Ang Panginoon ng mga langit at lupa at ng nasa pagitan ng mga ito – kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. May nalalaman ka bang isang kapangalan para sa Kanya?"
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang Tagapaglikha ng mga langit, ang Tagapaglikha ng lupa, ang May-ari ng mga ito, ang Tagapangasiwa ng mga ito, ang Tagapalikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Tagapagmay-ari ng mga ito, at ang Tagapangasiwa ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya - tanging sa Kanya - sapagkat Siya ang karapat-dapat sa pagsamba at magpakatatag ka sa pagsamba sa Kanya sapagkat wala Siyang katulad ni katapat na nakikihati sa Kanya sa pagsamba.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم