Mayroon sa kanila na nagsasabi: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at mangalaga Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
May isang pangkat kabilang sa mga tao na mananampalataya kay Allāh, na sumasampalataya sa Kabilang-buhay kaya humihiling ito sa Panginoon nito ng lugod sa Mundo at gawang matuwid dito gaya ng paghiling nito ng pagtamo ng Paraiso at kaligtasan mula sa pagdurusa sa Apoy.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم