Sabihin mo: "Nangangatwiran ba kayo sa amin hinggil kay Allāh samantalang Siya ay ang Panginoon namin at ang Panginoon ninyo? Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kami sa Kanya ay mga nagpapakawagas."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, o Propeta: "Nakikipagtalo ba kayo sa amin, o mga May Kasulatan, hinggil sa kung kayo ay higit na malapit kay Allāh at sa relihiyon Niya kaysa sa amin dahil ang relihiyon ninyo ay higit na matanda at ang kasulatan ninyo ay higit na nauna ngunit tunay na iyon ay hindi magpapakinabang sa inyo? Si Allāh ay ang Panginoon natin sa kalahatan; hindi kayo natatangi roon. Ukol sa amin ang mga gawa namin, na hindi kayo pananagutin tungkol sa mga iyon; at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo, na hindi kami pananagutin tungkol sa mga iyon. Bawat isa ay gagantihan sa gawa niya. Kami ay mga nagpapakawagas kay Allāh sa pagsamba at pagtalima; hindi kami nagtatambal sa Kanya ng anuman."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم