Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh ay may paghahari sa mga langit at lupa? Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na isang katangkilik ni isang mapag-adya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nalaman mo nga - o Propeta - na si Allāh ay ang naghahari sa mga langit at lupa. Humahatol Siya ng anumang ninanais Niya kaya nag-uutos Siya sa mga lingkod Niya ng anumang niloob Niya, sumasaway Siya sa kanila sa anumang niloob Niya, nagpapasya Siya ng batas na niloob Niya, at nagpapawalang-bisa Siya ng anumang niloob Niya. Walang ukol sa inyo matapos kay Allāh na isang katangkilik na tatangkilik sa mga nauukol sa inyo, ni isang mapag-adya na magtataboy para sa inyo ng kapinsalaan, bagkus si Allāh ay ang katangkilik ng lahat ng iyon at ang nakakakaya niyon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم