Huwag ka ngang mag-akalang ang mga natutuwa sa isinagawa nila at umiibig na purihin sila sa hindi naman nila ginawa - huwag ka ngang mag-akalang sila ay nasa pagkaligtas sa pagdurusa. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag ka ngang magpalagay, o Propeta, na ang mga natutuwa sa ginawa nila na mga pangit at umiibig na magpapuri sa kanila ang mga tao sa hindi naman nila ginawa na kabutihan - huwag ka ngang magpalagay na sila ay nasa kaligtasan sa pagdurusa at pagkapangalaga, bagkus ang kalalagyan nila ay Impiyerno. Ukol sa kanila roon ay isang pagdurusang nakasasakit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم