Pagkatapos ay magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan doon na nakaluhod.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Pagkatapos matapos ng pagtawid na ito sa landasin ay magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala sa Panginoon nila dahil sa pagsunod nila sa mga ipinag-utos Niya at pag-iwas sa mga sinaway Niya, at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan na mga nakaluhod sa mga tuhod nila, na hindi nakakakaya ang pagtakas mula roon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم