ترجمة معاني سورة الرعد
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج)
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
Alif. Lam. Mīm. Rā'. Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat. Ang ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang totoo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
Si Allāh ay ang nag-angat sa mga langit nang walang mga haligi na nakikita ninyo. Pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. Pinaglingkod Niya ang araw at ang buwan; bawat isa ay umiinog sa takdang taning. Pinangangasiwaan Niya ang kapakanan. Masusing nagpaliwanag Siya sa mga tanda nang sa gayon kayo sa pakikipagtagpo sa Panginoon ninyo ay nakatitiyak.
Siya ay ang bumanat sa lupa at naglagay rito ng mga matatag na bundok at mga ilog. Mula sa lahat ng mga bunga ay gumawa Siya sa mga ito ng kapares na dalawa. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon. Tunay na sa [nabanggit na] iyon ay may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
Sa lupa ay may mga lote na nagkakatabi at mga hardin ng mga ubas, pananim, at mga punong datiles na magkakumpol o hindi magkakumpol, na dinidilig ng nag-iisang tubig. Nagtangi Kami sa iba sa mga ito kaysa sa iba pa sa bunga. Tunay na sa [nabanggit na] iyon ay may mga tanda para sa mga taong nag-uunawa.
Kung magtataka ka ay kataka-taka ang sabi nila: "Kapag kami ba ay naging alabok, tunay na kami ba ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago?" Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay [ilalagay] ang mga kulyar sa mga leeg nila. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.
Nagmamadali sila sa iyo ng masagwa bago ng maganda gayong nagdaan na mula nang wala pa sila ang mga tulad na parusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad para sa mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang matindi ang parusa.
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit kaya hindi nagpababa sa kanya ng isang tanda mula sa Panginoon niya?" Ikaw ay isang tagapagbabala lamang; ukol sa bawat madla ay tagapatnubay.
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang dinadala ng bawat babae [sa sinapupunan], anumang kinakapos ng mga sinapupunan, at anumang lumalabis sa mga ito. Bawat bagay sa ganang Kanya ay ayon sa sukat,
ang Nakaaalam sa Lingid at Hayag, ang Malaki, ang Pagkataas-taas.
Pantay [sa Kanya] hinggil sa inyo ang sinumang naglihim ng sinabi at ang sinumang naghayag nito, at ang sinumang siyang tagapagkubli sa gabi at tagapaglantad sa maghapon.
Ukol sa kanya ay mga [anghel na] nagkakasunud-sunod sa pagitan ng mga kamay niya at sa likuran niya, na nag-iingat sa kanya ayon sa utos ni Allāh. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapabago sa anumang nasa mga tao hanggang sa magpabago sila sa nasa mga sarili nila. Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng isang kasagwaan ay walang pagpipigil doon. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang tumatangkilik.
Siya ay ang nagpapakita sa inyo sa kidlat sa pangamba at sa paghahangad, at nagpapairal sa mga ulap na mabibigat.
Nagluluwalhati ang kulog kalakip ng pagpupuri sa Kanya at ang mga anghel dahil sa pangangamba sa Kanya. Nagpapadala Siya ng mga lintik at nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya habang sila ay nagtatalo hinggil kay Allāh gayong Siya ay matindi ang kapangyarihan.
Ukol sa Kanya ang panalangin ng totoo samantalang ang mga dumadalangin sa halip sa Kanya ay hindi tumutugon sa kanila sa anuman kundi gaya ng nag-aabot ng mga palad niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya gayong ito ay hindi aabot doon. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa pagkaligaw.
Kay Allāh nagpapatirapa ang mga nasa mga langit at lupa nang kusang loob o labag sa loob at ang mga anino nila sa mga umaga at mga hapon.
Sabihin mo: "Sino ang Panginoon ng mga langit at lupa?" Sabihin mo: "Si Allāh." Sabihin mo: "Kaya gumawa ba kayo bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik na hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala?" Sabihin mo: "Nagkakapantay ba ang bulag at ang nakakikita? O nagkakapantay ba ang mga kadiliman at ang liwanag? O gumawa ba sila para kay Allāh ng mga katambal na lumikha gaya ng paglikha Niya kaya nagkakawangis ang pagkakalikha para sa kanila?" Sabihin mo: "Si Allāh ay Tagapaglikha ng bawat bagay at Siya ay ang Nag-iisa, ang Palalupig."
Nagpababa Siya mula sa langit ng tubig kaya dumaloy ang mga lambak ayon sa sukat ng mga ito at nagdala ang pagdaloy ng bulang pumapaibabaw. Kabilang sa bagay na nagpapaningas sila sa ibabaw nito ng apoy dahil sa paghahangad sa mga hiyas at mga kagamitan ay bulang tulad niyon. Gayon naglalahad si Allāh ng katotohanan at kabulaanan. Kaya hinggil sa bula, naglalaho ito yayamang patapon; at hinggil naman sa nagpapakinabang sa mga tao, nanatili ito sa lupa. Gayon naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad.
Ukol sa mga tumugon sa Panginoon nila ang pinakamaganda. Ang mga hindi tumugon sa Kanya, kahit pa man taglay nila ang anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad niyon kasama niyon ay talagang ipantutubos nila ito. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagtutuos. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!
Kaya ang sinumang nakaaalam na ibinaba lamang sa iyo mula sa Panginoon mo ang totoo ay gaya ba ng sinumang siya ay isang bulag? Napaalalahanan lamang ang mga may mga pag-iisip,
Yaong mga tumutupad sa tipan kay Allāh at hindi sumisira sa kasunduan.
At mga nag-uugnay sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, natatakot sa Panginoon nila, at nangangamba sa kasagwaan ng pagtutuos.
Ang mga nagtiis sa paghahangad ng kaluguran ng Panginoon nila, nagpanatili ng pagdarasal, gumugol nang palihim at hayagan mula sa itinustos Namin sa kanila, at pumipigil, sa pamamagitan ng magandang gawa, sa masagwang gawa – ang mga iyon ay ukol sa kanila ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan,
Ang mga Hardin ng Pamamalagi na papapasukin nila at ng sinumang umayos sa mga ninuno nila, mga asawa nila, at mga supling nila. Ang mga anghel ay papasok sa kanila sa bawat pinto, [na bumabati]:
"Kapayapaan ay sumainyo yayamang kayo ay nagtiis sapagkat kay inam ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan!"
Ang mga kumakalas sa tipan kay Allāh matapos ng pagpapatibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, at nanggugulo sa lupa, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang sumpa at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan.
Si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos sa kaninumang niloloob Niya at naghihigpit Siya. Natuwa sila sa buhay sa Mundo gayong walang iba ang buhay sa Mundo [sa paghahambing] sa Kabilang-buhay kundi isang [saglit na] kasiyahan.
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit kaya hindi nagbaba sa kanya ng isang tanda mula sa Panginoon niya?" Sabihin mo: "Tunay na si Allāh ay nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang nanumbalik:
ang mga sumampalataya at napapanatag ang mga puso nila sa pamamagitan ng pag-aalaala kay Allāh.
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga kabutihan, kagalakan para sa kanila at kagandahan ng kauuwian.
Gayon Kami nagsugo sa iyo sa isang kalipunang may nagdaan nga mula nang wala pa ito na mga [ibang] kalipunan upang bigkasin mo sa kanila ang isiniwalat Namin sa iyo samantalang sila ay tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain. Sabihin mo: "Siya ay ang Panginoon ko; walang Diyos kundi Siya. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ang pagbabalik-loob ko."
Kung sakaling may isang Qur’ān na pauusarin sa pamamagitan nito ang mga bundok o pagpuputul-putulin sa pamamagitan nito ang lupa o pagsasalitain sa pamamagitan nito ang mga patay, [ito na iyon]. Bagkus sa kay Allāh ang pasya sa kalahatan. Hindi ba natanto ng mga sumampalataya na kung sakaling niloloob ni Allāh ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa mga tao sa kalahatan? Hindi natitigil ang mga tumangging sumampalataya na tinatamaan ng anumang pinaggagawa nilang dagok o dinadapuan nito nang malapit mula sa tahanan nila hanggang sa dumating ang pangako ni Allāh. Tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa naipangako.
Talaga ngang nangutya sa mga sugo mula nang wala ka pa ngunit nagpalugit Ako sa mga tumangging sumampalataya. Pagkatapos ay sumunggab Ako sa kanila, kaya papaano ang naging parusa Ko?
Kaya ba [tulad ng iba] ang sinumang siya ay tagapagtaguyod sa bawat kaluluwa sa anumang nakamit nito? Ngunit gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal. Sabihin mo: "Pangalanan ninyo sila. O nagbabalita ba kayo sa Kanya ng anumang hindi Niya nalalaman sa lupa o ng hayag mula sa sinabi?" Bagkus ipinaakit para sa mga tumangging sumampalataya ang panlalansi nila at sinagabalan sila palayo sa landas. Ang sinumang pinaligaw ni Allāh ay walang ukol sa kanyang anumang tagapatnubay.
Ukol sa kanila ay pagdurusa sa buhay sa mundo at talagang ang pagdurusa sa kabilang buhay ay higit na mahirap, at walang ukol sa kanila laban kay Allah na tagapagsanggalang
Ang paglalarawan sa Paraiso na ipinangako sa mga tagapangilag sa pagkakasala ay dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog. Ang mga bunga nito ay namamalagi at ang lilim nito. Iyon ay ang pinakakahihinatnan ng mga nangilag magkasala, at ang pinakakahihinatnan naman ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy.
Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay natutuwa sa ibinaba sa iyo, ngunit mayroon sa mga lapian na nagkakaila sa bahagi nito. Sabihin mo: "Inutusan lamang ako na sumamba kay Allāh at hindi magtambal sa Kanya. Sa Kanya ako dumadalangin at tungo sa Kanya ang uwian ko."
Gayon Kami nagbaba ng isang kahatulang Arabe. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo mula kay Allāh na anumang tagatangkilik ni tagapagsanggalang.
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo mula nang wala ka pa at gumawa Kami para sa kanila ng mga maybahay at mga supling. Hindi nangyaring ukol sa isang sugo na maghatid ng isang tanda malibang ayon sa kapahintulutan ni Allāh. Para sa bawat taning ay may pagtatakda.
Nagpapawi si Allāh ng anumang niloloob Niya at nagpapatibay Siya. Taglay Niya ang Ina ng Aklat.
Kung magpapakita nga man Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o babawi nga man Kami sa iyo, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot at nasa Amin ang pagtutuos.
Hindi ba nila nakita na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa habang bumabawas Kami rito mula sa mga gilid nito? Si Allāh ay humahatol; walang tagapagpagiba sa kahatulan Niya. Siya ay ang mabilis ang pagtutuos.
Nanlansi nga ang mga mula sa mga nauna sa kanila, ngunit kay Allāh ang panlalansi sa kalahatan. Nakaaalam Siya sa nakakamit ng bawat kaluluwa. Malalaman ng mga tagatangging sumampalataya kung ukol kanino ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan.
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya na ikaw ay hindi isang isinugo. Sabihin mo: "Nakasapat si Allāh bilang isang saksi sa pagitan ko at ninyo, at sinumang may taglay ng kaalaman sa Kasulatan.