Ang mga gumugugol ng mga salapi nila ayon sa landas ni Allāh, pagkatapos ay hindi nila pinasusundan ang anumang ginugol nila ng isang panunumbat ni pananakit, ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga nagkakaloob ng mga salapi nila sa pagtalima kay Allāh at kaluguran Niya, pagkatapos ay hindi nila pinasusundan ang pagkakaloob nila ng anumang nakapagpapawalang-saysay sa gantimpala nito na panunumbat sa mga tao sa sinasabi o ginagawa, ukol sa kanila ang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila sa anumang kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa anumang nakalipas dahil sa laki ng kaginhawahan nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم