Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: "O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot na ako sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo subalit hindi ninyo naiibigan ang mga tagapayo."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya umayaw si Ṣāliḥ - sumakanya ang pangangalaga - sa mga kalipi niya matapos ang pagkawala ng pag-asa sa pagtugon nila. Nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi, talaga ngang nagparating ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ni Allāh na ipaabot sa inyo at nagpayo ako sa inyo habang nagpapagusto sa inyo at nagpapahilakbot, subalit kayo ay mga taong hindi umiibig sa mga tagapayong masigasig sa paggabay sa inyo sa kabutihan at pagpapalayo sa inyo sa kasamaan."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم