ﰡ
Ang paglalarawan sa pamamagitan ng kalubusang walang pagtatakda at ang pagbubunyi sa pamamagitan ng mga kagandahang pinakamataas kalakip ng pag-ibig ay napagtibay kay Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa nang walang pagkakatulad na nauna, at lumikha sa gabi at maghapon na nagsusunuran. Ang gabi ay nilikha Niya para sa dilim at ang maghapon ay nilikha Niya para sa liwanag. Sa kabila nito, ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapantay sa Kanya sa iba pa sa Kanya at gumagawa para sa Kanya ng katambal.
Siya - napakamaluwalhati Niya - ang lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa putik nang nilikha Niya ang ama ninyong si Adan - sumakanya ang pangangalaga - mula rito. Pagkatapos ay nagpasya Siya - napakamaluwalhati Niya - ng yugto ng pamamalagi ninyo sa makamundong buhay at nagpasya Siya ng isa pang taning na walang nakaaalam kundi Siya para sa pagbubuhay sa inyo sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos kayo ay nagdududa sa kakayahan niya - napakamaluwalhati Niya - sa pagbubuhay.
Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang sinasamba ayon sa karapatan sa mga langit at sa lupa. Walang naikukubli sa Kanya na anuman sapagkat Siya ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo na mga layunin, mga sinasabi, at mga ginagawa; nakaaalam sa anumang inihahayag ninyo mula roon; at maggagantimpala sa inyo sa mga iyon.
Walang dumarating sa mga tagapagtambal na isang katwiran mula sa ganang Panginoon nila malibang iniwan nila nang hindi mga pumapansin sa mga ito, sapagkat dumating nga sa kanila ang mga katwirang nagliliwanag at ang mga patotoong hayag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh at dumating sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo, gayon pa man, umayaw sila sa mga ito nang hindi mga nag-aalintana sa mga ito.
Sila, kung umayaw sila sa mga katwirang naglilinaw at mga patotoong hayag na iyon, ay umayaw na sa higit na maliwanag tunay na nagpasinungaling na sila sa inihatid ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na Qur'ān. Makikilala nila na ang kinukutya nila noon na kabilang sa inihatid niya sa kanila ay ang katotohanan kapag makikita nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.
Hindi ba nalalaman nitong mga tumatangging sumampalataya ang kalakaran ni Allāh sa paglipol sa mga kalipunang lumalabag sa katarungan? Lumipol na si Allāh bago nila ng maraming kalipunan na binigyan Niya ng mga kaparaanan ng lakas at pananatili sa lupa na hindi Niya ibinigay sa mga tumatangging sumampalatayang ito. Nagpababa Siya sa kanila ng mga ulang nagkasunud-sunod. Nagpadaloy si Allāh sa kanila ng mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim ng mga tahanan nila ngunit sinuway nila Siya kaya nilipol Niya sila dahil sa nagawa nilang mga pagsuway. Lumikha Siya matapos nila ng iba pang mga kalipunan.
Kung sakaling nagpababa Kami sa iyo, O Sugo, ng isang aklat na nakasulat sa mga papel at nasaksihan nila ito ng mga mata nila at nakatiyak sila rito dahil sa pagkadama nila sa aklat sa pamamagitan ng mga kamay nila, talaga sanang hindi sila sumampalataya rito dala ng isang pagtanggi mula sa kanila at isang pagkayamot, at talaga sanang nagsabi sila: "Hindi lumampas ang dinala mo sa pagiging isang panggagaway na malinaw kaya hindi kami sasampalataya sa iyo."
Nagsabi itong mga tumatangging sumampalataya: "Kung sakaling nagpababa si Allāh kasama ni Muḥammad ng isang anghel na magsasalita sa atin at sasaksi na siya ay isang sugo, talaga sanang sumampalataya tayo." Kung sakaling nagbaba Kami ng isang anghel ayon sa paglalarawang ninais nila ay talaga sanang nilipol Namin sila kapag hindi sila sumampalataya at hindi sila palulugitan para magbalik-loob kapag bumaba iyon.
Kung sakaling ginawa Namin ang isinugo sa Kanila na isang anghel ay talaga sanang ginawa Namin siya sa anyo ng isang lalaki upang magawa nilang makinig sa kaya at tumanggap sa kanya yayamang hindi nila makakaya iyon sa anghel ayon sa anyo niyang nilikha Namin siya. Kung sakaling ginawa Namin siya sa anyo ng isang lalaki ay talaga sanang nagpalito sa kanila ang lagay niya.
Kung nangungutya ang mga ito sa paghiling nila ng pagpapababa ng isang anghel kasama mo ay may nangutya ngang mga kalipunan bago ka sa mga sugo sa mga iyon kaya pumalibot sa kanila ang pagdurusang ikinakaila nila at kinukutya nila noon sa sandali ng pagpapangamba sa kanila roon.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagpapasinungaling na nangungutyang ito: "Humayo kayo sa lupa, pagkatapos ay pagmuni-munian ninyo kung naging papaano ang wakas ng mga nagpapasinungaling sa mga sugo ni Allāh sapagkat dumapo sa kanila ang parusa ni Allāh matapos silang nagkaroon ng lakas at kapangyarihan."
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kanino ang pagmamay-ari ng mga langit, ang pagmamay-ari ng mga lupa, at ang pagmamay-ari ng anumang nasa pagitan ng mga ito?" Sabihin mo: "Ang pagmamay-ari ng mga ito sa kabuuan ng mga ito ay kay Allāh." Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa bilang isang pagmamabuting-loob mula sa Kanya sa mga lingkod Niya kaya naman hindi Niya sila minamadali sa kaparusahan, hanggang sa kapag hindi sila nagbalik-loob ay titipunin Niya sila sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na ito na walang duda hinggil dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh ay hindi sumasampalataya para masagip nila ang mga sarili nila sa kalugihan.
Sa Kanya - tanging sa Kanya - ang pagmamay-ari sa bawat bagay kabilang sa tumitigil sa gabi at maghapon. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga ginagawa nila, at gaganti sa kanila sa mga iyon.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na sumasamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito at iba pa sa mga ito: "Tatanggapin ba ng pag-iisip na gagawa ako ng iba pa kay Allāh ng isang tagaadya at doon ako magpapaadya samantalang Siya ang lumikha sa mga langit at lupa nang walang naunang pagkakatulad at walang nakauna sa paglikha sa mga ito? Siya ay ang tumutustos sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at walang isa kabilang sa mga lingkod Niya na tumutustos sa Kanya sapagkat Siya ang walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya samantalang ang mga lingkod Niya ay mga nangangailangan sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay inutusan ng Panginoon ko - napakamaluwalhati Niya - na maging una sa nagpaakay sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya kabilang sa Kalipunang ito. Sinaway Niya ako na maging kabilang sa mga nagtatambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya."
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay nangangamba, kung sinuway ko si Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinagbawal Niya sa akin gaya ng shirk at iba pa rito o pag-iwan sa ipinag-utos Niya sa akin gaya ng pananampalataya at iba rito kabilang sa mga pagtalima, na pagdurusahin Niya ako ng isang pagdurusang sukdulan sa Araw ng Pagbangon."
Ang sinumang inilayo ni Allāh sa pagdurusang iyon sa Araw ng Pagbangon ay nagtamo ng awa ni Allāh sa kanya. Ang kaligtasang iyon sa pagdurusa ay ang pagkatamong maliwanag na hindi mapapantayan ng isang pagkatamo.
Kung nasaling ka, O anak ni Adan, mula kay Allāh ng isang pagsubok ay walang tagatulak sa pagsubok palayo sa iyo maliban kay Allāh. Kung dinapuan ka mula sa Kanya ng isang kabutihan ay walang tagapigil sa Kanya mula roon at walang nakatatanggi sa kabutihang-loob Niya sapagkat Siya ang Nakakakaya sa bawat bagay: hindi Siya napanghihinaan ng anuman.
Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na hindi napanghihinaan ng anuman ni nadadaig ng isa man. Ang lahat ay mga nagpapasailalim sa Kanya, na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa nababagay sa Kanya - napakamaluwalhati Niya. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya, ang Nakababatid kaya naman walang naikukubli sa Kanya na anuman.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagpapasinungaling sa iyo: "Aling bagay ang pinakakapita-pitagan at pinakasukdulan sa pagsasaksi sa katapatan ko?" Sabihin mo: "Si Allāh ay pinakakapita-pitagan at pinakasukdulan sa pagsaksi sa katapatan ko. Siya ay saksi sa pagitan ko at ninyo. Nalalaman Niya ang inihatid ko sa inyo at ang anumang tatanggihan ninyo. Isiniwalat nga ni Allāh sa akin ang Qur'ān na ito upang pangambahin ko kayo nito at pangambahin ko nito ang sinumang inabot nito kabilang sa tao at jinn. Tunay na kayo - O mga tagapagtambal - ay sumasampalataya kasama kay Allāh sa mga sinasambang iba pa. Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumasaksi sa kinikilala ninyo dahil sa kabulaanan nito. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang: walang katambal sa Kanya. Tunay na ako ay walang-kinalaman sa bawat itinatambal ninyo sa Kanya."
Ang mga Hudyo na binigyan Namin ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan namin ng Ebanghelyo ay nakakikilala kay Propeta Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - nang lubos na pagkakilala gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila kaysa sa mga anak ng iba sa kanila. Yaong mga nagpalugi sa mga sarili nila dahil sa pagpapasok sa mga ito sa Apoy, sila ay hindi sumasampalataya.
Walang isang higit na sukdulan sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang nag-ugnay kay Allāh ng isang katambal at sinamba ito kasama sa Kanya o nagpasinungaling sa mga tanda Niya na ibinaba Niya sa Sugo Niya. Tunay na ang mga lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal kay Allāh at ng pagpapasinungaling sa mga tanda Niya ay hindi magtatamo [ng tagumpay] magpakailanman kapag sila ay hindi nagbalik-loob.
Banggitin mo sa Araw ng Pagbangon kapag titipunin Namin sila sa kalahatan, na hindi kami mag-iwan sa kanila ng isa man, pagkatapos ay magsasabi Kami sa mga sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya bilang pagsumbat sa kanila: "Nasaan ang mga itinambal ninyo na kayo noon ay nag-aangkin gayong mga nagsisinungaling na sila ay mga katambal kay Allāh?"
Pagkatapos ay walang iba ang pagdadahilan nila matapos ang pagsusulit na ito kundi magpapawalang-ugnayan sila sa mga sinasamba nila at magsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Sumpa man kay Allāh, ang Panginoon Namin, kami noon sa Mundo ay hindi mga nagtatambal sa Iyo, bagkus kami noon ay mga mananampalataya sa Iyo, na mga naniniwala sa kaisahan Mo."
Tingnan mo, O Muḥammad, kung papaanong nagsinungaling ang mga ito laban sa mga sarili nila sa pagkakaila nila ng Shirk sa mga sarili nila, at naglaho sa kanila at nagtatwa sa kanila ang kinatha-katha nila noon na mga katambal kay Allāh sa makamundong buhay nila.
Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag binigkas mo ang Qur'ān subalit sila ay hindi nakikinabang sa napakikinggan nila sa iyo dahil Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga takip upang hindi nila maunawaan ang Qur'ān dahilan sa pagmamatigas nila at pag-ayaw nila, at naglagay naman sa mga tainga nila ng pagkabingi para sa pagdinig na napakikinabangan. Anuman ang nakikita nila sa mga katunayang maliwanag at mga katwirang hayag ay hindi sila mananampalataya sa mga ito, hanggang sa kapag dumating ka sa kanila ay makikipag-alitan sila sa iyo sa katotohanan ayon sa kabulaanan, na nagsasabi: "Walang iba ang inihatid mo kundi isang kinuha buhat sa mga aklat ng mga sinauna."
Sila ay sumasaway sa mga tao laban sa pananampalataya sa Sugo at nagpapakalayo-layo sa kanya kaya hindi nila hinahayaan ang sinumang nakikinabang sa kanya at hindi sila mismo nakikinabang sa kanya. Wala silang pinasasawi dahil sa pinaggagawa nilang ito kundi ang mga sarili nila ngunit hindi nila nalalamang ang isinasagawa nila ay pagpapasawi sa mga ito.
Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag isasalang sila sa Araw ng Pagbangon sa ibabaw ng Apoy at magsasabi sila dala ng panghihinayang: "O kung sana tayo ay pababalikin sa makamundong buhay at hindi magpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at maging kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh ay talaga sanang makakikita ka ng isang kagulat-gulat mula sa kasagwaan ng kalagayan nila!"
Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila na sila, kung sakaling pinanumbalik, ay talaga sanang sasampalataya, bagkus lalantad sa kanila ang itinatago nila noon na sabi nila: "Sumpa man kay Allāh, kami noon ay hindi mga nagtatambal" kapag sasaksi laban sa kasinungalingan nila ang mga bahagi ng katawan nila. Kung sakaling itinakdang sila ay babalik sa Mundo ay talagang babalik sila sa sinasaway sa kanila na kawalang-pananampalataya at pagtatambal. Tunay na sila ay talagang mga nagsisinungaling sa pangako nilang pananampalataya kapag bumalik sila.
Nagsabi ang mga nagtatambal na ito: "Walang buhay kundi ang makamundong buhay na tayo ay naroon, at tayo ay hindi mga bubuhayin para sa pagtutuos."
Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag pinatayo ang mga nagkakaila sa Pagkabuhay sa harapan ng Panginoon mo, ay talaga sanang makikita mo ang kataka-taka sa kasagwaan ng kalagayan nila nang nagsasabi sa kanila si Allāh: "Ang Pagbubuhay, na kayo noon ay nagpapasinungaling dito, ay hindi ba totoong napagtibay, na walang mapag-aatubilihan hinggil dito ni duda?" Magsasabi sila: "Sumumpa kami sa Panginoon naming lumikha sa amin, tunay na ito ay talagang totoo, na walang duda hinggil dito." Kaya magsasabi sa kanila si Allāh sa sandaling iyon: "Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo sa Araw na ito sapagkat kayo noon ay nagpapasinungaling dito sa makamundong buhay.
Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa Pagkabuhay sa Araw ng Pagbangon at nagturing na malayong mangyari ang pagtayo sa harap ni Allāh, hanggang sa kapag dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan nang walang nauunang kaalaman ay magsasabi sila dala ng tindi ng pagsisisi: "O kasawian sa amin at bigo ang pag-asa natin dahil nagkulang tayo sa ukol kay Allāh dala ng kawalang-pananampalataya sa Kanya at kawalan ng paghahanda para sa Araw ng Pagkabuhay," habang sila ay nagdadala ng mga masagwang gawa nila sa ibabaw ng mga likod nila. Kaingat, anong pangit ang pinapasan nila mula sa mga masagwang gawang iyon!
Walang iba ang makamundong buhay na sinasaligan ninyo kundi isang paglalaro at isang kahibangan para sa sinumang hindi gumagawa roon ng ikinalulugod ni Allāh samantalang ang pangkabilang-buhay na tahanan ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinag-utos Niya gaya ng pananampalataya at pagtalima, at ng pag-iwan sa sinaway Niya gaya ng shirk at pagsuway. Kaya hindi ba ninyo nauunawaan, O mga tagapagtambal, iyon para sumampalataya kayo at gumawa kayo ng mga matuwid?
Kami ay nakaaalam na ikaw, O Sugo, ay pinalulungkot ng pagpapasinungaling nila sa iyo nang lantaran kaya alamin mo na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo sa mga sarili nila dahil sa pagkakaalam nila sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo subalit sila ay mga taong lumalabag sa katarungan na nagkakaila sa nauukol sa iyo nang lantaran samantalang sila ay nakatitiyak nito sa mga sarili nila.
Huwag mong akalaing ang pagpapasinungaling na ito ay natatangi sa inihatid mo sapagkat pinasinungalingan nga ang mga sugong nauna sa iyo at sinaktan sila ng mga lipi nila ngunit hinarap nila iyon sa pamamagitan ng pagtitiis sa pag-aanyaya at pakikibaka sa landas ni Allāh hanggang sa dumating sa kanila ang pag-aadya mula kay Allāh. Walang magpapalit sa itinakda ni Allāh na pag-aadya at sa ipinangako ng mga sugo Niya. Talaga ngang may dumating sa iyo, O Sugo, na mga ulat hinggil sa mga nauna sa iyo mula sa mga sugo, mga dinanas nila mula sa mga lipi nila, at ipinagkaloob sa kanila ni Allāh na pag-aadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng paglipol sa mga ito.
Kung nangyaring humirap sa iyo, O Sugo, ang dinaranas mong pagpapasinungaling nila at pag-ayaw nila sa inihatid mo sa kanila na katotohanan, kung makakaya mo na maghanap ng isang lagusan sa lupa o isang hagdan sa langit para dalhan mo sila ng isang katwiran at isang patotoo, na iba pa sa ipinang-alalay ni Allāh sa iyo, ay gawin mo. Kung sakaling niloob ni Allāh ang pagbuklod sa kanila sa patnubay na inihatid mo ay talaga sanang ipinagbuklod Niya sila, subalit Siya ay hindi lumuob niyon dahil sa isang malalim na kasanhian. Kaya naman huwag ka ngang magiging kabilang sa mga mangmang doon para mauwi ang sarili mo sa mga panghihinayang dahil sila ay hindi sumampalataya.
Tumutugon lamang habang tumatanggap sa inihatid mo ang mga nakaririnig sa salita at nakaiintindi nito. Ang mga tumangging sumampalataya ay mga patay na walang kahalagahan sa kanila sapagkat namatay ang mga puso nila. Ang mga patay ay bubuhayin ni Allāh sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos ay sa Kanya - tanging sa Kanya - sila ibabalik upang gantihan Niya sa anumang gawang ipinauna nila.
Nagsabi ang mga tagapagtambal habang mga nangyayamot at mga nag-aantala sa pananampalataya: "Bakit hindi nagpababa kay Muḥammad ng isang tandang mahimala na magiging patotoo mula sa Panginoon niya sa katapatan niya kaugnay sa inihatid Niya?" Sabihin mo, O Sugo,: "Tunay na si Allāh ay nakakakaya sa pagpapababa ng isang tanda ayon sa ninanais nila subalit ang higit na marami sa mga tagapagtambal na humihiling ng pagpapababa ng isang tanda ay hindi nakaaalam na ang pagpapababa sa mga tanda ay alinsunod sa kasanhian Niya -pagkataas-taas Niya- at hindi dahil sa paghiling nila dito, kung sakaling ibinaba Niya ito pagkatapos ay hindi rin sila naniwala, tunay na sila ay lilipunin.
Walang anumang hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa ni ibong lumilipad sa langit malibang mga kapisanang tulad ninyo, O mga anak ni Adan, sa pagkakalikha at pagtutustos. Walang iniwan si Allāh sa Talaang Iniingatan na anuman malibang pinagtibay Niya. Ang kaalaman sa lahat ay nasa kay Allāh. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila - tanging sa Kanya - ay kakalapin sila para pagpasyahan ang paghuhusga at gagantimpalaan ang bawat isa ng magiging karapat-dapat sa kanya.
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay tulad ng mga bingi na hindi nakaririnig at mga pipi na hindi nagsasalita habang sila sa kabila niyon ay nasa mga kadiliman na hindi nakakikita kaya paanong napapatnubayan ang sinumang ito ang kalagayan niya? Ang sinumang loloobin ni Allāh ang pagpapaligaw sa kanya kabilang sa mga tao ay paliligawin Niya ito at ang sinumang loloobin Niya ang pagpatnubay sa Kanya ay papatnubayan Niya ito sa pamamagitan ng paglalagay Niya rito sa isang landasing tuwid na walang kabaluktutan doon.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Ipabatid nga ninyo sa akin, kung may dumating sa inyo na isang parusa mula kay Allāh o dumating sa inyo ang Huling Sandali na ipinangako sa inyo na ito ay darating, hihiling ba kayo sa sandaling iyon sa iba pa kay Allāh upang pawiin ang ibinaba sa inyo na pagsubok at kalamidad kung kayo ay mga tapat sa pag-aangking ang mga sinasamba ninyo ay nagdudulot ng pakinabang at nagtutulak ng pinsala?"
Ang totoo, ay na kayo ay hindi dadalangin sa sandaling iyon sa iba pa kay Allāh na lumikha sa inyo para ibaling Niya palayo sa inyo ang pagsubok at alisin Niya sa inyo ang pinsala sapagkat Siya ay karapat-dapat doon at ang nakakakaya niyon. Ang mga sinasamba ninyo naman na itinambal ninyo kasama kay Allāh ay iiwanan ninyo dahil sa pagkakaalam ninyo na ang mga ito ay hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala.
Talaga ngang nagpadala Kami sa mga kalipunang nauna sa iyo, O Sugo, ng mga sugo ngunit nagpasinungaling sila sa mga ito tungkol sa inihatid ng mga ito sa kanila kaya pinarusahan Namin sila ng mga sigalot gaya ng kahirapan at ng nakapipinsala sa mga katawan nila gaya ng sakit upang magpasailalim sila sa Panginoon nila at magpakumbaba sa Kanya.
Kung sakaling sila, nang dumating sa kanila ang pagsubok ni Allāh, ay nagpakaaba sa Kanya at nagpasailalim sa Kanya, talaga sanang pinawi Niya sa kanila ang pagsubok at talaga sanang kinaawaan Niya sila; subalit sila ay hindi gumawa niyon, bagkus tumigas ang mga puso nila kaya hindi sila nagsaalang-alang at hindi sila napangaralan. Pinaganda sa kanila ng demonyo ang ginagawa nila noon na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kaya nagpatuloy sila sa dating lagay nila.
Kaya noong iniwan nila ang ipinangaral sa kanila dala ng katindihan ng karalitaan at karamdaman at hindi nila ginawa ang mga ipinag-uutos ni Allāh, pinainan Niya sila sa pamamagitan ng pagbukas sa mga pinto ng panustos sa kanila at ng pagpapayaman sa kanila matapos ang karalitaan. Pinalusog Niya ang mga katawan nila, hanggang sa nang dumapo sa kanila ang kawalang-pakundangan at naghari sa kanila ang paghanga sa sarili dahil sa ipinatamasa sa kanila ay pumunta sa kanila ang parusa Niya nang biglaan kaya naman biglang sila ay mga nalilito, nawawalan ng pag-asa sa inaasam nila.
Kaya pinutol ang kahuli-hulihan sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng pagbunot sa kanila sa kalahatan sa pamamagitan ng paglipol at ng pag-aadya sa mga sugo ni Allāh. Ang pasasalamat at ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh - tanging sa Kanya - ang Panginoon ng mga nilalang dahil sa paglipol Niya sa mga kaaway Niya at pag-adya Niya sa mga katangkilik Niya.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Ipabatid ninyo sa akin kung biningi kayo ni Allāh sa pamamagitan ng pagkait sa mga pandinig ninyo at binulag Niya kayo sa pamamagitan ng pagkuha sa mga paningin ninyo at pagpinid sa mga puso ninyo kaya hindi kayo nakaunawa ng anuman, sinong sinasamba ayon sa karapatan ang magdudulot sa inyo ng nawala ninyo mula roon? Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Niyang nililinaw sa kanila ang mga katwiran at sinasari-sari ang mga patotoo, pagkatapos sila ay umaayaw sa mga ito!"
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ipabatid ninyo sa akin kung pinuntahan kayo ng parusa ni Allāh nang biglaan nang walang pagkadama nito mula sa inyo, o pinuntahan kayo nang hayagang lantaran sa mga mata sapagkat tunay na walang napapatawan ng gayong pagdurusa kundi ang mga taong lumalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya."
Hindi Kami nagsugo ng mga sugo Namin malibang upang magpabatid sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima ng ikinagagalak nilang lugod na mamamalagi, na hindi mauubos ni mapuputol, at upang pangambahin ang mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway sa parusa Naming matindi. Kaya naman ang mga sumampalataya sa mga sugo at nagpakatuwid sa gawain nila ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay nila ni sila ay malulungkot at manghihinayang sa anumang nakaalpas sa kanila mula sa mga makamundong kapalaran.
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay dadapuan sila ng pagdurusa dahilan ng paglabas nila sa pagtalima kay Allāh.
Sabihin mo: "Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh mula sa mga panustos at magagawa ko rito ang anumang loloobin ko, at hindi ako nagsasabi sa inyo na ako ay nakaaalam sa Lingid maliban sa anumang ipinaalam sa akin ni Allāh sa pamamagitan ng pagsisiwalat. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Ako ay sugo ni Allāh Wala akong sinusunod kundi ang isiniwalat sa akin, at hindi ako nagkukunwari ng [mga bagay] na wala sa akin," Sabihin mo O sugo "Nagkakapantay ba ang bulag na nabulag ang paningin nito sa katotohanan,at ang mananampalataya na nakakakita ng katotohanan at nanampalataya dito? Hindi ba kayo nagmumuni-muni sa mga isipan ninyo-sa mga nakapalibot sa inyo kabilang sa mga tanda.
Pangambahin mo, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān na ito ang mga nangangambang tipunin sila tungo sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon - walang ukol sa kanila na katangkilik bukod pa sa Kanya na nagdudulot sa kanila ng pakinabang ni isang tagapamagitang nag-aalis sa kanila ng pinsala – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang mga ito ay ang mga nakikinabang sa Qur'ān.
Huwag mong palayuin, O Sugo, sa pagtitipon mo ang mga maralita sa mga Muslim na nasa isang pagsambang palagian kay Allāh sa simula ng maghapon at dulo nito bilang mga nagpapakawagas sa pag-ukol sa Kanya ng pagsamba. Huwag mo silang palayuin upang maakit mo ang mga pinakamalaki sa mga tagapagtambal. Walang tungkulin sa iyo sa pagtutuos sa mga maralitang ito sa anuman. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa ganang Panginoon nila lamang. Walang tungkulin sa kanila sa pagtutuos sa iyo sa anuman. Tunay na ikaw, kung pinalayo mo sila sa pagtitipon mo, ay magiging kabilang sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh.
Gayon Namin sinubok ang ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba kaya ginawa Namin silang mga nagkakaibahan sa mga kapalarang pangmundo. Sinubok Namin sila ng ganoon upang magsabi ang mga mayamang tumatangging sumampalataya sa mga maralita ng mga mananampalataya: "Ang mga maralitang ito ba ay pinagmagandahang-loob ni Allāh sa pamamagitan ng pagpatnubay sa gitna namin?" Kung sakaling ang pananampalataya ay mabuti, hindi sana nila kami naunahan doon sapagkat kami ay ang mga may pangunguna. Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga nagpapasalamat sa mga biyaya Niya kaya nagtutuon Siya sa kanila sa pananampalataya at higit na nakaaalam sa mga tumatangging kumilala sa mga ito kaya nagtatatwa Siya sa kanila kaya hindi sila sumasampalataya?" Oo nga, tunay na si Allāh ay higit na nakaaalam sa kanila.
Kapag pumunta sa iyo ang mga sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh na sumasaksi sa katapatan ng inihatid mo ay ibalik mo sa kanila ang pagbati ng kapayapaan bilang pagpaparangal sa kanila. Balitaan mo sila ng nakalulugod na lawak ng awa ni Allāh sapagkat inobliga Niya sa sarili Niya ang pagkaawa bilang pag-oobligang pagmamabuting-loob. Ang sinumang nakagawa kabilang sa inyo ng pagsuway sa sandali ng kamangmangan at kahunghangan, pagkatapos ay nagbalik-loob matapos ng pagkagawa niya nito at nagpakatuwid, tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanya sa nagawa niya sapagkat si Allāh ay mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, maawain sa kanila.
Gaya ng paglilinaw Namin sa iyo ng nabanggit, nililinaw Namin ang mga patunay Namin at ang mga katwiran Namin laban sa mga alagad ng kabulaanan upang maipaliwanag ang daan ng mga salarin at pamamaraan nila upang maiwasan ito at makapag-ingat laban dito.
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh na sumamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh." Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumusunod sa mga nasa ninyo sa pagsamba sa iba pa kay Allāh sapagkat ako, kung sumunod sa mga nasa ninyo roon, ay magiging isang naliligaw palayo sa daan ng katotohanan, na hindi napapatnubayan." Ito ang lagay ng bawat sumunod sa nasa nang walang patotoo mula kay Allāh.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na ako ay nakabatay sa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko, hindi nakabatay sa isang nasa, samantalang kayo ay nagpasinungaling sa patotoong ito. Wala sa akin ang minamadali ninyo na pagdurusa at mga tandang mahimala na hiniling ninyo. Iyon ay nasa mga kamay ni Allāh lamang sapagkat ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang. Nagsasabi Siya ng katotohanan at humahatol Siya nito. Siya - napakamaluwalhati Niya - ay pinakamainam na naglinaw at nagbukod sa tagapaglahad ng katotohanan mula sa tagapaglahad ng kabulaanan.
Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Kung nasa akin at nasa hawak ko ang minamadali ninyo na parusa ay talaga sanang ibinaba ko ito sa inyo at sa sandaling iyon ay pagpapasyahan ang usaping nasa pagitan ko at ninyo. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga lumalabag sa katarungan kung gaano katagal Siya magpapalugit sa kanila at kung kailan Siya magpaparusa sa kanila."
Taglay ni Allāh - tanging Siya - ang mga susi ng Lingid; hindi nalalaman ang mga iyon ng iba pa sa Kanya. Nalalaman Niya ang lahat ng nasa katihan na mga nilikha na hayop, halaman, at bagay. Nalalaman niya ang anumang nasa karagatan na hayop at halaman at anumang nalalaglag na dahon sa alinmang pook. Walang natatagpuang butil na nakatago sa lupa, ni natatagpuang mahalumigmig ni natatagpuang tuyot malibang ito ay pinagtibay sa isang talaang maliwanag, ang Tapyas na Pinangangalagaan.
Si Allāh ay ang humahawak sa mga kaluluwa ninyo sa isang paghawak na pansamantala sa sandali ng pagtulog. Siya ay ang nakaaalam sa nakamit ninyong mga gawa sa maghapon sa oras ng aktibidad ninyo. Pagkatapos ay binubuhay Niya kayo sa maghapon matapos ng paghawak sa mga kaluluwa ninyo sa pagtulog upang magsagawa kayo ng mga gawain ninyo hanggang sa magwakas ang mga taning ng mga buhay ninyong naitakda sa ganang kay Allāh. Pagkatapos ay tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - ang pagbabalik ninyo sa pamamagitan ng Pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos ay ipababatid Niya sa inyo ang ginagawa ninyo noon sa buhay ninyong makamundo at gaganti Siya sa inyo roon.
Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na nagpasailalim sa Kanya ang bawat bagay, na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa pagkaibabaw na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas. Nagpapadala Siya sa inyo - O mga tao - ng mga anghel na marangal na nag-isa-isa sa mga gawa ninyo hanggang sa matapos ang taning ng isa sa inyo sa pamamagitan ng pagkuha ng anghel ng kamatayan at mga katulong nito sa kaluluwa niya. Sila ay hindi nagkukulang sa ipinag-utos sa kanila.
Pagkatapos ay ibabalik kay Allāh ang lahat ng mga kinuha ang mga kaluluwa nila, ang Tagapagmay-ari nilang totoo upang gantihan Niya sila sa mga nagawa nila, na ukol sa Kanya ang paghuhusgang natutupad at ang paghahatol na makatarungan sa kanila. Siya ay ang pinakamabilis na bumilang sa inyo at mag-isa-isa sa mga gawain ninyo.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagtatambal na ito: "Sino ang sasagip sa inyo at magpapaligtas sa inyo mula sa mga kapahamakang nakatatagpo ninyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, na dumadalangin kayo sa Kanya - tanging sa Kanya - habang mga nagpapakaaba na nagpapakababa nang palihim at hayagan, [na nagsasabi]: "Talagang kung pinaligtas kami ng Panginoon namin mula sa mga kapahamakang ito ay talaga sanang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat sa mga biyaya Niya sa amin sa pamamagitan ng hindi namin pagsamba sa iba sa Kanya."
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang sasagip sa inyo mula roon at magpapaligtas sa inyo mula sa bawat kapighatian, pagkatapos kayo matapos niyon ay nagtatambal sa Kanya ng iba pa sa Kanya sa kalagayan ng kaluwagan kaya may aling kawalang-katarungang higit pa sa isinasagawa ninyo?"
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusang darating sa inyo mula sa ibabaw ninyo tulad ng mga bato, mga lintik, at mga baha, o darating mula sa ilalim ninyo tulad ng mga lindol at paglamon ng lupa; o na magpasalungat sa mga puso ninyo kaya susundin ng bawat isa sa inyo ang nasa niya kaya maglalaban ang isa't isa sa inyo." Magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaanong sinasari-sari Namin sa kanila ang mga patunay at ang mga patotoo at nililinaw Namin ang mga ito nang sa gayon sila ay makaintindi na ang inihatid mo ay katotohanan at na ang taglay nila ay kabulaanan.
Nagpasinungaling sa Qur'ān na ito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanang walang mapag-aatubilian sa pagiging mula sa ganang kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ako sa inyo ay hindi isang inaatangan ng pagmamasid sa inyo sapagkat walang iba ako kundi isang tagababala sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi."
Ukol sa bawat ulat ay isang panahong titigilan nito at isang wakas na pagwawakasan nito. Kabilang doon ang ulat ng kinauuwian ninyo at kinahihinatnan ninyo at malalaman ninyo iyon kapag bubuhayin kayo sa Araw ng Pagbangon.
Kapag nakita mo, O Sugo, ang mga nagtatambal na nagsasalita kaugnay sa mga talata Namin nang may panunuya at pangungutya, ay lumayo ka sa kanila hanggang sa pumasok sila sa isang pag-uusap na walang panunuya at pangungutya sa mga talata Namin. Kapag pinalimot ka ng demonyo at naupo ka kasama nila, pagkatapos ay naalaala mo, lisanin mo ang pagtitipon nila at huwag kang umupo kasama ng mga lumalabag.
Walang tungkulin sa mga nangingilag magkasala, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, sa pagtutuos sa mga lumalabag sa katarungan na ito sa anuman. Tungkulin sa kanila lamang na sawayin sila sa ginagawa nilang nakasasama nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala kaya susundin nila ang mga ipinag-uutos Niya at iiwasan nila ang mga sinasaway Niya.
Hayaan mo -O sugo- ang mga tagapagtambal na ito na gumawa sa relihiyon nila bilang isang laro at isang paglilibang, na nanlalait dito at nangungutya rito. Nalinlang sila ng makamundong buhay dahil sa taglay nitong mga kasiyahang naglalaho. Mangaral ka, O Propeta, ng Qur'ān sa mga tao upang hindi isuko ang isang kaluluwa sa kapahamakan dahilan sa nakamit niya na mga masagwang gawa. Walang ukol sa kanya, bukod pa kay Allāh, na isang kakamping magpapaadya siya rito ni tagapagpagitnang makapipigil para sa kanya sa parusa ni Allāh sa Araw ng Pagbangon. Kapag tinubos niya ang sarili laban sa parusa ni Allāh ng anumang pantubos ay hindi tatanggapin sa kanya. Yaong mga isinuko sa kapahamakan ang mga sarili nila dahilan sa nagawa nilang mga pagsuway, ukol sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay ay isang inuming pagkainit-init at isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
Sabihin mo, O sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sasamba ba kami sa bukod pa kay Allāh, na mga diyus-diyusang hindi nakapagdudulot ng pakinabang para magpakinabang sa amin ni ng pinsala para maminsala sa amin, at tatalikod kami sa pananampalataya matapos ituon kami ni Allāh rito kaya kami ay magiging tulad ng iniligaw ng mga demonyo at iniwang litung-litong hindi napapatnubayan ng landas, gayong mayroon siyang mga kasamahang nag-aanyaya sa kanya tungo sa patnubay samantalang siya naman ay nagpipigil sa pagtugon sa kanila sa inaanyaya nila sa kanya?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay na totoo. Nag-utos nga sa amin si Allāh na magpaakay kami sa Kanya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - sa pamamagitan ng pananatili sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya - tanging sa Kanya - sapagkat Siya ay Panginoon ng mga nilalang.
Ipinag-utos nga Niya sa amin ang pagpapanatili sa pagdarasal sa paraang pinakalubos, at ipinag-utos Niya sa amin ang pangingilag sa pagkakasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya - tanging Siya - ay ang pagkakalapan sa Araw ng Pagbangon upang gantihan sila sa mga gawa nila.
Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay ang lumikha sa mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa araw na magsasabi Siya sa anuman: "Mangyari" ay mangyayari ito kapag sasabihin Niya sa Araw ng Pagbangon: "Bumangon kayo," at babangon sila. Ang sabi Niyang totoo ay magaganap - hindi maiiwasan. Kanya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - tanging sa Kanya, ang paghahari sa Araw ng Pagbangon kapag iihip si Anghel Isrāfīl sa sungay sa ikalawang pag-ihip. Ang Nakaaalam sa nalingid at ang Nakaaalam sa nahayag, Siya ay ang Marunong sa paglikha, ang Nakababatid na walang naikukubli sa Kanya na anuman, kaya naman ang mga nakalihim sa mga bagay-bagay sa ganang Kanya ay gaya ng mga nakalantad sa mga bagay.
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Abraham - sumakanya ang pangangalaga - sa tagapagtambal na ama niyang si Āzar: "Ginagawa mo ba ang mga anito bilang mga diyos na sinasamba mo bukod pa kay Allāh? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mong sumasamba sa mga diyus-diyusan sa isang pagkaligaw na malinaw at kalituhan sa daan ng katotohanan dahilan sa pagsamba ninyo sa iba pa kay Allāh sapagkat Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang sinasamba ayon sa karapatan samantalang ang iba pa sa Kanya ay isang sinasamba ayon sa kabulaanan."
Gaya ng ipinakita ni Allāh sa kanya na pagkaligaw ng ama niya at mga kalipi nito, ipakikita ni Allāh sa kanya ang malawak na paghahari sa mga langit at lupa upang magpatunay sa pamamagitan ng malawak na paghaharing iyon sa kaisahan Niya at pagiging karapat-dapat Niya sa pagsamba - tanging Siya - upang si Abraham ay maging kabilang sa mga nakatitiyak na si Allāh ay nag-iisa, walang katambal sa Kanya, at na Siya ay nakakakaya sa bawat bagay.
Kaya noong dumilim sa kanya ang gabi ay nakakita siya ng isang tala at nagsabi: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit nang nawala ang tala ay nagsabi siya: "Hindi ko naiibigan ang nawawala dahil ang Diyos na totoo ay naririyan, hindi nawawala."
Nang nakita niya ang buwan na lumalabas ay nagsabi siya: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong nawala ito ay nagsabi siya: "Talagang kung hindi magtutuon sa akin si Allāh sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya - tanging sa Kanya - talagang ako nga ay magiging kabilang sa mga taong malayo sa Relihiyon Niyang totoo."
Kaya nang nakita niya ang araw na lumalabas ay nagsabi siya: "Ang lumalabas na ito ay Panginoon ko; ang lumalabas na ito ay higit na malaki kaysa sa tala at kaysa sa buwan;" ngunit noong nawala ito ay nagsabi siya: "O mga kalipi ko, tunay na ako ay walang-kinalaman sa anumang itinatambal ninyo kasama kay Allāh;
Tunay na ako ay nagpakawagas sa pag-uukol ng relihiyon ko sa lumikha sa mga langit at lupa nang walang pagkakatulad na nauna, habang kumikiling palayo sa pagtatambal tungo sa dalisay na paniniwala sa kaisahan [ni Allāh], at ako ay hindi kabilang sa mga tagapagtambal na mga sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya.
Nakipag-alitan sa kanya ang mga kalipi niya hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh - napakamaluwalhati Niya - at nagpangamba sila sa kanya laban sa mga anito nila kaya nagsabi siya sa kanila: "Nakikipag-alitan ba kayo sa akin hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba samantalang itinuon nga ako ng Panginoon ko sa Kanya? Hindi ako natatakot sa mga anito ninyo sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagdudulot ng isang pinsala para maminsala sa akin ni ng isang pakinabang para magpakinabang sa akin malibang niloob ni Allāh sapagkat ang anumang niloob ni Allāh ay mangyayari. Kaalinsabay ng kaalaman ni Allāh sa bawat bagay, walang naikukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit. Kaya hindi ba kayo napaaalalahanan, O mga tao, sa kalagayan ninyong kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya para sumampalataya kayo kay Allāh - tanging sa Kanya?"
Papaanong magaganap sa akin ang pangamba sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh kabilang sa mga diyus-diyusan samantalang hindi nagaganap sa inyo mismo ang pangamba sa pagtatambal ninyo kay Allāh nang nagtambal kayo kasama sa Kanya ng nilikha Niya nang walang patotoo para sa inyo roon? Kaya alin sa dalawang kalipunan: kalipunan ng mga naniniwala sa kaisahan at kalipunan ng mga naniniwala sa pagtatambal, ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan at kaligtasan? Kung kayo ay nakaaalam sa higit na karapat-dapat sa dalawa, sundin ninyo ang karapat-dapat sa dalawa, na walang pag-aalinlangan, ang kalipunan ng mga mananampalatayang naniniwala sa kaisahan [ni Allāh]?
Ang mga sumampalataya, sumunod sa isinabatas Niya, at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng isang pagtatambal, ukol sa kanila ang katiwasayan at ang kaligtasan - tanging sa kanila hindi sa iba pa sa kanila. Sila ay mga naituon; itinuon sila ng Panginoon nila sa daan ng kapatnubayan.
Ang katwirang iyon ay ang sabi niya: "Kaya alin sa dalawang pangkat ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan," na nadaig ni Abraham sa pamamagitan nito ang mga kalipi niya hanggang sa naputol ang katwiran nila. Ito ay katwiran Namin; itinuon Namin siya para mangatwiran sa mga kalipi niya sa pamamagitan nito at ibinigay Namin sa kanya ito. Inaangat Namin ang sinumang niloloob Namin mula sa mga lingkod namin sa mga antas sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, maalam sa mga lingkod Niya.
Ipinagkaloob Namin kay Abraham ang anak niyang si Isaac at ang apo niyang si Jacob. Nagtuon Kami sa bawat isa sa kanilang dalawa tungo sa landasing tuwid. Nagtuon Kami kay Noe bago nila. Nagtuon Kami tungo sa daan ng katotohanan sa mga supling ni Noe: sa bawat isa kina David at anak niyang si Solomon, Job, Yusuf, at Moises at kapatid niyang si Aaron - sumakanila ang pangangalaga. Tulad ng pagganting ito na iginanti Namin sa mga propeta dahil sa pagpapahusay nila, gagantihan Namin ang mga tagapagpahusay kabilang sa iba pa sa kanila dahil sa pagpapahusay nila.
Nagtuon Kami, gayon din, sa bawat isa kina Zacarias, Juan, Hesus na anak ni Maria, at Elias - sumakanila ang pangangalaga. Lahat ng mga propetang ito ay kabilang sa mga matuwid, na pinili ni Allāh bilang mga sugo.
Nagtuon Kami, gayon din, kina Ismael, Eliseo, Jonas, at Lot, sumakanila ang pangangalaga - lahat ng mga propetang ito, sa pangunguna ni Propeta Muḥammad, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, ay itinangi Namin sa mga nilalang -
at nagtuon Kami, gayon din, sa ilan sa mga ama nila, sa ilan sa mga anak nila, at sa ilan sa mga kapatid nila kabilang sa niloob Namin ang pagtutuon sa kanila. Pinili Namin sila at itinuon Namin sila sa pagtahak sa daang matuwid na siyang daan ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya.
Yaong nangyari sa kanila na pagtutuon ay pagtutuon ni Allāh; itinutuon Niya roon ang sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya ay talaga sanang nawalang-saysay ang mga gawa nila dahil ang pagtatambal ay isang nagpapawalang-saysay sa gawaing matuwid.
Yaong mga propetang nabanggit ay ang mga binigyan Namin ng kasulatan, binigyan Namin ng karunungan, at binigyan Namin ng pagkapropeta, ngunit kung tatangging sumampalataya ang mga kalipi mo sa ibinigay Namin sa mga iyon na tatlong ito ay naghanda nga Kami para sa mga iyan at naglaan nga Kami ng mga taong hindi mga tumatangging sumampalataya sa mga iyan, bagkus sila ay mga mananampalatayang kumakapit sa mga iyan. Sila ay ang mga lumikas, ang mga tagaadya, at ang mga sumunod sa kanila ayon sa pagpapahusay hanggang sa Araw ng Paggagantimpala.
Ang mga propetang iyon at ang sinumang nabanggit kasama nila kabilang sa mga ama nila, mga anak nila, at mga kapatid nila ay ang mga alagad ng patnubay sa totohanan kaya sumunod ka sa kanila at gumaya ka sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga kalipi mo: "Hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng Qur'ān ng isang ganti sapagkat ang Qur'ān ay walang iba kundi isang pangaral para sa mga nilalang kabilang sa tao at jinn upang ipanggabay nila tungo sa landasing tuwid at daang tumpak.
Hindi dinakila ng mga tagapagtambal si Allāh nang totoong pagdakila sa Kanya nang nagsabi sila sa Propeta Niyang si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi nagbaba si Allāh sa isang tao ng anuman sa pagsisiwalat." Sabihin mo sa kanila: "Sino ang nagbaba sa Torah kay Moises bilang isang liwanag, isang pagpatnubay, at isang paggabay para sa mga tao niya? Inilalagay ito ng mga Hudyo sa mga sulatan, na naglalantad sila ng bahagi nitong umaalinsunod sa mga nasa nila at nagtatago sila ng sumasalungat sa mga nasa nila gaya ng katangian ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Tinuruan kayo, O mga Arabe, mula sa Qur'ān ng hindi ninyo nalaman at ng mga ninuno ninyo noon. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nagbaba nito si Allāh." Pagkatapos ay iwan mo sila sa kamangmangan nila at pagkaligaw nila hanggang sa puntahan sila ng kamatayang tiyak.
Itong Qur'ān ay isang aklat na ibinaba Namin sa iyo, O Propeta. Ito ay isang aklat na pinagpala, na nagpapatotoo sa nauna rito na mga makalangit na aklat upang pagbalaan mo sa pamamagitan nito ang mga mamamayan ng Makkah at ang nalalabi sa mga tao sa mga dakong silangan ng lupa at mga dakong kanluran nito upang mapatnubayan sila. Ang mga sumasampalataya sa pangkabilang-buhay ay sumasampalataya sa Qur'ān na ito nagsasagawa sa nasaad dito at nangangalaga sa pagdarasal nila sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga saligan nito, mga tungkulin dito, at mga itinuturing na kaibig-ibig dito sa mga oras nitong itinakda ayon sa Batas ng Islām.
Walang isang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang kumatha-katha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan dahil nagsabi: "Hindi nagbaba si Allāh sa isang tao ng anuman," o nagsabi ng isang kasinungalingan: "Tunay na si Allāh ay nagsiwalat sa akin," samantalang si Allāh ay hindi nagsiwalat sa kanya ng anuman," o nagsabi: "Magbababa ako ng tulad sa ibinaba ni Allāh na Qur'ān." Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag dinadapuan itong mga lumalabag sa katarungan ng hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay nila sa pamamagitan ng pagpaparusa at paghagupit, na nagsasabi sa kanila sa paraan ng pagmamalupit: "Ilabas ninyo ang mga espiritu ninyo sapagkat kami ay kukuha ng mga iyan sa araw na ito at gagantimpalaan kayo ng isang pagdurusang hahamak sa inyo at magpapaaba sa inyo dahilan sa kayo noon ay nagsasabi laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pag-aangkin ng pagkapropeta, pagsisiwalat, at pagpapababa ng tulad sa ibinaba ni Allāh, at dahilan sa pagmamalaki ninyo laban sa pananampalataya sa mga tanda Niya. Kung sakaling nakikita mo iyon ay talaga sanang nakakita ka ng isang bagay na kahindik-hindik.
Sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay: Talaga ngang pumunta kayo sa Amin sa araw na ito bilang mga indibiduwal na walang ari-ariang kasama sa inyo ni katungkulan gaya ng pagkabuo Namin sa inyo sa unang pagkakataon na mga nakayapak, na mga nakahubo, na mga supot, at iniwan ninyo ang ibinigay Namin sa inyo mula roon sa Mundo nang labag sa loob ninyo. Hindi nakikita ngayong araw na kasama ninyo ang mga diyos na inakala ninyong sila ay mga tagapagpagitna para sa inyo at inaakala ninyong sila ay mga katambal kay Allāh sa pagiging karapat-dapat sa pagsamba. Talaga ngang nagkaputul-putol ang pagkakaugnay sa pagitan ninyo at naglaho sa inyo ang inaakala ninyo noon na pamamagitan nila, at na sila ay mga katambal kay Allah.
Tunay na si Allāh - tanging Siya - ay ang nagpapabuka ng mga butil kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga tanim at nagpapabuka ng mga buto ng datiles kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga punong-datiles, na nagpapalalabas ng buhay mula sa patay yayamang lumalabas ang tao at ang nalalabi sa mga hayop mula sa punlay at nagpapalabas ng patay mula sa buhay yayamang lumalabas ang mula sa punlay mula sa tao at ang itlog mula sa manok. Ang mga gumagawa sa mga iyon ay si Allāh, na lumikha sa inyo, kaya paano kayo nababaling -o mga tagatambal- palayo sa katotohanan kalakip ang mga nasasaksihan ninyo mula sa kagandahan ng likha Niya?
Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay ang nagpapabuka ng liwanag ng madaling-araw mula sa dilim ng gabi. Siya ay ang gumawa sa gabi bilang isang pamamahinga para sa mga tao. Namamahinga sila rito mula sa pagkilos sa paghahanap ng kabuhayan, upang makapagpahinga sila mula sa pagod nila sa paghahanap niyon sa maghapon. Siya ay ang gumawa sa araw at buwan na umiinog ayon sa isang itinakdang pagtataya. Ang nabanggit na iyon na bahagi ng kagandahan ng paggawa ay ang pagtatakda ng Makapangyarihang hindi napananaigan ng isa man, Maalam sa mga nilikha Niya at anumang nakabubuti sa kanila.
Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay ang lumikha para sa inyo, O mga anak ni Adan, ng mga bituin sa langit upang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa mga paglalakbay ninyo kapag nagpalito sa inyo ang mga daan sa katihan at karagatan. Nilinaw nga Namin ang mga patunay at ang mga patotoong nagpapatunay sa kakayahan Namin para sa mga taong nagbubulay-bulay sa mga patunay at mga patotoong iyon para makinabang sa mga iyon.
Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay ang lumikha para sa inyo mula sa iisang espiritu, ang espiritu ng ama ninyong si Adan, sapagkat nagsimula ang paglikha sa inyo sa paglikha sa ama ninyo mula sa putik, pagkatapos ay nilikha Niya kayo mula rito. Lumikha Siya para sa inyo ng titigilan ninyo gaya ng mga sinapupunan ng mga ina ninyo at ng isang pinaglalagakan na pinaglalagakan sa inyo gaya ng mga gulugod ng mga ama ninyo. Nilinaw nga ang mga tanda para sa mga taong umuunawa sa Salita ni Allāh.
Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay ang nagbaba mula sa langit ng tubig, ang tubig ng ulan. Nagpatubo sa pamamagitan nito ng bawat isa sa mga uri ng mga halaman. Nagpalabas mula sa mga halaman ng mga pananim at mga punong luntian, na nagpapalabas naman mula sa mga ito ng mga butil na pumapatong sa isa't isa gaya ng nangyayari sa mga puso ng butil. Mula sa mga bulaklak ng mga punong datiles lumalabas ang mga piling ng mga ito na malapit abutin ng nakatayo at nakaupo. Nagpalabas ng mga hardin ng mga ubas. Nagpalabas ng mga oliba at mga granada, na nagkakatulad ang mga dahon ng mga ito, na nagkakaiba ang mga bunga ng mga ito. Tumingin kayo, O mga tao, sa mga bunga ng mga ito sa unang paglitaw at sa mga ito kapag nahihinog. Tunay na sa gayon, O mga tao, ay talagang may mga patunay na maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong sumasampalataya kay Allāh sapagkat sila ay ang mga nakikinabang sa mga patunay at mga patotoong ito.
Ginawa ng mga tagapagtambal ang mga jinn bilang mga katambal para kay Allāh sa pagsamba nang naniwala sila na ang mga ito ay nakapagpapakinabang at nakapipinsala. Pinairal sila ni Allāh at hindi sila nilikha ng iba pa sa Kanya kaya naman Siya ay higit na karapat-dapat na sambahin. Kumatha-katha sila para sa Kanya ng mga anak na lalaki, gaya ng ginawa ng mga Hudyo kay Ezra at ng mga Kristiyano kay Hesus, at ng mga anak na babae, gaya ng ginawa ng mga tagapagtambal sa mga anghel. Pagkalinis-linis Niya at pagkabanal-banal Niya kaysa sa anumang inilalarawan sa Kanya ng mga kampon ng kabulaanan.
Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay tagapaglikha ng mga langit at tagapaglikha ng lupa nang walang pagkakatulad na nauna. Papaano nangyayaring mayroon siyang anak samantalang hindi naman nangyaring mayroon siyang asawa? Siya ay lumikha nga sa bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman.
Iyon, O mga tao, ay si Allāh, ang nagtataglay ng mga katangiang iyon. Siya ay Panginoon ninyo kaya walang Panginoon ukol sa inyo na iba pa sa Kanya at walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Siya ay tagapagpairal sa bawat bagay kaya sambahin ninyo Siya - tanging Siya - sapagkat Siya ay karapat-dapat sa pagsamba. Siya sa bawat bagay ay Mapag-ingat.
Hindi nakasasaklaw sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya - napakamaluwalhati Niya - ay nakaaabot sa mga paningin at nakasasaklaw sa mga ito. Siya ay ang Nakatatalos sa mga lingkod Niyang matutuwid, ang Nakababatid sa kanila.
May dumating nga sa inyo, O mga tao, na mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag mula sa Panginoon ninyo. Kaya naman ang sinumang nagpakaunawa at nagpahinuhod sa mga ito, ang pakinabang doon ay babalik sa kanya; at ang sinumang nabulagan sa mga ito, hindi nagpakaunawa sa mga ito, at hindi nagpahinuhod sa mga ito, ang pinsala niyon ay nalilimitahan sa kanya. Ako sa inyo ay hindi mapagmasid, na umiisa-isa sa mga gawa ninyo. Ako ay isang sugo lamang mula sa Panginoon ko, ang Mapagmasid sa inyo.
Gaya ng pagsasari-sari Namin sa mga talata at mga patotoo sa kakayahan ni Allāh, sinasari-sari Namin ang mga talata hinggil sa pangako, banta, at pangaral. Magsasabi ang mga tagapagtambal: "Hindi ito isang pagsisiwalat; napag-aralan mo lamang ito buhat sa mga May Kasulatan sa mga nauna sa iyo." Ito ay upang linawin Namin ang katotohanan sa mga tao sa pamamagitan ng pagsasari-sari sa mga talatang ito para sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunan ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sapagkat sila ay tumatanggap sa katotohanan at sumusunod dito.
Sundin mo, O Sugo, ang isiniwalat na katotohanan sa iyo ng Panginoon mo sapagkat walang sinasamba ayon sa katotohanan na iba pa sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - at huwag mong abalahin ang puso mo dahil sa mga tagapagtambal at pagmamatigas nila sapagkat ang usapin ukol sa kanila ay nasa kay Allāh.
Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila magtambal sa Kanya ng isa man ay hindi sana sila nagtambal sa Kanya ng isa man. Hindi ka, O Sugo, ginawa ni Allāh na isang mapag-ingat na nag-iisa-isa sa kanila ng mga gawa nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang katiwala. Ikaw ay sugo lamang. Walang tungkulin sa iyo kundi ang pagpapaabot.
Huwag ninyong alipustain, O mga mananampalataya, ang mga anitong sinasamba ng mga tagapagtambal kasama kay Allāh, kahit pa man ang mga ito ay pinakahamak na bagay at pinakakarapat-dapat sa pag-alipusta upang hindi mang-alipusta ang mga tagapagtambal kay Allāh dala ng kayabangan laban sa Kanya at kamangmangan sa naaangkop sa Kanya - napakamaluwalhati Niya. Gaya ng pagpapaakit sa mga ito sa taglay ng mga ito na pagkaligaw, ipinaakit ni Allāh sa bawat kalipunan ang gawa nila, kabutihan man o kasamaan, kaya ginawa nila ang ipinaakit Niya sa kanila mula sa gawa nila. Pagkatapos ay sa Panginoon nila ang balikan nila sa Araw ng Pagbangon. Ipababatid Niya sa kanila ang ginagawa nila noon sa Mundo at gagantihan Niya sila roon.
Nanumpa ang mga tagapagtambal kay Allāh ng pinakamatindi sa mga panunumpa nilang nakakakaya nila na talagang kung dumating si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na may dalang isang tanda mula sa mga tanda na iminungkahi nila ay talagang sasampalataya nga sila rito. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang mga tanda ay hindi nasa akin para ibaba ko ang mga ito; ang mga ito ay nasa kay Allāh lamang. Ibinababa Niya ang mga ito kailanman Niya niloob. Ano ang magpapaalam sa inyo, O mga mananampalataya, na ang mga tandang ito, kapag dumating alinsunod sa iminungkahi nila, ay hindi sila sasampalataya, bagkus ay mananatili sila sa pagmamatigas nila at pagtanggi nila dahil sila ay hindi nagnanais ng pagkapatnubay?"
Pipihitin ni Allāh ang mga puso nila at ang mga paningin nila sa pamamagitan ng pagharang sa pagitan ng mga ito at ng pagkapatnubay sa katotohanan gaya ng pagharang Niya sa pagitan nila at ng pagsampalataya sa Qur'ān sa unang pagkakataon dahilan sa pagmamatigas nila. Iiwan sila ng Panginoon nila sa pagkaligaw nila at paghihimagsik nila sa Kanya habang mga litung-litong nag-aapuhap.
Kung tumugon si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng iminungkahi nila, nagpababa Siya sa kanila ng mga anghel at nasaksihan naman nila ang mga ito at kinausap pa sila ng mga patay at nagpabatid ang mga ito sa kanila ng katapatan mo sa inihatid mo, at gumawa Siya para sa kanila ng bawat bagay mula sa iminungkahi nila na haharapin nila nang mata sa mata, hindi nga sila sasampalataya sa inihatid mo maliban sa sinumang niloob Niya rito ang pagkapatnubay kabilang sa kanila, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya hindi sila dumudulog kay Allāh para ituon sila sa pagkapatnubay.
Kung paanong sinulit ka Namin sa pamamagitan ng pangangaway ng mga tagapagtambal na ito sa iyo, sinulit Namin ang bawat propetang nauna sa iyo. Nagtalaga Kami para sa bawat isa sa kanila ng mga kaaway kabilang sa mga maniniil na tao at mga kaaway kabilang sa mga naghihimagsik na jinn, na nanulsol sa isa't isa kaya naipang-akit ng mga ito sa kanila ang kabulaanan upang linlangin sila. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi nila gawin iyon ay hindi sana nila ginawa iyon, subalit Siya ay lumuob sa kanila niyon bilang isang pagsusulit. Kaya iwan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila na kawalang-pananampalataya at kabulaanan. Huwag mo silang pansinin.
at upang kumiling sa isinusulsol ng ilan sa kanila sa iba pa ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, upang tanggapin nila iyon para sa mga sarili nila at kalugdan nila iyon, at upang magkamit sila ng anumang sila ay mga magkakamit kabilang sa mga pagsuway at mga kasalanan.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na sumasamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya: "Maiisip bang tanggapin ko ang iba pa kay Allāh bilang isang tagahatol sa pagitan ko at ninyo? Si Allāh ay ang nagbaba sa inyo ng Qur'ān bilang isang tagapaglinaw na tumutupad sa bawat bagay. Ang mga Hudyong binigyan ni Allāh ng Torah at ang mga Kristiyanong binigyan Niya ng Ebanghelyo ay nakaaalam na ang Qur'ān ay pinabababa sa iyo bilang naglalaman ng katotohanan, noong nakatagpo sila sa mga kasulatan nila ng patunay roon. Kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagdududa sa anumang isiniwalat Namin sa iyo."
Umabot ang Qur'ān sa rurok ng katapatan sa mga sinasabi at mga balita; walang makapagpapalit sa mga salita Niya. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Maalam sa mga ito kaya walang nalilingid sa Kanya na anumang mula sa mga ito. Gagantihan Niya ang sinumang nagsisikap ng pagpapalit ng mga salita Niya.
Kung sakaling itinakdang ikaw ay tumalima, O Sugo, sa higit na marami sa nasa lupa kabilang sa mga tao ay ililigaw ka nila palayo sa Relihiyon ni Allāh sapagkat umiral nga ang kalakaran ni Allāh na ang katotohanan ay kasama ng kakaunti sapagkat ang higit na marami sa mga tao ay walang sinusunod kundi ang akalang walang sinasandigan yayamang nag-akala sila na ang mga sinasamba nila ay nagpapalapit-loob sa kanila kay Allāh nang dikitan habang sila ay nagsisinungaling kaugnay doon.
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na nakaaalam sa sinumang naliligaw palayo sa landas Niya kabilang sa mga tao, at Siya ay higit na nakaaalam sa mga napatnubayan doon; walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Kaya kumain kayo, O mga tao, mula sa binanggit ang pangalan ni Allāh roon sa sandali ng pagkatay, kung kayo ay mga mananampalataya nang totohanan sa mga patotoo Niyang maliwanag.
Ano ang pumipigil sa inyo, O mga mananampalataya, na kumakain mula sa anumang binanggit ang pangalan ni Allāh rito samantalang puspusang nilinaw na ni Allāh sa inyo ang ipinagbawal Niya sa inyo, kaya kinakailangan sa inyong iwanan ito, malibang kapag itinulak kayo ng kagipitan sapagkat ang kagipitan ay nagpapahintulot sa ipinagbabawal? Tunay na marami sa mga tagapagtambal ay talagang nagpalayo sa mga tagasunod nila sa katotohanan dahil sa mga tiwaling opinyon nila dala ng kamangmangan mula sa kanila, yayamang ipinahihintulot nila ang ipinagbawal ni Allāh sa kanila gaya ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon sa Islām) at iba pa rito at ipinagbabawal nila ang ipinahintulot Niya sa kanila gaya ng baḥīrah, waṣīlah, ḥāmī, at iba pa. Tunay si Allāh, O Sugo, ay higit na nakaaalam sa mga lumalampas ng mga hangganan Niya at gaganti sa kanila sa paglampas nila sa hangganan Niya.
Iwan ninyo, O mga tao, ang paggawa ng mga pagsuway nang hayagan at palihim. Tunay na ang mga gumagawa ng mga pagsuway nang palihim at hayagan ay gagantihan ni Allāh sa nakamit nila mula sa mga ito.
Huwag kayong kumain, O mga Muslim, mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon, binanggit man doon ang pangalan ng iba pa sa Kanya o hindi. Tunay na ang pagkain mula roon ay talagang paglabas sa pagtalima kay Allāh patungo sa pagsuway sa Kanya. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nanunulsol sa mga katangkilik nila sa pamamagitan ng pagpupukol ng maling-akala upang makipagtalo sila sa inyo kaugnay sa pagkain ng maytah (hayop na hindi nakatay ayon sa patakaran ng Islām). Kung tumalima kayo sa kanila, O mga Muslim, sa ipinupukol nila na maling-akala ng pagpapahintulot ng maytah, kayo at sila ay magkatulad sa pagtatambal.
Ang taong bago ang patnubay ni Allāh sa kanya ay isang patay dahil sa taglay niyang kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway, pagkatapos ay binuhay siya ni Allāh sa pamamagitan ng pagpatnubay sa kanya sa pananampalataya, kaalaman, at pagtalima, ay nakapapantay ba ng taong nasa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at mga pagsuway na hindi niya nakakakayang lumabas mula sa mga ito, na nakalito sa kanya ang mga daan, at dumilim sa kanya ang mga tinatahak? Kung paanong pinaganda sa mga tagapagtambal na ito ang shirk, ang pagkain ng maytah, at ang pakikipagtalo sa kabulaanan, pinaganda sa mga tumatanging sumampalataya ang ginagawa nilang mga pagsuway upang gantihan sila sa mga ito sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusang masakit.
Tulad ng nangyari sa mga pinakamalaking tao ng mga tagapagtambal sa Makkah na paghadlang sa landas ni Allāh, gumawa Siya sa bawat pamayanan ng mga pangulo at mga pinunong gumagawa ng panlalansi nila at pakana nila sa pag-aanyaya tungo sa landas ng demonyo at pakikidigma sa mga sugo at mga tagasunod ng mga ito. Ang reyalidad ay na ang balak nila at ang pakana nila ay bumabalik lamang sa kanila subalit sila ay hindi nakadarama niyon dahil sa kamangmangan nila at pagsunod sa mga pithaya nila.
Kapag dumating sa mga malaking tao ng mga tumatangging sumampalataya ang isa sa mga tanda na ibinaba ni Allāh sa Propeta Niya ay nagsasabi sila: "Hindi kami sasampalataya hanggang sa bigyan kami ni Allāh ng tulad sa ibinigay sa mga propeta na pagkapropeta at pagkasugo." Kaya tumugon si Allāh sa kanila na Siya ay higit na nakaaalam sa kung sino ang naaangkop sa pagkasugo at pagsasagawa sa mga tungkulin nito kaya itatangi Niya ito sa pagkapropeta at pagkasugo. Magtatamo ang mga maniniil na ito ng isang kaabahan at isang panghahamak dahil sa pagmamalaki nila, at ng isang pagdurusang matindi dahilan sa masamang balak nila.
Kaya ang sinumang nanaisin ni Allāh na ituon sa daan ng kapatnubayan ay bubuksan Niya ang dibdib nito at ihahanda sa pagtanggap sa Islām. Ang sinumang nanaisin Niya na itatwa at hindi ituon sa pagkapatnubay ay gagawin Niya ang dibdib nito na matindi sa kasikipan sa pagtanggap sa katotohanan sa paraang nagiging imposible ang pagpasok ng katotohanan sa puso niya gaya ng pagkaimposible ng pag-akyat niya sa langit at kawalang-kakayahan niya roon sa sarili niya. Kung paanong ginawa ni Allāh ang kalagayan ng naliligaw sa pamamagitan ng ganitong kalagayan ng matinding paninikip, ginagawa Niya ang pagdurusa sa mga hindi sumasampalataya.
Itong relihiyong isinabatas ni Allāh para sa iyo, O Sugo, ay landasing matuwid Niya na walang kabaluktutan dito. Nilinaw nga Niya ang mga tanda para sa sinumang may kamalayan at pag-intinding nagkakamalay siya sa pamamagitan nito tungkol kay Allāh.
Ukol sa kanila ay tahanang maliligtas sila roon laban sa bawat kinasusuklaman; ang Paraiso. Si Allāh ay tagaadya nila at tagaayuda nila bilang ganti sa ginagawa nila noon na mga matuwid.
Banggitin mo, O Sugo, sa Araw na titipunin ni Allāh ang dalawang pangunahing nilikha: ang tao at ang jinn. Pagkatapos ay magsasabi si Allāh: "O umpukan ng jinn, nagparami nga kayo sa pagliligaw ng tao at pagbalakid sa kanila sa landas ni Allāh." Magsasabi ang mga katulong nila kabilang sa tao habang mga tumutugon sa Panginoon nila: "O Panginoon namin, nagtamasa ang bawat isa kabilang sa amin sa kasama niya sapagkat ang jinn ay nagtamasa sa pagtalima ng tao sa kanya at ang tao ay nagtamasa sa pagkamit niya ng mga nasa niya; at umabot sa amin ang taning na itinaning Mo para sa amin sapagkat heto ang Araw ng Pagbangon." Magsasabi si Allāh: "Ang Apoy ay pananahanan ninyo bilang mga mananatili roon maliban sa niloob Ko ayon sa sukat ng yugto sa pagitan ng pinagbuhayan sa kanila mula sa mga libingan nila hanggang sa paghahantungan nila sa Impiyerno. Iyon ang yugtong ipinasubali Ko sa pananatili nila sa Apoy." Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay marunong sa pagtatakda Niya at pangangasiwa Niya, maalam sa mga lingkod Niya hinggil sa kung sino ang karapat-dapat sa kanila sa pagdurusa.
Gaya ng pagsasakatangkilik Namin sa mga naghihimagsik na jinn at pagpapangibabaw Namin sa kanila sa ilan sa mga tao upang iligaw sila, isinakatangkilik Namin ang bawat lumalabag sa katarungan sa isa pang lumalabag sa katarungan, na humihimok sa kanya sa kasamaan, nag-uudyok dito, nagpalayo ng loob niya sa kabutihan, at nagpapakaunti sa kanya rito bilang ganti sa kanila dahil sa nakakamit nila noon na mga pagsuway.
Magsasabi si Allāh sa kanila sa Araw ng Pagbangon: "O umpukan ng jinn at tao, wala bang dumating sa inyo na mga sugo kabilang sa kauri ninyo - sila ay kabilang sa tao - na bumibigkas sa inyo ng ibinaba ni Allāh sa inyo at nagpapangamba sa inyo sa pagtatagpo sa Araw ninyong ito na siyang Araw ng Pagbangon?" Magsasabi sila: "Opo; kumilala kami ngayong Araw laban sa mga sarili namin na ang mga sugo Mo ay nagparating nga sa amin at kumilala kami sa pagtatagpo sa Araw na ito subalit nagpasinungaling Kami sa mga sugo Mo at nagpasinungaling Kami sa pagtatagpo sa Araw na ito." Luminlang sa kanila ang makamundong buhay dahil sa taglay nitong gayak, palamuti, at lugod na lumilipas. Kumilala sila laban sa sarili nila na sila noon sa Mundo ay mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Hindi magpapakinabang sa kanila itong pagkilala at ni hindi ang pananampalataya dahil sa pagkahuli ng oras nito.
Ang pagbibigay-dahilang iyon sa pamamagitan ng pagsusugo sa mga sugo sa tao at jinn ay upang hindi parusahan ang isa dahil sa nagawang krimen nito habang walang naisugo sa kanya na isang sugo at walang umabot sa kanya na isang paanyaya sapagkat hindi Kami nagpaparusa sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan malibang matapos ng pagsusugo ng mga sugo sa kanila.
Ang lahat sa kanila ay may mga antas ayon sa gawa nila sapagkat hindi nagkakapantay ang marami sa kasamaan at ang kaunti sa kasamaan, ni ang sumusunod at ang sinusunod gaya ng hindi pagkakapantay ng gantimpala ng mga gumagawa ng mga matuwid. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa mga ginagawa nila noon, bagkus Siya ay nakababatid doon: walang naikukubli roon mula sa Kanya na anuman, at gaganti sa kanila sa mga gawa nila.
Ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya kaya hindi Siya nangangailangan sa kanila ni sa pagsamba nila ni nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya nila. Sa kabila ng kawalang-pangangailangan Niya sa kanila, Siya ay May Awa sa kanila. Kung loloobin Niya ang paglipol sa inyo, O mga taong sumusuway, ay mapupuksa Niya kayo sa pamamagitan ng isang parusang mula sa ganang Kanya at mapaiiral Niya matapos ng paglipol sa inyo ang sinumang loloobin Niya kabilang sa mga sasampalataya sa Kanya at tatalima sa Kanya, gaya ng pagkalikha Niya sa inyo mismo mula sa inapo ng mga ibang taong nauna sa inyo noon.
Tunay na ang ipinangangako sa inyo, O mga tumatangging sumampalataya, na pagbubuhay, pagtitipon, pagtutuos, at parusa ay talagang darating, hindi maiiwasan. Hindi ninyo malulusutan ang Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagtakas sapagkat Siya ay kukuha sa inyo sa mga buhok ng bumbunan ninyo at magpaparusa sa inyo sa pamamagitan ng parusa Niya.
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao ko, manatili kayo sa pamamaraan ninyo at anumang kayo ay nariyan na gaya ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw sapagkat nagkaroon na ako ng paumanhin at naglahad na ako ng katwiran sa inyo sa pamamagitan ng malinaw na pagpaparating, kaya ako ay hindi pumapansin sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagkaligaw ninyo bagkus mananatili ako sa anumang ako ay nariyan na gaya ng katotohanan. Malalaman ninyo kung kanino mauukol ang pag-aadya sa Mundo, sino ang magmamana sa lupa, at kanino nauukol ang tahanang pangkabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagapagtambal sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, bagkus ang kahihinatnan nila ay ang pagkalugi, kahit pa nagtamasa sila ng tinamasa nila sa Mundo."
Gumawa-gawa ang mga tagapagtambal kay Allāh ng pagtatalaga para kay Allāh ng isang bahagi mula sa nilikha Niya na mga tanim at mga hayupan - at inangkin nilang ito ay para kay Allāh - at ang isa pang bahagi para sa mga diyus-diyusan nila at mga rebulto nila. Ang inilaan nila para sa mga pantambal nila kay Allāh ay hindi nakararating sa mga guguling isinabatas ni Allāh ang paggugol gaya ng sa mga maralita at mga dukha at ang inilaan nila naman para kay Allāh, ito ay nakararating sa mga pantambal nila kay Allāh na mga diyus-diyusan, na ginugugol sa mga kapakanan ng mga ito. Kaingat, kay sagwa ang hatol nila at ang pagbahagi nila!
Kung paanong pinaganda ng demonyo para sa mga tagapagtambal ang pasyang mapang-aping ito, pinaganda rin sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila kabilang sa mga demonyo ang pagpatay nila sa mga anak nila dala ng takot sa karalitaan upang ipahamak sila ng mga ito sa pamamagitan ng pagkakasadlak sa pagpatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh ang pagpatay niyon malibang ayon sa katwiran at upang lituhin sila ng mga ito sa relihiyon nila kaya hindi nila nakikilala kung ano ang isinabatas at kung ano ang hindi isinabatas. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi nila gawin iyon ay hindi sana nila nagawa iyon, subalit Siya ay lumuob niyon dahil sa isang kasanhiang malalim. Kaya iwan mo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na ito at ang paggawa-gawa nila ng kasinungalingan laban kay Allāh sapagkat tunay na iyon ay hindi nakapipinsala sa iyo at isuko mo kay Allāh ang ukol sa kanila.
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Ang mga ito ay mga hayupan at mga tanim na ipinagbabawal." Walang kakain mula sa mga ito kundi ang sinumang niloloob nila ayon sa pag-aangkin nila at pagsisinungaling nila kabilang sa mga tagapaglingkod ng mga diyus-diyosan at iba pa sa kanila. Ang mga ito ay mga hayupang ipinagbawal ang mga likod, kaya hindi sinasakyan at hindi kinakargahan. Ang mga ito ay ang baḥīrah, ang sā'ibah, at ang ḥāmī. Ang mga ito ay mga hayupan na hindi nila binabanggitan ng pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay. Kinakatay lamang nila ang ito sa ngalan ng mga anito nila. Ginawa nila iyon sa kalahatan niyon bilang pagsisinungaling laban kay Allāh na iyon ay mula sa ganang Kanya. Gagantihan sila ni Allāh ng parusa Niya dahilan sa sila noon ay gumawa-gawa ng kasinungalingan laban sa Kanya.
Nagsabi sila: "Ang nasa mga tiyan ng mga sā’ibah at mga baḥīrah na ito na sanggol, kung ipinanganak na buhay ay ipinapahintulot sa kalalakihan namin, at ipinagbabawal sa mga maybahay namin. At kung ipinanganak ng tiyan nito mula sa sanggol ay patay, ang lalaki at ang babae rito ay mga magkatambal." Gagantihan sila ni Allāh-pagkataas-taas Niya sa sinasabi nilang ito ng karapat-dapat sa kanila. Tunay na Siya ay marunong sa batas Niya, at pangangasiwa Niya sa kapakanan ng nilikha Niya, nakakaalam sa kanila.
Napahamak nga ang mga pumatay sa mga anak nila dahil sa kahinaan ng mga isip nila at kamangmangan nila, at mga nagbawal sa itinustos sa kanila ni Allāh na mga hayupan habang mga nag-uugnay niyon kay Allāh bilang isang kasinungalingan. Nalayo nga sila sa landasing tuwid at sila noon ay hindi mga napatnubayan tungo roon.
Si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay ang lumikha ng mga patanimang nakalatag sa balat ng lupa [para sa mga halamang] walang puno, at para sa nakaangat sa ibabaw ng mga ito na may puno; ang lumikha ng mga datiles at lumikha ng mga pananim na nagkakaiba ang bunga sa anyo at lasa ng mga ito; at ang lumikha ng mga oliba at mga granada, na ang mga dahon ng mga ito ay nagkakahawigan at ang mga lasa ng mga ito ay hindi nagkakahawigan. Kumain kayo, O mga tao, mula sa bunga ng mga ito kapag namunga at ibigay ninyo ang zakāh ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong lumampas sa mga hangganang legal sa Islām sa pagkain at paggugol sapagkat si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya kaugnay sa mga ito ni sa iba pa sa mga ito, bagkus kinasusuklaman Niya. Tunay na ang lumikha niyon sa kalahatan niyon ay ang nagpahintulot sa mga lingkod Niya kaya hindi ukol sa mga tagapagtambal ang pagbabawal niyon.
Siya ay ang nagpalitaw para sa inyo ng mga hayupang naaangkop na pagpasanin gaya ng mga malaking kamelyo at hindi naaangkop para roon gaya ng mga maliit na hayop gaya ng mga tupa. Kumain kayo, O mga tao, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh kabilang sa mga bagay na ipinahintulot Niya sa inyo. Huwag ninyong sundin ang mga bakas ng demonyo sa pagpapahintulot ng ipinagbawal ni Allāh at pagbabawal ng ipinahintulot Niya gaya ng ginagawa ng mga tagapagtambal. Tunay na ang demonyo para sa inyo, O mga tao, ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway yayamang ninanais nito sa inyo na sumuway kayo kay Allāh doon.
Lumikha Siya para sa inyo ng walong kategorya. Mula sa mga tupa ay magkapares: isang lalaki at isang babae; at mula sa mga kambing ay dalawa. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Nagbawal ba si Allāh - pagkataas-taas Niya - sa dalawang lalaki mula sa dalawang pares dahil sa kadahilanan ng pagkalalaki? Kung nagsabi sila ng oo; ay sabihin mo sa kanila: Bakit kayo nagbabawal sa mga babae? O na Siya ba ay nagbawal sa dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkababae? Kung nagsabi sila ng oo; ay sabihin mo sa kanila: Bakit kayo nagbabawal sa dalawang lalaki? O na Siya ba ay nagbawal sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae dahil sa kadahilanan ng pagkakalaman dito ng sinapupunan? Kung nagsabi sila ng oo; ay sabihin mo sa kanila: Bakit kayo nag-iiba-iba sa nilaman ng mga sinapupunan sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga lalaki nito minsan at ng pagbabawal sa mga babae nito minsan? Magpabatid kayo sa akin, O mga tagapagtambal, ng pinagbabatayan ninyo ng kaalamang tumpak kung kayo ay mga tapat sa pahayag ninyo na ang pagbabawal niyon ay mula kay Allāh.
Ang nalalabi sa walong kategorya ay magkapares mula sa mga kamelyo at magkapares mula sa mga baka. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Si Allāh ba ay nagbawal sa mga ito dahil sa pagkalalaki nito o pagkababae nito o dahil sa pagkakalaman dito ng sinapupunan? O kayo ba noon, O mga tagapagtambal, ay mga nakadalo ayon sa pag-aangkin ninyo nang nagtagubilin sa inyo si Allāh ng pagbabawal sa ipinagbawal ninyo mula sa mga hayupang ito? Walang isang higit na mabigat sa kawalang-katarungan ni pinakamalaki sa krimen kaysa sa gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan kaya naman nag-ugnay sa Kanya ng pagbabawal sa hindi Niya ipinagbawal upang ipaligaw ang mga tao palayo sa landasing tuwid nang walang kaalaman sa pinagbabatayan nito. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan sa mga tagalabag ng katarungan dahil sa paggagawa-gawa nila ng kasinungalingan laban kay Allāh.
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako nakatatagpo sa anumang isiniwalat ni Allāh sa akin ng isang bagay na ipinagbabawal maliban sa namatay nang walang pagkakatay o dugong dumadaloy o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaang ipinagbabawal o ito ay kabilang sa kinatay ayon sa hindi pangalan ni Allāh gaya ng kinatay para sa mga anito nila. Ngunit ang sinumang napilit ng pangangailangan sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito dahil sa tindi ng gutom nang hindi naghahangad ng pagpapasarap sa pagkain nito, hindi lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Mapagpatawad sa napipilitan kahit nakakain mula sa mga ito, Maawain sa kanya."
Ipinagbawal Namin sa mga hudyo ang anumang hindi nagkakahiwa-hiwalay ang mga daliri gaya ng mga kamelyo at mga ostrits. Ipinagbawal Namin sa kanila ang mga taba ng mga baka at mga tupa maliban sa kumapit sa mga likod ng dalawang uring ito o nadala ng mga bituka o nahalo sa buto gaya ng pigi at tagiliran. Gumanti nga Kami sa kanila dahil sa kawalang-katarungan nila sa pagbabawal niyon sa kanilang sarili. Tunay na Kami ay talagang tapat sa bawat ipinababatid Namin.
Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo, O Sugo, at hindi nagpatotoo sa inihatid mo mula sa Panginoon mo ay sabihin mo bilang pag-uudyok sa kanila: "Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak. Bahagi ng awa Niya sa inyo ay ang pagpapalugit Niya sa inyo at ang hindi Niya pagmamadali sa inyo sa pagpaparusa." Sabihin mo pa sa kanila bilang pagbabala sa kanila: "Tunay na ang parusa Niya ay hindi binabawi buhat sa mga taong gumagawa ng mga pagsuway at mga kasalanan."
Magsasabi ang mga tagapagtambal habang mga nangangatwiran ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sa katumpakan ng pagtatambal nila kay Allāh: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magtambal, kami sampu ng mga magulang namin, ay talaga sanang hindi kami nagtambal sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magbawal ng ipinagbawal namin sa mga sarili namin ay talaga sanang hindi kami nagbawal niyon." Sa pamamagitan ng tulad ng katwiran nilang napabubulaanan, nagpasinungaling ang mga nauna sa kanila sa mga sugo sa mga iyon habang mga nagsasabi: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magpasinungaling sa kanila ay talaga sanang hindi kami nagpasinungaling sa kanila. Nagpatuloy sila sa pagpapasinungaling na ito hanggang sa nalasap nila ang parusa Namin na ibinaba Namin sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Mayroon ba kayong isang patunay na nagpapatunay na si Allāh ay nalugod para sa inyo na magtambal kayo sa Kanya, na magpahintulot kayo ng ipinagbawal Niya, at magbawal kayo ng ipinahintulot Niya? Ang payak na pagkaganap niyon mula sa inyo ay hindi isang patunay sa pagkalugod Niya sa inyo. Tunay na kayo ay walang sinusunod kaugnay roon kundi ang akala. Tunay na ang akala ay hindi naipapalit sa katotohanan sa anuman. Kayo ay walang [ginagawa] kundi nagpapasinungaling.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Kung wala kayong mga katwiran maliban sa mga mahinang katwirang ito, tunay na kay Allāh ang katwirang pamputol na mapuputol sa harap nito ang mga dahi-dahilang inilalahad ninyo at mapawawalang-saysay sa pamamagitan nito ang mga maling akala ninyong kinakapitan ninyo. Kaya kung sakaling niloob ni Allāh ang pagtutuon sa inyong lahat sa katotohanan, O mga tagapagtambal, ay talaga sanang itinuon Niya kayo roon."
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh at nag-aangkin na si Allāh ay ang nagbawal niyon: "Padaluin ninyo ang mga saksi ninyo na sasaksing si Allāh ay nagbawal ng mga bagay na ito na ipinagbawal ninyo. Kung sumaksi sila, ayon sa kawalang kaalaman na si Allāh ay nagbawal niyon, ay huwag kang sumaksi sa kanila, O Sugo, sa pagsasaksi nila dahil ito ay isang pagsaksi sa kabulaanan. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpapahatol sa mga pithaya nila sapagkat nagpasinungaling nga sila sa mga tanda ni Allāh nang ipinagbawal nila ang ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay samantalang sila sa Panginoon nila ay nagtatambal kaya naman nagpapantay sila sa Kanya sa iba pa sa Kanya. Papaanong sinusunod ang sinumang ito ang saloobin niya sa Panginoon niya?"
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tao: "Halikayo, bibigkasin ko sa inyo ang ipinagbawal ng Panginoon ninyo sa inyo: na magtambal kayo sa Kanya ng anuman kabilang sa mga nilikha Niya; na magpakasutil kayo sa mga magulang ninyo, bagkus kinakailangan sa inyo ang pagmamagandang-loob sa kanila; na pumatay kayo ng mga anak ninyo dahilan sa karalitaan gaya ng ginagawa noon ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan, si Allāh ay nagtutustos sa inyo at nagtutustos sa kanila; ipinagbawal na lumapit kayo sa mga malaswa: ang anumang inihayag mula sa mga ito at ang anumang inilihim; at na pumatay kayo ng buhay na ipinagbawal ni Allāh na patayin malibang ayon sa karapatan gaya ng pangangalunya matapos makapag-asawa at pagtalikod sa Islām." Iyon ay itinagubilin ni Allāh sa inyo nang sa gayon kayo ay uunawa sa Kanya, sa mga ipinag-uutos Niya, at mga sinasaway Niya.
ipinagbawal ni Allāh na makialam kayo sa ari-arian ng ulila - ang nawalan ng ama niya bago nagbinata o nagdalaga - malibang may dulot itong kabutihan at pakinabang sa kanya, at karagdagan sa ari-arian niya - hanggang sa umabot at matalos sa kanya ang kasapatan ng isip. Ipinagbawal Niya sa inyo ang pang-uumit sa pagtatakal at timbangan, bagkus kinakailangan sa inyo ang katarungan sa pagkuha at pagbibigay sa pagtitinda at pagbili. Hindi Siya nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kaya ang anumang hindi maaaring maiwasan na pagkadagdag o pagkakabawas sa mga takalan at iba pa sa mga ito ay walang paninisi roon. Ipinagbawal Niya sa inyo na magsabi kayo ng iba pa sa tama kaugnay sa pag-uulat o pagsasaksi, nang walang pagkiling sa isang kaanak o isang kaibigan. Ipinagbawal Niya sa inyo ang pagsira sa kasunduan kay Allāh kapag nakipagkasunduan kayo kay Allāh, bagkus kinakailangan sa inyo ang pagtupad niyon. Ang naunang nabanggit na iyon ay nag-utos sa inyo si Allāh ng isang utos na binibigyang-diin sa pag-asang makapag-alaala kayo sa kahihinatnan ng lagay ninyo.
Ipinagbawal Niya sa inyo na sumunod kayo sa mga landas ng pagkaligaw at mga daan nito, bagkus kinakailangan sa inyo ang pagsunod sa daang tuwid ni Allāh na walang kabaluktutan doon. Ang mga daan ng pagkaligaw ay nagpapahantong sa inyo sa pagkakahati-hati at pagkakalayo sa daan ng katotohanan. Ang pagsunod na iyon sa daang tuwid ni Allāh ay ang itinagubilin Niya sa inyo, sa pag-asang makapangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya.
Karagdagan, matapos ng pagpapabatid ng nabanggit, nagpapabatid Kami na Kami ay nagbigay kay Moises ng Torah bilang isang pagbubuo sa biyaya, bilang ganti sa pagpapakahusay niya sa gawain, bilang isang paglilinaw para sa bawat bagay na kakailanganin niya sa relihiyon, bilang isang patunay sa katotohanan, at bilang isang awa sa pag-asang sumampalataya sila sa pakikipagtagpo sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon para maghanda sila para sa Kanya ng gawang matuwid.
Ang Qur'ān na ito ay isang Aklat na ibinaba Namin, na marami ang pagpapala dahil sa nilalaman nitong mga pakinabang panrelihiyon at pangmundo kaya sumunod kayo sa ibinaba rito at mag-ingat kayo sa pagsalungat dito dala ng pag-asang kaaawaan kayo.
upang hindi kayo magsabi, O mga tagapagtambal ng mga Arabe: "Ibinaba lamang ni Allāh ang Torah at ang Ebanghelyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano na nauna sa amin at hindi Siya nagbaba sa amin ng isang kasulatan. Tunay na kami ay hindi nakaaalam ng pagbigkas ng mga kasulatan nila dahil ang mga ito ay nasa wika nila at hindi nasa wika namin."
At upang hindi kayo magsabi: "Kung sakaling nagbaba si Allāh sa amin ng isang kasulatan gaya ng ibinaba Niya sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talaga sanang kami ay naging higit sa pagkamatuwid kaysa sa kanila," sapagkat may dumating nga sa inyo na isang aklat na ibinaba ni Allāh sa Propeta ninyong si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa wika ninyo. Iyon ay isang malinaw na katwiran, isang paggabay tungo sa katotohanan, at isang awa para sa Kalipunang Islām. Kaya huwag kayong magpalusot gamit ang mga mahinang palusot at magdahilan gamit ang mga bulaang dahilan. Walang isa mang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis sa mga ito. Magpaparusa Siya sa mga lumihis sa mga tanda Niya ng isang matinding parusa sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Apoy ng Impiyerno bilang isang ganti sa paglihis nila at pag-ayaw nila sa mga ito.
Walang hinihintay ang mga tagapagpasinungaling malibang dumating sa kanila ang mga anghel o dumating ang Panginoon mo o dumating ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo. Sa araw na darating ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo ay hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya noong una pa o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan. Sabihin mo: "Maghintay kayo; tunay na Kami ay mga naghihintay."
Tunay na ang mga gumawa sa relihiyon nila na nagkahati-hati kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano yayamang may kinuha silang bahagi nito at may iniwan silang bahagi nito. Sila ay naging mga sektang nagkaiba-iba. Ikaw, O Sugo, ay hindi kabilang sa kanila sa anuman sapagkat ikaw ay walang-kaugnayan sa taglay nilang pagkaligaw. Walang kailangan sa iyo kundi ang magbabala sa kanila sapagkat ang lagay nila ay nakatalaga kay Allāh. Pagkatapos Siya, sa Araw ng Pagbangon, ay magpapabatid sa kanila ng ginagawa nila noon sa Mundo at gaganti sa kanila dahil dito.
Ang sinumang kabilang sa mga mananampalataya na nagdala sa Araw ng Pagbangon ng isang gawang maganda ay pag-iibayuhin ito ni Allāh para sa kanya na maging sampung tulad nito at ang sinumang nagdala ng isang gawang masagwa ay hindi siya parurusahan maliban ng tulad nito sa gaan at bigat, hindi higit kaysa rito. Sila, sa Araw ng Pagbangon, ay hindi gagawan ng kawalang-katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa ni ng pagdagdag sa parusa sa mga masagwang gawa.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagpapasinungaling na ito: "Tunay na ako ay ginabayan ng Panginoon ko tungo sa daang tuwid, ang daan ng relihiyong nagtataguyod sa mga kapakanan ng Mundo at Kabilang-buhay. Ito ay ang kapaniwalaan ni Abraham na nakakiling sa katotohanan, na hindi naging kabilang sa mga tagapagtambal kailanman."
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang dasal ko at ang pagkakatay ko ay ukol kay Allāh at sa pangalan ni Allāh hindi sa iba pa sa Kanya. Ang buhay ko at ang kamatayan ko, ang lahat ng iyon, ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha: tanging sa Kanya at ang iba pa sa Kanya at walang bahagi roon."
Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay walang katambal at walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Itong Tawḥīd na dalisay sa Shirk ay ipinag-utos sa akin ni Allāh. Ako ay una sa mga sumusuko sa Kanya kabilang sa Kalipunang ito.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Ang iba pa ba kay Allāh ay hihilingin kong maging isang Panginoon samantalang Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay Panginoon ng bawat bagay? Siya ay Panginoon ng mga sinasambang sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya. Hindi papasanin ng isang inosente ang pagkakasala ng iba pa sa kanya. Pagkatapos ay sa Panginoon ninyo - tanging sa Kanya - ang balikan ninyo sa Araw ng Pagbangon at magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon ay nagkakaiba-iba sa Mundo sa usapin ng relihiyon."
Si Allāh ay ang gumawa sa inyo na humahalili sa nauna sa inyo sa lupa para sa pagsasagawa ng paglinang nito. Inangat Niya sa mga antas ang ilan sa inyo sa pagkakalikha, pagtustos, at iba pa sa mga ito higit sa iba, upang subukin Niya kayo sa ibinigay Niya sa inyo mula roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay mabilis ang pagpaparusa sapagkat Siya ay malapit sa bawat darating, at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain dito.