Gumagawa sila para kay Allāh ng kinasusuklaman nila. Naglalarawan ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila ang pinakamaganda. Walang pasubali na ukol sa kanila ang Apoy at na sila ay mga pababayaan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Gumagawa sila para kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - ng kinasusuklaman nilang iugnay sa kanila gaya ng pagkakaroon ng mga babaing anak. Bumibigkas ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila sa ganang kay Allāh ang kalagayang pinakamaganda kung tutumpak na sila ay bubuhaying muli gaya ng sinasabi nila. Totoong tunay na ukol sa kanila ang Apoy at tunay na sila ay mga iiwan doon: hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم