Nakipagtipan Kami kay Moises nang tatlumpong gabi at nilubos Namin ang mga ito ng may sampu pa kaya nalubos ang yugto ng [pakikipagniigan sa] Panginoon niya sa apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron: "Humalili ka sa akin sa mga tao ko, gumawa ka ng matuwid, at huwag kang sumunod sa landas ng mga tagapanggulo."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nakipagtipan si Allāh sa sugo Niyang si Moises para sa pakikipagniigan dito nang tatlumpong gabi. Pagkatapos ay binuo ito ni Allāh sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sampung araw pa kaya naging apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron noong ninais niyang pumunta para sa pakikipagniigan sa Panginoon niya: "O Aaron, maging kahalili ka sa akin sa mga tao ko at gumawa ka ng matuwid sa nauukol sa kanila sa pamamagitan ng kagandahan ng pamamahala at kalumayan sa kanila. Huwag kang tumahak sa daan ng mga tagapanggulo sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at huwag kang maging tagatulong para sa mga tagasuway."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم