Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talagang magtitipon nga Kami sa kanila at sa mga demonyo. Pagkatapos ay talagang magdadala nga Kami sa kanila sa paligid ng Impiyerno na nakaluhod.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, O Sugo, talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula sa mga libingan nila patungo sa Tipunan, na mga sasamahan ng mga demonyo nilang nagpaligaw sa kanila. Pagkatapos ay talagang magdadala nga Kami sa kanila sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga aba na mga nakaluhod sa mga tuhod nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم