda Niya, at mga sugo Niya.
Sa Araw ng Pagbangon, masasaksihan mo ang mga nagsinungaling laban kay Allāh dahil sa pag-uugnay ng katambal at anak sa Kanya habang ang mga mukha nila ay nangingitim, na isang palatandaan sa kalumbayan nila. Hindi ba sa Impiyerno ay may pamamalagian para sa mga nagpapakamalaki sa pagsampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya? Oo; tunay na doon ay talagang may pamamalagian para sa kanila.
Magpapaligtas si Allāh sa mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya mula sa pagdurusa sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kanila sa pook ng tinamo nila; ang Paraiso. Hindi sasaling sa kanila ang pagdurusa ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga bahaging makamundo.
Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay sapagkat walang tagalikhang iba pa sa Kanya. Siya sa bawat bagay ay Mapangalaga, na nangangasiwa sa kapakanan nito at nagbabaling dito kung papaano Niyang niloloob.
Sa Kanya - tanging sa Kanya - ang mga susi ng mga imbakan ng mga biyaya sa mga langit at lupa. Nagkakaloob Siya ng mga ito sa kaninumang niloloob Niya at nagkakait Siya ng mga ito sa kaninumang niloloob Niya. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagkakait sa kanila ng pananampalataya sa buhay nilang pangmundo at dahil sa pagpasok nila sa Apoy bilang mga mananatili roon sa Kabilang-buhay.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na ito na umaakit sa inyo na sumamba ka sa mga anito nila: "Nag-uutos ba kayo sa akin, O mga mangmang sa Panginoon ninyo, na sumamba ako sa iba pa kay Allāh? Walang naging karapat-dapat sa pagsamba kundi si Allāh - tanging Siya - kaya hindi ako sasamba sa iba pa sa Kanya."
Talaga ngang kumasi si Allāh sa iyo, O Sugo, at kumasi Siya sa mga sugo kabilang sa nauna sa iyo na talagang kung sumamba ka kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya ay talagang mawawalang-saysay nga ang gawa mong maayos at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi sa Mundo dahil sa pagkapalugi ng relihiyon mo at sa Kabilang-buhay dahil sa pagdurusa.
Bagkus sumamba ka kay Allāh nang mag-isa, huwag kang magtambal sa Kanya ng isa man, at maging kabilang ka sa mga tagapasalamat sa Kanya sa mga biyaya Niya na ibiniyaya Niya sa iyo.
Hindi sila nagdakila kay Allāh ng totoong pagdakila sa Kanya nang nagtambal sila sa Kanya ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niyang mahihinang walang-kakayahan. Nalingat sila sa kakayahan ni Allāh, na kabilang sa mga pagpapakita nito ay na ang lupa kalakip ng anumang narito na mga bundok, mga punong-kahoy, mga ilog, at mga dagat sa Araw ng Pagkabuhay ay nasa isang dakot Niya, at na ang pitong langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Nagpakasakdal Siya, nagpakabanal Siya, at pagkataas-taas Siya sa anumang sinasabi at pinaniniwalaan sa Kanya ng mga tagatambal.
Sa Araw na iihip ang anghel na itinalaga sa pag-ihip sa sungay, mamamatay ang bawat sinumang nasa mga langit at sinumang nasa lupa. Pagkatapos ay iihip dito ang anghel sa ikalawang pagkakataon para sa pagbubuhay na muli at biglang ang lahat ng mga buhay ay mga nakatayo, na nakatingin sa anumang gagawin ni Allāh sa kanila.
Tatanglaw ang lupa kapag nalantad ang Panginoon ng Kapangyarihan para sa pagpapasya sa pagitan ng mga tao, ilalatag ang mga kalatas ng mga gawa ng mga tao, dadalhin ang mga propeta at dadalhin ang kalipunan ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - upang sumaksi sa mga propeta laban sa mga tao nila, at hahatol si Allāh sa pagitan nilang lahat ayon sa katarungan at hindi sila lalabagin sa katarungan sa Araw na iyon kaya naman hindi madaragdagan ang isang tao ng isang masagwang gawa at hindi mababawasan ng isang magandang gawa.
Maglulubos si Allāh sa ganti sa bawat kaluluwa, kabutihan man ang gawa nito o kasamaan. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa ginagawa nila. Walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa nila: ang kabutihan sa mga ito at ang kasamaan sa mga ito. Gaganti Siya sa kanila sa Araw na ito sa mga gawa nila.
Aakay ang mga anghel sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh patungo sa Impiyerno sa mga pangkat na hamak hanggang sa kapag dumating sila sa Impiyerno ay magbubukas ng mga pintuan nito para sa kanila ang mga tanod nito na mga anghel na itinalaga roon at sasalubong ang mga ito sa kanila nang may panunumbat habang mga nagsasabi sa kanila: "Wala bang pumunta sa inyo na mga sugong kabilang sa uri inyo na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ng Panginoon ninyo na ibinaba sa inyo at nagpapangamba sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ng Pagbangon dahil sa taglay nitong pagdurusang matindi?" Sasabihin ng mga tumangging sumampalataya habang mga umaamin sa mga sarili nila: "Oo, nangyari nga ang lahat ng iyon; subalit kinailangan ang hatol ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya at kami noon ay mga tagatangging sumampalataya."
Sasabihin sa kanila bilang panghahamak sa kanila at pagpapawalang-pag-asa mula sa awa ni Allāh at mula sa paglabas mula sa Apoy: "Pumasok kayo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman, at kay sagwa at pumangit ang himpilan ng mga nagpapakamalaki sa katotohanan!"
Aakay ang mga anghel nang may kalumayan sa mga mananampalataya na nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya tungo sa Paraiso sa mga pangkat na pinararangalan hanggang sa kapag dumating sila sa Paraiso ay bubuksan para sa kanila ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ng mga anghel na itinalaga roon: "Kapayapaan ay sumainyo mula sa bawat pinsala at mula sa bawat kinasusuklaman ninyo. Nagpakaaya-aya ang mga puso ninyo at ang mga gawa ninyo kaya pumasok kayo sa Paraiso bilang mga mamamalagi rito magpakailanman."
Magsasabi ang mga mananampalataya noong nakapasok sila sa Paraiso: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niyang ipinangako Niya ayon sa pananalita ng mga sugo Niya sapagkat nangako Siya sa amin na magpapasok sa amin sa Paraiso. Nagpamana Siya sa amin ng lupa ng Paraiso; manunuluyan kami mula roon sa pook na loloobin namin na manuluyan sapagkat kay inam ang pabuya sa mga tagagawa na gumagawa ng mga gawaing matuwid sa paghahangad ng [ikasisiya ng] mukha ng Panginoon nila."
Ang mga anghel sa Araw na sasaksihang ito ay mga nakapalibot sa Trono, habang nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh sa anumang hindi nababagay sa Kanya kabilang sa mga sinasabi ng mga tagatangging sumampalataya. Huhusga si Allāh sa pagitan ng lahat ng mga nilikha ayon sa katarungan, kaya pararangalan Niya ang sinumang pararangalan Niya at pagdurusahin Niya ang sinumang pagdurusahin Niya. Sasabihin: "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha dahil sa kahatulan Niya sa pamamagitan ng paghatol Niya ng awa para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya at ng pagdurusa para sa mga lingkod Niyang mga tagatangging sumampalataya."