Nagsabi sila: "Walang papasok sa Paraiso kundi mga Hudyo o mga Kristiyano." Iyon ay mga pinakamimithi nila. Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patunay ninyo kung kayo ay mga tapat."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi ang bawat pangkat kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Tunay na ang Paraiso ay natatangi sa amin." Nagsabi ang mga Hudyo: "Walang papasok doon kundi ang sinumang Hudyo." Nagsabi ang mga Kristiyano: "Walang papasok doon kundi ang sinumang Kristiyano." Iyon ay mga pinakamimithi nilang bulaan at mga haka-haka nilang tiwali. Sabihin mo, o Propeta, bilang tugon sa kanila: "Magbigay kayo ng katwiran ninyo sa ipinapalagay ninyo kung totoong kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم