[Sinabi sa kanya:] "O Zacarias, tunay na Kami ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan (Yahya). Hindi Kami gumawa para sa kanya noong una ng isang kapangalan."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya tumugon si Allāh sa panalangin niya at nanawagan sa kanya: "O Zacarias, tunay na Kami ay nagpapabatid sa iyo ng nakatutuwa sa iyo sapagkat tumugon Kami sa panalangin mo at nagbigay Kami sa iyo ng isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami nagtalaga para sa iba pa sa kanya noong wala pa siya ng pangalang ito."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم