Banggitin mo sa Aklat si Ismael. Tunay na siya ay tapat sa pangako at naging isang sugo na propeta.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo, O Sugo, sa Qur'ān na ibinaba sa iyo ang ulat kay Ismael - sumakanya ang pangangalaga. Tunay na siya ay tapat sa pangako: hindi siya nangangako ng isang pangako malibang tinutupad niya ito, at naging isang sugo na propeta.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم