Kay husay ng pagkarinig nila at kay husay ng pagkakita sa Araw na pupunta sila sa Amin, subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa araw na ito ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Anong husay ng pagkarinig nila sa Araw na iyon at anong husay ng pagkakita nila. Nakarinig sila nang hindi nagpakinabang sa kanila ang pagdinig at nakakita sila nang hindi nagpakinabang sa kanila ang pagkakita. Subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa buhay sa Mundo ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa landasing tuwid sapagkat hindi sila naghanda para sa Kabilang-buhay hanggang sa dumating ito sa kanila nang biglaan samantalang sila ay nasa paglabag nila sa katarungan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم