Banggitin noong inihayag ng Panginoon mo na talagang magpapadala nga Siya laban sa kanila hanggang sa Araw ng Pagbangon ng magpapataw sa kanila ng kasagwaan ng pagdurusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang mabilis ang pagpaparusa, at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo, O Sugo, nang nagpahayag si Allāh ng isang pagpapahayag na tahasan, na walang kalituhan dito upang paghariin sa mga Hudyo ang aaba sa kanila at hahamak sa kanila sa buhay nila sa Mundo hanggang sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang mabilis ang pagpaparusa sa sinumang sumuway sa Kanya hanggang sa tunay na Siya ay maaaring magpaaga ng kaparusahan doon sa Mundo, ngunit tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم