Ang mga iyon ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila kabilang sa mga propeta na mga supling ni Adan, kabilang sa dinala Namin kasama ni Noe, kabilang sa mga supling ni Abraham at ni Israel, at kabilang sa pinatnubayan Namin at hinirang Namin. Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ng Napakamaawain ay sumusubsob sila na mga nagpapatirapa, na mga umiiyak.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga nabanggit na iyon sa kabanatang ito sa pagsisimula kay Zacarias at pagwawakas kay Enoc - sumakanilang dalawa ang pangangalaga - ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila ng pagkapropeta kabilang sa mga anak ni Adan - sumakanya ang pangangalaga - kabilang sa mga anak ng mga dinala Namin sa daong kasama ni Noe - sumakanya ang pangangalaga - kabilang sa mga anak ni Abraham at mga anak ni Jacob - sumakanilang dalawa ang pangangalaga, at kabilang sa itinuon Namin sa kapatnubayan tungo sa Islām, pinili Namin, at hinirang Namin bilang mga propeta. Sila noon, kapag nakarinig sa mga tanda ni Allāh, ay nagpapatirapa kay Allāh habang mga umiiyak dala ng takot sa Kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم