Banggitin mo sa Aklat si Abraham. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Bumanggit ka, O Sugo, sa Qur'ān na ibinaba sa iyo, ng ulat kay Abraham - sumakanya ang pangangalaga. Tunay na siya noon ay lubusan sa katapatan at paniniwala sa mga tanda ni Allāh at isang propeta sa ganang kay Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم