Hindi nangyaring ukol kay Allāh na magkaroon Siya ng alinmang anak; kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagpasya Siya ng isang bagay ay magsasabi lamang Siya na mangyari at mangyayari ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi nararapat para kay Allāh na magkaroon Siya ng alinmang anak; kabanal-banalan Siya para roon at nagpawalang-kaugnayan Siya. Kapag nagpasya Siya ng isang bagay ay makasasapat lamang sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - na magsabi Siya sa bagay na iyon na mangyari at mangyayari iyon nang walang pasubali. Kaya ang sinumang ganyan, Siya ay napawawalang-kaugnayan sa anak.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم